FoFiL2

38 6 0
                                    

🚫 Plagiarism is a crime 🚫
~Lhienzi

Chapter 2 - Caught in a Lie

♥♥♥

     [“Let’s meet up, baby. I miss you so much”]. malamyos na sabi ni Mark sa kabilang linya.

    “Okay, baby”. tuwang tuwa kong sang–ayon sa kanya.

    [“Jane?”]. gulat na tanong ni Mark na ikinataka ko naman.

    “Yes baby, it’s me. Why?”. malambing kong sabi.

     [“Nothing babe. Your voice sounds different”]. sabi niya naman at tumawa.

    “Really?”. gulat kong tanong.

     [“Yes babe. Your voice is so soothing”]. puno ng admirasyon ang boses niya.

     “About sa sinabi mo nga pala kanina na magkita tayo, saan tayo magkikita, babe?”. tanong ko sa kanya.

    [“Maybe this coming Saturday?”]. suggest niya.

    “Ang tagal naman ata, babe. Tatlong araw pa”. naka–ngusong reklamo ko kahit na hindi niya naman nakikita.

      [“I have to finish my project as soon as possible.. Try to understand me. Okay?”]. bakas ang inis sa tono ni Mark.

      “Okay, babe. I understand you. I didn’t mean to be annoying to you”. malungkot kong sabi sa kanya.

      [“Later, babe. I’ll try to call you when it’s already 8 pm okay?”]. pangako niya sa akin.

     “Noted, babe”. masigla kong sabi lalo na at may kalokohan akong naiisip.

     Four o’ clock pa lang at alam kong marami pa akong free time. Siguro ay tatambay muna ako sa tambayan namin.

    Hindi pa pala ako nakapag–sorry kanila Nathalie at Hera, kaso alam kong malilimutan rin nila yun. Naging motto na nilang magkapatid yung; “Forgive and forget”.

      “Alam mo, Jane, may nagbago sa’yo”. bungad agad ni Ely sa akin.

     “Sa akin?”. nagtataka kong tanong.

      Feeling ko, wala namang nagbago sa sarili ko. Sila yung nagbago eh, mas lalo silang naging weird.

     “Tama si Ely, may nagbago nga sa’yo, Jane. Hindi yang ayos ng damit mo, hindi yung mukha o katawan mo, kundi nagbago na yung ugali mo”. seryosong sabi ni Nathalie.

      “Di ko alam kung saang lupalop na naman ng mundo umabot yang utak mo, Hyden. Hindi naman ako nagbago eh. Tigil tigilan niyo nga ako. iritable kong sabi sa kanila.

     Ever since na sinagot ko si Mark, lagi na napapansin nila Nathalie na may nagbago nadawsa ugali ko. Well, I think sila ang nagbago, hindi ako.
    
    Anyway, kasalukuyang nag lalaro ng video games sila Nathalie at Mikyla habang nanonood sa kanila ang iba.

    “Go Nath! Wag kang papatalo!”. sigaw ni Hera.

    “Kyla, kailangan manalo ka, wallet ko ang nakataya dito. Pag nanalo ka, bibilhan kita ng paborito mong coffee jelly. Pramis. sulsol ni Krizelle sa kapatid niya.

Fear Of Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon