💐 Chapter 2 🐾

5.1K 191 10
                                    

Eyesha's POV

Eleven years,eleven years na ang nakakaraan simula ng patayin ako ng sarili kong ina,hindi ko alam ang dahilan,hindi ko alam ang kasalanan ko sa kanya.

Wala akong ibang hinangad kundi ang mahalin nya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya pero wala....walang nangyari at pawang puro sakit at hinagpis lang ang ibinigay nya sa akin.

Araw-araw nya akong pinahihirapan sa DEDU,yun ang lugar kung saan ako paulit ulit na pinag eeksperimentuhan nila.Dun nila ako kinukuryete at unti unting pinapatay.

Mga wala silang puso! Isa lamang akong bata nun,pero bakit ganun ang sinapit ko?diba dapat magsaya ako dahil habang bata pa ako ay kailangan kong gawin ang mga bagay ng hindi ko na magagawa paglaki ko pero anong nangyari?libo libong boltahe ng kuryente any dumadaloy sa katawan ko araw araw . Hindi  sila naawa sa akin.....pero ngayong malaya na ako sa kanila.....hindi  na ako papayag na saktan pa ulit nila ako...hindi na......

Muli ko tuloy naalala kung papano ako nakaligtas sa kamay ng mga nilalang na iyon at kung papano ako muling nabuhay.

Flashback........

Matapos nila akong saksakin ay unti unting humina ang tibok ng aking puso at unti unti akong nahirapan huminga pero sa loob lamang ng ilang segundo ay nagawa ko parin makapagpalabas ng isang malakas napuwersa.

Nagawa kong pasabugin ang buong lugar na iyon sa isang iglap,hindi ko alam kung ilan ang nasawi o kasama bang namatay rin si ina ang tanging alam ko lang ay nagawa kong makapagbukas ng isang lagusan patungo sa kung saan.

Unti unti nitong hinigop ang aking katawan at dinala ako sa isang talampas na napapaligiran ng mga damo at talahib.Sa loob ng ilang segundong iyon ay nagawa kong makatakas. Hinko alam kung papano ko ginawa,basta ang alam ko lang inisip ko na sana bigyan pa ako muli ng pagkakataon.

Nakatakas nga ako subalit naghihingalo naman ako,walang sino man ang nakakakita o maaring tumulong sa akin sa mga oras na ito.Ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin ng oadataing na bukangliwayway pero heto ako at malapit ng mawalan ng hininga.

Hinawakan ko ang aking sugat sa tagiliran at duon ay masaganang dumadaloy ang aking pulang dugo.Naalala ko ang pinakahilig kong gawin,ang magtanim ng  kaya muli kong inisip sana ang sugat na ito ay may tumubong isang puno ,at sana rin merong mga halamang rosas ang proprotekta sa akin.

Natawa nalamang ako sa aking naiisip, mamamatay na ngalang ako kung ano ano pa ang iniisip ko pero bago lumabas ang aking huling hininga ay may kung ano nga ang tumubo na puno sa sugat ko.Unti unti itong lumaki kasabay ng paglabas rin ng mga halamang rosas sa aking paligid.Yun ang aking huling alaala bago ako mamatay.

_

Hindi ko alam kung nasaan ako pero alam ko lang ay sinusundan ko ang isang puting liwanag habang bunabaybay ko ang isang daan pa akyat ng bundok.Malamig ang simoy ng hangin sa paligid.

Ilang araw na ba akong naglalakad?saan ba talaga ako patungo? Nasagot ang akingnkatanungan ng sa wakas narating narin namin ang tuktok ng mabatong bundok na ito.Nakita ko ang isang babaeng may korona na kalahating buwan,nakasuot rin sya ng puti at napakaganda nya.Mataman syang nakamasid sa buwan na napakalaki.

"Sino po kayo?"lakas loob kong tanong sa kanya.Humarap sya sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti .

"Ako si Selene,ang diyosa ng buwan"simpleng sabi nya at lumapit sa akin bago haplusin ang aking mukha.

"Patay na po ba ako?"lakas loob kong tanong sa kanya.

"Nasapagitan ka ng kamatayan at ng buhay"simpleng saad nya at tumingin sa buwan.

Moon's Knight  REBIRTH ( HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon