Kakasabi ko lang na hindi na ako babalik sa bahay na 'to e. Pero eto ako ngayon, nakatayo sa harap ng gate nila.
Nung martes kasi ay pinaliguan ni Rez ng chalk dust si Karlo, my seatmate. At bilang mabuting kaibigan, pinagtanggol ko sya laban kay Rez. Nagdilim na yung paningin ko e, kaya nung tumalikod si Rez, kinuha ko yung bag nya at pinagtatadyakan! Hindi ko naman alam na nandun pala ung ipad nya e. Yun tuloy nasira.
Nandito ako ngayon para magsorry kasi hindi ko na maipagawa yung ipad nya. Basag basag na kasi yung screen e.
Saturday ng hapon nung pumunta ako sa kanila bitbit bitbit ang wala nang buhay na ipad. Pinapasok kaagad ako ng maid at pinaupo sa sofa. Hinintay kong bumaba si Restituto.
Pero hindi sya sa second floor galing. Galing sya sa labas, nakatrunks lang sya at basang basa. Ayokong makita! Kaya nagtakip ako ng mata, mas mabilis pa sa one second.
"Sir, si miss Reiha po yung bisita nyo." narinig ko nalang na sinabi nung maid kay Rez. Sumilip ako sa maliit na butas sa pagitan ng daliri ko, sobrang liit lang talaga ha, kaya nakita kong nagulat si Rez sabay kinuha yung twalya mula sa maid at tumakbo kaagad papuntang second floor.
Hinintay ko syang bumaba.
"Anong kailangan mo?" narinig ko nalang after kong maghintay ng 30 mins., ang tagal nya magbihis bwisit sya.
Tumayo ako sabay inabot ko sa kanya yung paperbag na dala ko. Nakalagay dun yung ipad nya at yung piggy bank ko.
"Pagpasensyahan mo na, di ko kasi kayang palitan yung nasira mong ipad, kulang pa yung ipon ko. Ibibigay ko nalang sayo lahat tapos bibigyan kita araw araw para mabayaran kita. Sorry talaga, wag mo nalang sabihin sa daddy mo ha." Nahihiya kong sabi, nakokonsensya kasi ako dun sa ginawa ko pero kasi sya e. 😭
Sinilip nya yung paper bag saka sinabing "Sige, kung hindi mo ako mababayaran ng tatlong buwan dapat pumayag ka sa wish ko."
Ano? Anong wish? Pero may naisip din kaagad ako.
"Sige pagnabayaran kita, ikaw ang papayag sa wish ko! Okay?!" confident kong sinabi. Ang wish ko, tigilan nya na ako!
Yun lang pinag usapan namin at umuwi na ako.
Pagkauwi ko, lumapit kaagad ako kay mama.
"Mama, gumaganda ka ngayon, alam mo ba? Ahh tsaka ma, ang dami naming school works, ang daming pinapaxerox araw araw, tsaka ma fourth year na ako, kaya kailangan ko nang--" pinutol kaagad ni mama yung sinasabi ko.
"Magkano? Magkano nanaman ba yung ipapadagdag mo?"
"200 a day! Sige na ma, ang mahal kasi ng xerox sa school e, 3 pesos isa." kahit piso lang naman ang isang page.
"Wag mo akong lokohin! Hindi pwede anak, kakadagdag ko lang sa baon mo diba?"
Oo, dinagdagan nya nga noon ng sampung piso. Sabi nya pa gipit daw kami. Pano ko babayaran ang 18thousand sa loob ng tatlong buwan kung 100 a day lang ang baon ko. Bakit ba kasi dinala pa nya yung ipad nya sa araw na yun? Bakit kailangan ko pang masira yun!? Bakiiiiiiit?
Kahit paulit ulit ko pang icalculate yun, kulang na kulang talaga! Tska pano, ano yun hindi ako kakain ng tatlong buwan, at tatlong buwan din akong maglalakad papuntang school? Hindi pwedeeeeee!
Isanla ko kaya tong tv namin, o kaya yung celphone ko, pero pano naman ako.. Pano ko matetext ang friends ko? Bahala na, bahala na si Darna!
Monday, sinubukan kong lakarin papunta sa school, after 40 minutes ako nakarating sa school, hindi lang yun pawisan na din ako. Hindi ko 'to kakayanin ng tatlong buwan, my gosh!
Pagdating ko, malapit nang magsimula yung flag ceremony, kaya tumakbo ako makaabot lang. Sinalubong kaagad ako nila Karlo my friend at Sunshine.
"Muntik ka pang malate, bruha ka, pumunta ka na dun sa pila nyo!" malambot na pagkakasabi ni Karlo.
Pumila na kaagad ako sa pila ng mga babae. Di ko namalayang natapatan ko pala sa pila si Rez. Napatingin lang ako sa kanya nung pagkatapos kong magpunas ng pawis. Args! Nakakabanas, nginitian nya pa ako. Inisnob ko lang sya dahil wala namang dahilan para ngitian ko din sya.
