Prologue

10.8K 306 9
                                    


"Sinabi ko na sa iyo na hindi ako sasama at ayoko maging reyna o kabiyak mo kaya umalis kana at bumalik na sa mundo nyo"malamig pero may halong inis kong sabi sa lalaking ito na madilim ang aura na pumapalibot dito.

"Fvcking No way!!!! Hindi ako nagpakahirap na magtiis na magkaroon ng maraming asawa para makuha lang ng wolf ko ang gusto nya!!at hindi rin ako magpapakahirap na maglakbay papunta rito para hanapin ang mate ko na nararapat lamang na maging reyna ko rin at para narin sa ikakatahimik ng makulit kong wolf tapos ano? tatangihan mo lang ako!!?"inis rin nitong sabi.

"Gaya ng lumabas dyan sa bibig mo na meron ka ng mga asawa kaya bakit kailangan mo pa ako?pwede ka namang mamili sa kanila na maging reyna hindi yung ako ang kinukulit mo!"pabalik kong sabi sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko sila gusto at hindi rin sila nakapasa sa wolf ko pero kung gusto mo ay ipapatapon ko silang lahat sa pinakamalayong lugar para wala ka ng kaagaw sa akin " kalmado pero seryosong sabi nito.

"Uulit ulitin ko sa iyo na ayoko,ayoko,ayoko at ayokong sumama sa iyo!umalis kana because I Ayesha Sangre Moonhill rejecting you alpha Knight Zerion Creozen "sabi ko at tumalikod na pero napahinto ako dahil sa nagyayari sa paligid ko.

Biglang namatay lahat ng halaman at naging kulay itim ang mga dahon nito,ganundin ang berdeng damo ay naging tuyo't bitak bitak na lupa na itim rin.Ang kaganinang mga paroparong nagliliparan ay biglang naging abo.Kumulimlim ang kalangitan at tinabunan nito ang maaliwalas kaganina na araw.

"Anong nagyayari. ....??"tanong ko sa aking sarili.

"Do you think I'm going to accept your rejection?"seryosong sabi nito kaya napaharap ako sa kanya at napasinghap ako dahil kulay pula na may ginto ang mga mata nito.Mas lalong dumilim ang mukha nito at mukhang naubusan na yata ng pasensya.

"Your going to come with me  whether you like it or not my mate.."sabi nya bago ko maramdaman ang hilo at pagbigat ng talukap ng aking mata pero bago ako mawalan ng malay ay nasalo ako nito at kita ko rin sa labi nya ang nakakakilabot na ngisi.

"Mine...."

Moon's Knight  REBIRTH ( HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon