💐 Chapter 3 🐾

5.1K 173 10
                                    


Roki's POV

Hindi talaga ako makapaniwala na nakita ko na ulit sya,Yes! Thanks moon goddess!! Di ko talaga akalain na makikita ko si Esra, ang tagal narin ng huli ko syang makita.

Hahahhaha kala nyo kung sino ? Nagulat kayo no? Ako nagulat rin  eh. Ako pala ang tinutukoy dito😅

Anyway mabalik tayo sa magandang eksena,hindi ko akalain na muli ko syang makikita kaya hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at agad kong tinakbo ang distansya papunta dun sa babaeng mahal ko pero ng yayakapin ko ito ay bigla itong naging mukha ni alpha Zerion na galit na galit kaya napapreno ako sa pagtakbo at dun ko naramdaman na para akong nahulog.

Blag!

Nahulog nga ako,nahulog sa kama kaya napadaing ako ng husto.Anak ng puta!kala ko totoo na panaginip lang pala,tsk paasa!

"ROKI God dammit !!!!!! Open this fvcking door!!" Sigaw ng lalake dun sa labas,Shit! Si Alpha!!

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang madilim na mukha ng alpha na ito.Sunod sunod akong napalunok ng panis kong laway.Kung takot ako kay alpha Zerux,mas takot ako sa anak nyang si Alpha Zerion dahil mas halimaw ito eh.Isa pa cannibal to dahil kumakain ng kapwa werewolves

"Tsk!pack your things,sasama ka sa akin!"diretsang sabi nito at agad na tumalikod at umalis.Naku! sayang  di ko natanong kung mainit o malamig na lugar ba ang pupuntahan namin para makapag ready ako

-

Matapos kong maihanda ang dadalhin kong gamit na kung ano-ano at agad na akong bumaba pero nauna pa pala ako kay alpha dahil twenty minutes pa akong naghintay sa kanya sa sala.

"Teka,alpha saan ba tayo pupunta? "Tanong ko dahil bigla nalang ako nitong pinag impake ng mga gamit ko.Magbabakasyon ba kami?

"Sa mundo ng mga tao"simpleng sabi nito kaya nanlaki ang mata ko, nakita naman nya ito kaya napakunot noo sya marahil ay nagtaka.

"What's the problem? "

"Ah eh nakalimutan kong magdala ng sanitizer,masyadong polluted daw doon eh baka magkagerms ako" Agad akong tumakbo pa akyat ng kinuha nito ang isang vase sa gilid nya at ambang ipupukol sa akin.

Whheeeww,muntik na ako dun ah,pero anong gagawin namin sa mundo ng mga tao?

Eyesha's POV

Nakatingin ako sa salamin habang sinusuklay ang mahaba at kulot kong buhok na abot hangang  lampas tuhod ko.Gusto ko lang na maging mahaba ang buhok ko dahil kakulay ito ng paborito kong kulay na rosas.

Mahaba ang pilik mata ko,mahilig rin akong maglagay ng dark color red lipstick sa aking labi na bumagay naman sa maputi kong balat . Kulay asul ang kaliwa kong mata at ginto naman sa kanan kong mata.Nagiging bloody red ang mata ko at buhok kapag nagagalit ako at grey naman sila kapag nalulungkot ako.

Soot ko ang mahaba kong damit na red violet hangang gitna ng nga hita ko,hindi ako nakasuot ng kahit anong sapin sa paa dahil mas gusto kong nararamdaman ang inaapakan ko.

Nakatira ako dito sa malaking mansyon malapit sa dagat at gubat kung saan mas tahimik. Iilan lang kami narito,apat na kasambahay, si  master,ako at ang kanang kamay ko.

Ayokong nakikihalubilo sa mga tao dahil naiingayan ako sa kanila,ang mga kasama ko rito ay hindi tao kundi mga engkanto o diwata.Mukha lang silang normal na tao dahil tulad ng wolf ay meron din silang human form.

Bumaba ako sa magarang hagdan ng aking bahay,madilim dito kahit tanghaling tapat dahil nakasarado ang mga kurtina.Naiirita kasi ako sa liwanag at masakit ito sa balat.

Moon's Knight  REBIRTH ( HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon