"5 pesos!" Malakas na sigaw ni Karlo, my friend! Walangyang shokla yan, limang piso? Napapikit nalang ako sa hiya. Nang biglang
"50 pesos!" Napadilat kaagad ako at nakitang nakataas ang kamay ni Karlo, my seatmate. He's really my savior!
"100!"
May isa pang nagbid, si Restituto! Bakit sumasali pa sya sa eksenang 'to? Sinenyasan ko agad si Karlo my seatmate na gawing 150.
"150!" Sigaw naman kaagad ni Karlo.
"200!" Bawi naman ni Rez.
Sinenyasan ko uli si Karlo na gawing 300, sinenyas ko din na may 300 ako sa bulsa, yun yung ipangbabayad ko sana kay Rez.
"300!" Sigaw ni Karlo.
Matagal na katahimikan ang sumunod! Hayyy mabuti naman! Wala na akong kaya pang ibigay kung tataasan pa ni Rez ang bid na yan.
"Wala ng magbibid? Akala ko pa naman aabot pa ng 500. Kung may magbibid ng 500, hindi mo na kailangang bumunot pa. Sayo na yung tatlong pagpipi-" hindi pa nakakatapos magsalita yung president nang muling sumigaw si Rez.
"500!"
Ibig sabihin makakasabay ko syang kumain, ipapakita ko yung talent ko sa kanya at ihahatid nya ako sa bahay? Kill me now.
Pagkatapos ng auction, pinalapit na kami isa isa sa mga highest bidder namin. Nakasimangot akong tumabi kay Rez.
"Baliw ka talaga!" Winika ko na may sama ng loob.
"Akin na yung 300 mo." Aniya.
"Ano? Bakit ko ibibigay sayo yung 300 ko?"
"Bayad mo sakin." Pano nya nalamang may 300 ako? Nakita nya kayang sumenyas ako kay Karlo?
Pinagsama nya yung 300 ko at 200 na pera nya para maging 500.
Pagkatapos, lahat ng nakabunot ng 'Sabay tayong kumain' ay pinaupo sa tigitigisang table. Sa table na yun may nakahandang dalawang plato ng spaghetti at isang malaking baso ng orange juice na may dalawang straw. So, gusto nila magsama yung laway namin ni Rez sa orange juice na yan? No way!
Mabilis kong kinain yung spaghetti ko habang si Rez naman ay mabilisan ding kinain yung sa kanya. Pagkatapos nyang kumain, uminom kaagad sya sa baso. Inalok nya pa nga ako e.
"Ayoko, di ako nainom ng orange juice." sabi ko kahit medyo nahihirinan na ako.
Ilang saglit lang ay sininok ako! Tapos sininok uli tapos sininok uli. Nakita naman agad ako ni Rez pero imbis na alukin uli ng juice, dinuraan nya pa yung baso saka nakangiting humigop higop sa straw. Napakasama talaga ng ugali nya, hindi lang yun kadiri pa sya!
Mabuti nalang at may nagbigay samin ng tigtigisang bote ng mineral water kaya nakainom ako tapos nawala yung sinok ko.
Pagkatapos kong uminom nakita ko namang nakatingin si Rez sakin habang nakangiti na umiinom ng tubig.
"Ngiti ka dyan! Sundutin ko ng tinidor yang eyeball mo e!" Sabi ko sabay hablot sa tinidor na nasa lamesa, nang bigla nalang nagbuga ng tubig si Rez sa muka ko.
Kadiri. Kadiri. Gumanti kaagad ako at binugahan din sya ng tubig sa muka. Umakma uli syang gagantihan ako pero may nagsalita sa microphone.
"Okay, tapos na ba kayong kumain lahat? Atin namang panuorin ang mga talent ng white ladies! Unahin na natin si Reiha, tutal sila ang may highest donation samin. Akyat na kayo dito." Wika ng president. White ladies dahil nakawhite daw kami. Wala naman akong problema sa talent, dahil medyo magaling naman akong kumanta, medyo lang pero ibang usapan na kapag ang kakantahan ko ay katulad ni Rez na baliw.
BINABASA MO ANG
Basted na, papalag pa?!
Dla nastolatkówAno nga ba ang gagawin mo para makuha mo ang taong gusto mo? ... Kahit na ilang beses ka na nyang binasted.