Pagkatapos ng prayers, lupang hinirang at panata, pinaupo muna kami sa sahig at saka nagsmall talk yung principal namin, inannounce nya din na magkakaron ng Acquaitance party sa friday. Habang nagsasalita sya dun, kami naman ni Rez, magkatabi at nagcocompute.
"May 1,156 na akong binayad sayo ha, yung ipon ko, tapos ngayong araw, eto 60! edi 1,216 na" sabi ko habang nagsusulat sa likod ng notebook ko saka inabot sa kanya ang 60 pesos. Kinuha naman nya yun saka sinabing "Sige, basta kapag 3 months ha. Tuparin mo yung wish ko!"
"Oo, oo! sigurado ka bang tig18k yung ipad mo? Hindi ba immitation lang yun?"
"Hindi, buti nga 18k nalang sinisingil ko e, 24k kaya bili ko dun!"
Nagulat ako! Ano yun may ginto sa loob? Hindi kasi ako updated sa mga bagong gadgets, lalo na sa mga presyo. Tinanong ko pa nga si Karlo, the seatmate kung totoo yun e.
Sa recess at lunch, biscuit lang ang kinain ko. Gusto man akong tulungan ng mga kaibigan ko, wala naman silang maibigay dahil sapat lang din yung pera nila. Hanggang sa may maisip si Karlo, my seatmate na dadalan nalang daw nya ako ng baon. Grabe, maaasahan talaga tong si Karlo.
Kinabukasan ng umaga sa classroom, pinagdala ako ni Karlo ng kanin na may ulam na chicken adobo at saka grapes.
"Talaga Karlo? Para sakin 'to? Ang sweet mo naman." masayang masayang sabi ko habang nakayakap ako sa braso nya, ganto na kami kaclose. Wala namang malisya dahil alam kong bakla sya.
"Buti naman masaya ka--" napatigil sya sa sinabi nung may tumamang medyas sa muka nya.
Paglingon ko, nakatanggal ang isang sapatos ni Francis at wala ng medyas. Inisip ko agad na si Francis yun kaya binato ko pabalik sa kanya yung medyas nya. Papansin din pala sya katulad ng kaibigan nya!
"Uy! Bat napunta sa inyo 'tong medyas ko?" nagtataka nya pang tanong. Painosente!
"Tigilan nyo nga kami! Binato mo dito yang medyas mo!" pagkasabi ko nun, tumingin kaagad sya kay Rez saka binatukan.
"Si Rez yun!" sigaw nya.
Di na ako nagtaka, hindi na ako nagreact. In short, sanay na ako. Hayop sya!
"Hayaan mo na yun Karlo, magsasawa din yan sa pangbubully satin. Thank you uli dito." sabi ko saka ngumiti kay Karlo. Nung uwian ko na binigay yung 100 ko kay Rez.
Kinabukasan nakapagbigay ako ng 80, saka nung thursday naman ay 90. At sa araw ng acquaitance ay makakapagbigay ako ng 300, kung wala akong gagastusin. Nauto ko kasi si mama dahil sinabi ko na magpeperform ako, sabi ko kailangan yun sa props.
2 ng hapon nung nagsimula yung acquaitance, lahat ay naka casual wear lang. No uniforms today! Nagkaron ng mga palaro at ang pinakahuling palaro bago kumain ay auction na ang kikitain ay mapupunta daw sa funds ng highschool officers.
"Okay, punta sa stage lahat ng nakakulay green na babae." sigaw ng president nung highschool officers. Buti nalang hindi ako nakagreen. Biglang may lumapit na teacher at binulungan ang president.
"Ahy, sit down na muna kayo, yung first year at second year, hindi daw kayo pwedeng sumali. Mga baby pa daw kasi kayo e. Papalitan ko na din yung kulay ng damit, mga nakakulay PUTI, akyat na dito."
Nakakulay puti ako kaya nakasali ako. Watda! Halos 20 kami na nasa stage, pang 13 ako, oh diba ang malas! Kahit sino pwedeng magbid sa isang nasa stage at ang pinakahighest bidder, bubunot sa tatlong papel. Ipakita mo sakin ang 'yong talent, Sabay tayo kumain at Hatid na kita sa bahay nyo, yun yung tatlong nakasulat sa papel.
Pano kung walang magbid sakin? Nakakahiya. Kaya habang matagal pa yung turn ko, sinesenyasan ko si Karlo my friend na magbid sya sakin, umoo naman sya. Sa kanya lang ako umaasa para hindi mapahiya.
Ilang saglit pa ang lumipas. Eto na turn ko na!
"My name is Reiha Jill Dimaano. Mahilig ako kumain at.. at magfacebook at yun lang." intro ko sa sarili. Kailangan kasi yun! Shete, kinabahan ako.
"Bidding starts now."
BINABASA MO ANG
Basted na, papalag pa?!
Fiksi RemajaAno nga ba ang gagawin mo para makuha mo ang taong gusto mo? ... Kahit na ilang beses ka na nyang binasted.