Chapter 5

25 1 0
                                    

"Reiha, kumain na tayo."

Si mama yung kumakatok. Sumagot lang ako ng 'Opo' saka sumunod sa kanya sa dining area.

Wala na yung mga barkada ni papa, wala na rin si Rez. Habang kumakain, nagsalita si papa.

"Anak baby, may favor si papa sayo."

"Ano po 'yon?"

"Si Rez anak, maging mabait ka sa kanya baby, parang kapatid na ni papa si tito Renato mo kaya si Rez para mo na rin syang pinsan. Kaya baby, wag mo na ulitin 'yon ha?" Malambing na pagkakasabi ni papa pero bakit parang di ko nagustuhan yung pagkakasabi nya. Mabait na nga ako sa lagay na 'to kay Rez e, yung mga kawalang hiyaan nya, lahat pinalampas ko lang. Dapat kay Rez nyo yan sinasabi e.

Muntik na akong maluha, pero agad din akong natigilan. Teka, bakit ako iiyak dahil sa gunggong na 'yon?

Lalo lang akong nabuhayan ng loob na magpursigi na mabayaran ang 18k na 'yon para iwiwish ko sa kanya na lumayo na sya sakin at wag na wag nya na akong kakausapin. Kaya nag isip ako kung pano makakakuha ng extrang pagkakakitaan para naman mabayaran ko na yung lintik na ipad na yun. Sakto naman na naghahanap ng katulong sa pag iihaw yung mama ni Karla my friend, may karendirya kasi sila at naghahanap sila ng taga ihaw. Okay na yun kesa sa wala, kaya tuwing uwian ay dumederecho ako dun sa kanila. Lunes ako nagsimula at 50pesos a day ang sinasahod ko sa tatlong oras na pag-iihaw.

Araw araw bumibisita si Karlo my seatmate at sunshine para pakyawin yung mga isaw na tinitinda sa karendirya, feeling ko nga isaw na din ang tinatae nila. Oopss sorry for the word.

Isang araw, hindi ko alam bakit napakaenergetic ko nung hapon na yun.

"Bili-bili na kayo mga suki, suki bilibilina!" Sigaw ko sabay napatingin sa lumalapit na matabang ale.

"Niloloko mo ba ako?"

"Hala hindi po." Sagot ko. Nagtataka ako bakit?

"Anong hindi? narinig kong tinawag mo akong balyena!" Sabi nya sabay tulak sakin.

"Ha? Hindi po. Mali po kayo ng rinig." Sabi ko. Lumapit na din si Karla at ang nanay nya.

"Rinig na rinig ko iha, pati pangloloko mo sa bilbil ko. Anong masama sa pagiging mataba ko aber?!" Sigaw ng ale na talaga namang nakakatakot ang itsura at kahit anong gawin kong deny ay pinipilit nya paring tinawag ko syang balyena.

Sobrang nanginginig na ako kaya hindi na malinaw ang pag iisip ko. Napatingin naman ako sa mama ni Karla na mataba din. Kaya pikit mata kong sinigaw "Mali po kayo. Sya po yung tinatawag kong balyena." Sabay turo ko sa mama ni Karla.

Bakit? Bakit yun pa ang lumabas sa bibig ko?! Isang linggo palang akong nagttrabaho sa karendirya, nasesante na kaagad ako at hindi lang yun nagalit pa yung mama ni Karla sakin. Nakatulala ako sa classroom habang iniisip kung ano na ang gagawin ko pagkatapos kong masesante sa karendirya nila Karla.

2,506 out of 18k, at 75 days nalang ang natitira sakin. Wala na akong pag asa!

Naramdaman kong kinalabit ako ni Karlo my seatmate. At bigla kong narinig ang pasigaw ng masungit naming teacher.

"Ms. Dimaano? Absent? Absent-minded."

Nakatatlong tawag na pala sya sa pangalan ko at hindi ko sya narinig. Inilagay tuloy akong absent sa attendance book nya.

Nung lunchbreak, magkasabay kami nina Karlo my seatmate, Karla at Sunshine kumain. As usual pinagdala ako ng pagkain ni Karlo.

"Karlo, hindi ba nagagalit yung mama mo, kapag nagpapahanda ka pa ng baon kahit binibigyan ka na nya ng pera?"Malungkot na sabi ko habang binubuksan yung baonan na dala ni Karlo.

"Hindi naman, alam naman nya na para sayo yan e saka gusto talaga kitang tulungan para di ka masyadong mahirapan." Natuwa ako sa naging sagot ni Karlo, kung hindi ko lang nahalatang bakla din sya, siguro kinilig na ako. Pero syempre nahihiya pa din ako sa kanya at saka mukang hindi ko na mababayaran talaga si Rez kahit ano pang gawin ko.

"Pero Karlo baka isipin ng mama mo, abusada na ako. Bukas wag mo na akong ipagdala ha? Sabihin mo sa mama mo, thank you thank you thank you thank you thank you thank you, wag kang titigil hanggat di ka nauubusan ng hininga. Okay?" Sabi ko saka nagbigay ng malawak na smile.

"Bakit? Di mo na ba kailangan mag bayad kay Rez? Para tigilan ka na nya." Tanong ni Karlo.

"Ayoko na suko na ako." Sabi ko tapos sumingit naman sa usapan si Karla.

"Huy girl, so gusto mo bullyhin ka ni Rez forever? Mawawala din agad ang galit ni madir for sure. Makakabalik ka din samin soon kaya wag kang sumuko."

"Ayoko noh! Kaya nga simula ngayon, lalaban na ako! Hindi nya na ako mabubully!" Mariin kong sinabi.

Pero.. pero bakit di ko kayang panindigan yun? Kinabukasan noong freetime bago mag uwian. Hindi ko namalayang kinuha nila Rez at ng barkada nya yung bag ko, pinagpasa-pasahan nila kaya hindi ko maagaw, matatangkad din kasi sila e.

"Akin na yung bag ko!" Sigaw ko pero lalo pa nila akong ininis.

Binuksan ni Rez yung bag ko nung mapunta yun sa kanya. Dali dali naman akong tumakbo para agawin sa kanya yung bag ko, may napkin at underwear kasi dun, pang-emergency purpose pagnagkaroon ako bigla.

Wala sa isip ko syang niyakap mula sa likod nya. Yun nalang naisip ko para maabot ko yung bag ko. Nagulat din ako na yun ang ginawa ko, ayoko lang talaga kasing bumalik uli sa disciplinarian office kaya hindi ko sya sinaktan. Hindi ako lumaban na katulad nung sinabi ko.

Nagulat din siguro sya kaya bigla syang huminto tapos dun ko na nakuha yung bag ko at lumayo sa kanya.

Wala pang sampung segundo kong hawak ang bag ko nung naramdaman kong aagawin nya uli yung bag sakin kaya napataas agad ako ng kamay. At dahil mas matangkad sya sakin, tinamaan ng kamay ko ang ilong nya, dahilan para dumugo 'yon.

Hindi ko agad nakita pero nagkantyawan yung mga kaklase namin na nadugo ilong ni Rez.

Hindi ko alam panong nasa tabi na namin si Karlo the seatmate at may hawak na panyo at binigay kay Rez. Ako naman yakap yakap ko yung bag ko habang natingin lang sa dumudugong ilong ni Rez.

Hindi naman ako dapat maguilty diba? Kasi kitang kita naman ng mga kaklase ko na gusto nyang agawin yung bag ko, hindi ko naman sinasadya na tamaan sya ng kamay. Pero bakit parang naguiguilty ako.

Nagulat ako nung ipatong nya ang kamay nya sa ulo ko at parang paamuhin na parang aso.

"Ok lang, di mo sadya." Narinig ko nalang na sabi nya. Siguro napansin nyang natameme ako at alam nyang maguiguilty ako. Hindi lang ako makapaniwala, siya? Nakakaisip pa rin pala sya ng bagay na maganda para sakin.

"Ok lang baby." Narinig kong sabi nya bago ako mapatingin kay Karlo at makita ang pag-irap nya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Basted na, papalag pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon