Chapter 86

189 7 7
                                    

"If a woman doesn't chase a man a little,she doesn't love him."

Alyanna's POV

Huminga ako ng malalim, magtatakip silim na ngunit hindi pa rin nakakabalik ang iba. Nagpapahinga ako ngayon upang matapos mamaya ang mga pinagagawa ni Queen saakin. Masyado madugo ang magiging laban hindi sigurado kung may mawawala or kung may matitira ba saaaming lahat. Sa ngayon ay hindi malinaw saakin kung ano ang plano ni Queen.

Sigurado ako sobra ang galit niya kay Shan ngunit ang isa pa iniisip ko ay kung bakit namin sila tutulungan gayong wala na sila sa buhay naming lahat. Hindi na rin naman kawalan samin kung mapahamak sila dahil sa mga Cliffords dahil tatlong taon sila di nagparamdam saamin. AT ngayong nagbalik sila para bang kinakailangan nanaman namin sila protektahan sa abot ng aming makakaya.

"Alyanna..." Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayang tumabi si Riz saakin,dumating na pala sila."Oh dumating na pala kayo...Riz," Kaswal na tanging nabangit ko,hindi ko alam kung ako lang o talagang pareho kami na hindi alam ang dapat sabihin sa mga oras na ito.

Matagal tagal na rin ng huli ko nakausap si Riz at aaminin ko sa lumipas na mga taon ay marami-rami na rin ang pinagbago nito. Napansin ko rin na mas naging matured pa sya kumpara noong huli kami nagkasama noong malaman namin na may Amnesia siya sa U.S.

"May balita ka na ba tungkol sa mga Clifford?" Hindi ako sumagot sa halip ay tinitigan ko sya. Nakatingin sya sa papalubog na araw na syang mas lalong nagpaganda at nagpaamo ng muka nito. He maybe the Heartless Riz I knew before but, then alam ko na ako 'yong isa sa dahilan kung bakit nawala ang heartless na lalaking minahal ko noon. "Meron na ngunit hindi sapat para ibalita kay Stacey, you know her." Nagiwas ako ng tingin ng maramdaman ko na sya ay lilingon na saakin. Masyado na lumipas ang mga panahon at marami na rin ang nagbago saaming dalawa.

Hindi naman na rin lingid sakanya ang ginagawang pag porma saakin ni Terrence na syang best friend ni Shan. "It was nice that finally you found your hapiness, Alyanna..." Bahagya ako lumingon at ngumiti kay Riz ang totoo ay hindi naman nawala ang pag-asa ko, pag asa na isang araw ay magbabalik sya upang itama ang lahat.

Gusto ko man sabihin sakanya na hindi ko totoong minamahal si Terrence at tanging kaibigan lang ang maipaparamdam ko dito ay pinili ko nalang na manahimik at hayaan si Riz na isipin na masaya ako kasama ni Terrence mas magiging magulo kung gagawin ko rin ang mga aksyon ng iba dahil magulo pa ang siyawasyon namin.

"I was in love with you,Riz..." Napatingin ito saakin at napangiti gaya ko. Marahil gaya ko ay inaalala nito ang mga napagdaanan namin noon, kilala ko si Riz at kaya niyang magtago ng nararamdaman niya hanggat kinakailangan. "But then everything changed, and you knew what happen next."

Maaaring sagad sa buto ang galit ko kay Riz miski sa mga oras na ito na kausap ko sya ngunit mas nangingibabaw saakin ang pagmamahal na mayroon ako noon sakanya. Bahagya nitong hinawakan ang mga kamay ko, hinilig ang kanyang ulo sa balikat ko. Napabunyong hininga sya ng napakalalim at gayon din ang ginawa ko dahil sa alam ko sa mga susunod na araw ay sasabak kami sa panibagong gera na hindi inaasahan ng mga nakakarami na nakapalibot sa buong isla.

Gustuhin ko man pumalag ay hinayaan ko nalang muna sya marahil ay sariwa pa ang mga naranasan nila sa mga Clifford tanda ay ang mga galos at sugat sakanyang katawan na hindi manlang nagawang ipagamot.

"Na ano yang mga 'yan"  Don ko lang napagmasdan ang mukha niya sa malapit dahilan para mas makita ko kung gaano karami pasa ang mayroon sya, halos ilang dangkal nalang ang layo ng mukha niya saakin at kung magkakamali ako ng kilos ay mahahalikan ko sya dahil ako ang dumungaw sa mukha niya. "Just some fights."

Kahit alam ko na Clifford ang gumawa nun ay di na ako umimik at bumalik sa pwesto ko kanina lang, di hamak na mas matured magisip si Riz at Thunder kaysa sakanyang mga kasama.

"I was there noong isilang mo ang anak natin sa Canada, I was there also noong first birthday niya. Nandun rin ako ng ipadala niyo sila sa sa Japan para ipasok sa Gangster Academy. At nandun rin ako noong tanggapin mo ang proposal ni Terrence sayo months ago." Bahagya sya kumislot at tinanaw muli ang dalampasigan. "Nandoon ako sa halos lahat na espesyal na okasyon ng buhay mo Alyanna,but I stopped noong tangapin mo si Terrence sa buhay mo."

Hindi na ako nagulat sa mga ginagawa niya ay kaya niya ulitin ang mga iyon sa mga nakalipas na taon, maaaring nagulat ako pero bahagya nalang at aaminin ko na naantig ng sobra ang puso ko na kahit di ko naramdaman ay naroon naman pala sya para masaksihan miski ang pinaka maliit na detalye ng buhay ko.

"Mahal kita Alyanna at hindi nagbago yon."  Tumayo ito at nagpagpag. "But then I wanted you to be happy, at kung si Terrence ang makaka------

Pinigil ko sya sa ano man sasabihin nito, It's now or never. Hinila ko sya at mariin hinalikan ang kanyang mga labi. Napapikit ako ng maramdaman ko ang kanyang hininga na gumagalugad sa buong labi ko.

Hindi ko na mahihintay pa matapos ang mga kaguluhan, bago sabihin na mahal ko ang lalaking ito. Buong puso kong tinugon ang mga halik na umabot na hanggang sa buko ng aking dibdib. Napatigil sya at tinignan ako sa mga mata.

"Mahal kita Riz Elizalde at walang nagbago."

---------------------

Stacey's POV

Unti-unti ay nabubuo na ang grupo masyado na naging marahas ang lahat sa bawat lumipas na segundo at oras.

Nawawala ako sa wisyo mag-isip sa kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. Ngunit napahinto ako sa pagiisip ng matanaw ko mula sa dalampasigan sina Riz at Alyanna na naghahalikan,hindi na ba uso ang PDA sa mga panahon na ito at sa dalampasigan nila naisip na maglampungan. Paano nalang kung may biglang sumugod sakanila dyan?

Nababaliw ka na talaga Stacey, at napaparanoid ka na rin sa mga nangyayari.

"Mag-usap tayo, Stacey."

Hayan nanaman sya kumukulit ng kumukulit sa di malamang dahilan nagusap na kami kanina umaga ano pa ba gusto niyang usap? Maghapon niya na rin sinasabi ang mga katagang yan na magusap kami at kailangan namin pagusapan ang tungkol samin na wala rin naman sa plano dahil naokupa na ng misyong ito ang isip ko.

"Nag-uusap na tayo, Mister Morrissey."

"Hindi ganyan ang usap na sinasabi ko,at alam mo kung ano iyon Misis Morrissey."

AT di lang kumukulit ang isang to kundi mas tumitigas na din ang mukha niyang sabihin na misis niya ko at kung ano meron ako ay meron sya and vice versa.

"Kausapin mo yung buwan!"

Mas nang aasar na ang tinig at pananalita ko ngayon,gusto ko matuwa ng mas mamula ang kanyang muka sa galit. Ngunit mas nagugustuhan ko yon dahil ang kulit ng mukha niya lalo na tuwing nagagalit sya.

"Misis, mahal kita."

Hindi ko sya pinansin at nahiga sa kama mas gugustuhin ko matulog at makapagisip ng ayos kaysa makinig sa sintimyento niya.

"Mahal kita Stacey Voughn Morrissey."

Nagmulat ako at nakita ko kung gaano sya kaseryoso. Huminga ako ng malalim at bumangon upang sapakin sya ng ubod ng lakas. Ano ba akala niya por que tinutulungan namin sila ay hindi ako galit sakanya.

Masyado pa malalim ang sugat na iniwan mo sakin at sa mga bata kaya kinakailangan mo ng ibayong pagkakayod ng mga buto,balat at kasukasuan para lang mapa-amo ako. Hindi ako gaya ni Alyanna o ni Athena na isang halik lang ay magiging maayos na ang lahat.

Maghihirap kang muli Shan Morrissey...

---------

A/N:  This is a short update, masyado nawala ang husay at imahinasyon ko sa pagsusulat at kinakailangan ko pa ulitin ng ilang beses na basahin ang istoryang ito para mapagpatuloy hindi ako nangangako ng agarang paguupdate pero magcomment lang kayo upang maalala ko dahil sa dami ng ginagawa ko.

Nagmamahal,

Otor otorang Reyna ❤️🥰

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Princesses' Revenge" (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon