Tatlong buwan ang lumipas. First day ng klase, fourth year highschool na kami. As usual, may orientation para sa freshmen bago kami pumunta sa mga classroom namin. Sino kaya magiging mga kaklase ko? Sana kaklase ko sila Karlo at Sunshine. Oh, speaking of the devils, they are here.
"Hoy mga bakla! First day na first day, mga late kayo!" Sigaw ko, bakla kasi si Karlo pero si Sunshine girl sya pero parang bakla na din.
"Ang traffic teh, ang kupad pang kumilos nitong si Karla." sabi ni Sunshine habang nagpupunas ng pawis, tumakbo kasi sila. Pinaupo ko sila sa nireserve kong upuan sa tabi ko, nagsisimula na yung orientation nun.
Pagkatapos ng orientation pumunta na kami sa classroom namin. Si Karlo at Sunshine magkaklase, ako solo flight. Umupo ako sa pinakaunahan, sa harap ng front door.
Di pa nag-iinit yung pwet ko sa upuan nung makita kong pumasok sa classroom si Rez kasama nya si Francis. Kaklase ko sila? Lalo pa akong di napakali nung umupo sa tabi ko si Rez. Bakit dito pa sa tabi ko? Ang dami namang vacant seats. Hala, nagkatinginan kami, anong gagawin ko? Nagsmile nalang ako pero imbis na ngitian nya din ako, inisnob nya ako! It's ok, wala naman talaga akong paki kung pansinin nya ako o hindi.
Dumating na yung adviser namin at isa isa nyang tinawag ang pangalan namin.
"Reiha Jill Dimaano"
"Present!" Sigaw ko, wala naman talagang nakakatawa sa pangalan ko pero bakit tawa ng tawa 'tong katabi ko.
"Restituto Ferrer"
"Present" Noon nagtataka ako kung sino yung Retituto retituto na pinagsasabi ng classmates ko dati, si Rez pala yun! Di ko napigilan, bigla akong natawa. Patay! Narinig kaya nya? Eh ano naman kung narinig nya, tinawanan nya rin naman yung pangalan ko e.
Nung matapos na ang pagcheck ng attendance ng teacher namin.
"Ma'am! Sorry I'm late."
May bagong muka na nakatayo sa harap ng pinto. Bagong estudyante yata.
"Anong pangalan mo iho?"
"Karlo Dimaano"
Di ko sya kilala ah, pero nagtinginan lahat sakin. Tinanong agad nila kung kamag anak ko ba sya. "Hindi" sagot ko dahil hindi naman talaga.
Pagkatapos, inarrange na yung sitting arrangement namin. Nasa sulok ako pinaupo sa may bintana, katabi ko si Karlo, ehh naaalala ko tuloy si baklang Karlo na kaibigan ko. Nasa likod ko naman si Restituto, ang malas naman ng cheating arrangement na 'to!
"Hi, anong name mo?" tanong ni Karlo nung kinalabit nya ako.
"Ah e, ako si Reiha! Ikaw, ahh oo, ikaw alam ko na pangalan mo."
Wala naman kakaibang nangyari nung unang linggo. Nagsimula lang lahat nung lunes.
Nung pagpasok ko sa classroom, muka kaagad ni Rez ang nakita ko. Dumaan ako sa harap ng kinauupuan nyang chair at di ko inakalang papatirin nya ako. Eh anu pa ba, nasubsob ako sa sahig. Nagasgasan pa yung siko ko. Ano yun sinasadya nya ba yun? Kasi sa itsura nya, parang walang napatid sa harap nya. Ayos!
Hindi nalang ako nag abalang bigyan pa sya ng pansin. Tumalikod nalang ako saka naglakad papunta sa upuan ko, kunyari walang nangyari.
Kinabukasan, ganun uli yung napala ko. Pati nung sumunod na araw, ganun uli. Pinatid nya ako; same time, same place. Obvious na obvious, he's bullying me! Mas gusto ko pang kuhanin nya nalang ang baon ko kesa patirin nya ako paulit ulit.
"Ano bang problema mo? Gusto mo ba ng baon ko? O ayan." sabay abot sa kanya ng 100 pesos na baon ko. Di naman nya kinuha yung pera ko, inisnob nya lang ako.
BINABASA MO ANG
Basted na, papalag pa?!
Teen FictionAno nga ba ang gagawin mo para makuha mo ang taong gusto mo? ... Kahit na ilang beses ka na nyang binasted.