Chapter 2

41 0 0
                                    

Ilang saglit lang ay may nilabas syang gunting. Ngumiti pa sya bago nya gupitin yung buhok ko, yung buhok kooooooooo!

Napatayo nalang ako sa sobrang gulat, habang ramdam ko ang paggaan ng ulo ko dahil sa buhok ko na naging hanggang sa balikat ko nalang.

"Reeeeeeeeeeeessssss!" malakas kong sigaw habang nilapitan ko sya at hinawakan sa kwelyo. Nahinto din yung klase dahil sa ingay na ginawa ko. Pumagitna kaagad sa amin yung teacher namin.

"Tumigil na kayo! Kundi ipapadala ko kayong dalawa sa disciplinarian office." sigaw ni ma'am. Pagkarinig ko nun, nanghina yung tuhod ko, binitawan ko na kaagad si Rez sa kwelyo. Bakit? Kasi ayoko na uling bumalik dun kung maaari.

"Ma'am sorry po." mahinang sabi ko saka umupo sa chair ko.

"At ikaw Restituto, akala mo bang parlor 'tong school. Bakit mo naman ginupit yung buhok ni Reiha?" galit na sabi ni ma'am.

Tumahimik lang si Rez. At yun pinadala pa din kami sa disciplinarian office.

"Oh? Kayo nanaman?" pati yung disciplinarian nagugulat dahil sa loob ng isang linggo, tatlong beses na kaming pinadala dito.

"Sir, sya na po may kasalanan this time!" depensa ko kahit sya din naman may kasalanan last time, ah hindi, all these times!

"So Restituto, anong atin? Ano namang naisipan mo bakit ginupit mo yung buhok ni Reiha?"

Di sumagot si Rez kaya tuloy tuloy lang syang pinagalitan ng disciplinarian namin. Hanggang sa pinigilan ko na sila.

"Ok lang po yun sir, ilayo nyo nalang po ako sa kanya."

Kaya ayun, inilipat sya sa pinakadulo sa tapat ng back door. Hay salamat, makakahinga na ako ng maluwag, malayo na sya. Ayos lang naman yung sa buhok ko, gusto ko rin namang magpagupit dati pa dahil outdated na yung long hair. Tamang length lang sa bagong hairstyle na gusto ko. Kaya nung uwian, dumerecho kaagad ako sa parlor, nagpasama ako kay Karlo the seatmate dahil yung dalawang friend ko, may group activity pa sa school.

"Kesa mainis ako, mas maganda kung tatanggapin ko nalang di ba?"

"Oo, bagay naman kasi sayo e."

"Ano sa tingin mo, titigilan na kaya ako nung gag*ng Rez na yun?!"

"Baka, muka ngang may gusto sayo yun e. Kasi parang nagpapapansin lang."

Whaaat? Sa isip isip ko, nagkandamura mura na ako.

"Asa! Wag na nga nating pag-usapan yung lalaking yon."

Pinaayos ko lang yung gupit ko tapos umuwi na din kami kaagad. Nagulat nga si mama nung umuwi akong maiksi na ang buhok, sinabi ko nalang na nagpagupit talaga ako. Baka kasi sumugod pa yun sa school kapag nalaman nyang ginupit ng kaklase ko yung buhok ko.

Sunday ng gabi nung isama ako nila papa at mama sa bahay ng kumpare nila. Kakauwi lang daw kasi nun galing sa abroad. Mukang yayamanin yun dahil nakatira sa isang exclusive subdivision na ang lalaki ng bahay, ang lalawak ng bakuran.

Mas namangha pa ako nung huminto kami sa tapat ng malaking bahay, hindi naman nalalayo ang laki nito sa iba pero ang mga dingding na gawa sa glass. Ow it so extra ordinary!

Automatic na gate, check!

Malawak na bakuran, check!

May swimming pool, check!

May makintab na sahig, check!

May chandelier, check!

May paikot na stairs, check!

May bumababang gwapong lalaki, super check!

At may sumusunod pang gwa.. Ha? Si Rez!

EX! EX! EX!

Anong kalokohan 'to? Anong malateledramang tagpo 'to!?

"Kumpare, long time no see! Kamusta?" malakas na boses ng isang lalaki na hula ko ay yung kumpare na ni papa, hula ko lang naman.

At yun nga pinakilala nyang anak nya nga si Kuya Kei at si Rez. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Rez nung makita nya ako dahil hindi ko sya tinitignan.

Umupo din ako sa sala kasama nila mama at papa habang nakikipagkwentuhan sila kay tito Renato.

"Dun din ba nag-aaral si Reiha? Si Rez dun din pumapasok. Baka magkaklase pa nga ata sila, ano iha?" magiliw na tanong ni tito Renato.

"O-opo, classmate po kami, pero pero di po kami close!" sagot ko dahil alam kong tatawagin nya si Rez para ientertain ako. Pero tinawag nya parin at pinasama ako sa kanya.

Sumama ako sa mini home theather nila, sumunod din si kuya Kei.

"Hi Reiha! Nice name, huh? Narinig ko, classmate ka pala nitong little bro ko." may pagkaslang slang na sagot ni kuya Kei.

"Ah e, oo, pero di kami close!" mariin kong sagot.

Ok naman yung kuya nya, very jolly and kind. Malayo sa kapatid nyang psychotic! At habang nakikipagkwentuhan kay kuya Kei, nalaman kong kasama sya ng daddy nila na nanggaling sa abroad tapos si Rez naiwan dito, mag isa! With their maids?! Eh kaya naman pala naging sira ulo e.

Nanunuod lang si Rez ng movie the whole time na nakikipagkwentuhan ako kay kuya Kei. Ganun siguro talaga sya, cold and quiet pero nasa loob ang kasamaan ng budhi!

Bigla naman kumatok yung isang maid saka tinawag si kuya Kei, may tawag daw kasi para sa kanya. Gusto ko man lumabas din ng kwartong 'to, hindi ko ginawa. Wala naman kasi akong ibang pupuntahan sa bahay nila.

Triny ko nalang manuod nung movie na nagpplay sa screen kahit medyo distracted ako dahil kasama ko sa kwartong 'to yung sademonyong gumupit ng buhok ko.

Nangilabot nalang ako nung lumingon si Rez sakin sabay walang reaksyong tumayo sa kinauupuan nya at saka umupo sa tabi ko. Triny ko talagang hindi sya tignan pero nabigo ako. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatingin sya sakin. Sa loob loob ko, oh my gosh may binabalak nanaman tong masama.

Kaya mabilis pa sa alasdose akong napalayo nung nakita kong iaangat nya ang kamay nya.

Binawi naman nya yung pag angat ng kamay nya, saka nagsalita "Bagay sayo." Tapos tumawa ng bahagya.

"Anong sinasabi mo?" Masungit kong sabi. Anong bagay sakin? Wag nyang sabihin yung buhok ko? Sasapakin ko na talaga sya, lalaban na talaga ako lalo pa't alam kong kakampihan ako ng tatay nya kung sakaling magsapakan kami rito.

Ngumiti lang sya at may binulong.

"Kung plano mo pa ring ibully kami ni Karlo, magsusumbong ako sa papa mo! Ngayon!" Pagalit kong sabi.

"Edi magsumbong ka, sasamahan pa kita ngayon." Patawa nyang sabi.

"Kala mo siguro di ko kayang gawin noh?! Siguradong lalatiguhin ka ng tatay mo at isasabit ka patiwarik kasama ng chandelier nyo!" Nakuha ko pang mag imagine ng mga pwedeng gawin pa sa kanya ng tatay nya kapag nalaman na binubully ng anak nya ang anak ng kumpare nya.

Tumawa sya ng mahina.

"Bakit tumatawa ka? Kala mo ba nagjojoke ako?" Sa isip isip ko gusto ko na syang batukan at sapakin sa muka nya at sipa sipain sa lupa. Bakit pa kasi ako nakikipag usap sa halimaw na 'to. Nagsasayang lang ako ng laway at oras ngayon.

Tatayo na sana ako sa upuan at magwwalk-out nalang para walang gulo, nung naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko, malamig ang kamay nya at magaan din ang pagkakahawak nya. Mukang alam nyang mag-wwalk out ako kaya pinigilan nya ko.

Nagkatinginan kami.

"Kung pumayag ka lang, di ka na nahihirapan ngayon."

Mahina nyang sinabi pero narinig ko.

"Anong pinagsasabi mong demonyo ka? Baka~" Bago pa ako maglabas ng sama ng loob, nakita ko ang kuya nya.

Natahimik ako.

"Whaaat, i'm just gone for 15 minutes and you already pisses her off, that's not good bro. Be kind to the ladies."

Be kind to the ladies? Walang ladies ladies sa hayop na yan.

Kumalma lang ako dahil nandyan na kuya nya at saka kakain na daw kami.

Pagkatapos kumain ay umuwi na kami kaagad. At ipinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako babalik sa bahay na ito! Kahit Kailan!

Basted na, papalag pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon