Simula

85 3 1
                                    

"G-girlfriend.. Gusto kitang maging girlfriend!"

Taga ibang section, anong pinagsasabi nito? Lumingon lingon ako sa paligid, ako lang naman nandito sa locker room, ako ba kinakausap nya?

"Ako ba?"

Tumango sya, ako nga talaga yung kinakausap nya, ano 'to nagtatapat ba sya ng pag-ibig ngayon? As in ngayon? Eh ngayon ko lang sya nakausap, di ko nga din masyado maalala pangalan nya e, Rez ata.

"Ako talaga?"

"O-o nga.. Ano, p-payag ka ba?"

Patay! Ano naman isasagot ko eh ni hindi ko nga sya kilala personally, naririnig ko lang pangalan nya kasi syempre batchmate kami, pero usap o pansinan, ngayon lang talaga! Tska ayon sa naririnig ko, malakas syang mangtrip baka pinagttripan nya lang ako.Watda-ef, bat ako pa!

"Sorry ah. Busy kasi ako."

Umalis na agad ako at buti hindi nya ako pinigilan. Hay salamat. Pagdating ko sa classroom, bigla kong naalala yung Physics notebook ko. Tae yan, yun nga pinuntahan ko sa locker room e, naiwan ko pa dahil sa taranta ko sa sinabi ni Rez. Lahat kami busy sa pagtapos ng clearance tapos siya! Hay bakit ko pa ba iniisip yun? Obvious namang trip nya lang yun.

Naglalakad ako pabalik ng locker room nung mapadaan ako sa classroom nila Rez. Curious lang naman ako e, kaya sumilip ako, kunyari may pinulot. Nakita ko syang dumakot ng chalk dust saka nilagay sa bag ng kaklase nya. Ano? Ganun sya kasalbahe?! Ano nalang pala kung nagtagal pa ko sa locker room kanina na kaming dalawa lang. Grrrshhh. Kinikilabutan tuloy ako. Paalis na ako nung hinarangan ako nung isang classmate nyang lalaki.

"Rez! Si Reiha oh" sigaw nung classmate nya. Lumingon agad si Rez pati iba nyang kaklase. "Bat mo naman binasted si Rez?" tanong ng classmate nya sakin. Syempre di ako sumagot.

Tumakbo palapit si Rez saka hinampas ng malakas sa braso si Francis, kung di ako nagkakamali yun yung pangalan nya.

"Shut up pre!" Sigaw ni Rez.

"Aray! Oy, kala mo ah, narinig ko lahat kanina sa locker room pre. Basted ka nga e" yan nalang huli kong narinig na sinabi ni Francis kasi umalis na ako. Di ko sila kilala, pano kung ibang klase talaga silang mangtrip, kinapa ko pa nga yung likod ko mamaya may nagdikit na ng stickynote na may nakasulat na Kick Me! buti nalang wala.

Wala talaga akong kaalam-alam na ito ang magiging simula ng impyerno kong buhay.

Basted na, papalag pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon