Chapter 85

255 9 10
                                    

"He looked at her the way all women want to be looked at by a man."

Stacey POV

Nagising ako sa malamig na simoy ng hangin, ang tila papasikat na araw mula sa dagat na natatanaw ko mula sa labas. Pilit sinasariwa kung ano ang nangyari ng araw na iyon. Dito mismo umusbong lalo ang pag mamahalan namin ni Shan at ng iba pa.

Ang pagsusungitan nina Erli at Athena. Ang walang sawang paghahabulan dahil sa pambubully nina Clyde at Megan. Ang pag gawa ng musika nina Riz at Alyanna. Ang pangungulit ni Cyd kay Thalia. Ang pilit na pagpapacute ni Kerr kay Fiona. Ang walang sawang pang aasar ni Ashanty kay Xavier at ang tahimik na pagbabasa nina Rain at Thunder. Habang kami ni Shan ay masaya lamang sila pinanonood, ng mga sandaling iyon.

Hindi alintana ang mga mangyayari sa linggong iyon, dahil yon na pala ang araw na huli namin makakasama si Shan...Si Shan na kinuha ni Jessie Clifford, hindi ko alam kung may sa pusa ba ang lahi nila at may sumusulpot na huling angkan ng mga Clifford. At isa sa naiisip ko ay ang gamitin ako laban kay Shan at sa iba pa, at sa nakikita ko hindi uuwi ang mga ito kung alam nilang ligtas ang lahat.

Tama si Ash...

Something is fishy...

At yon mismo ang aalamin namin nanalo kami noon sa labanan, sa pagitan ng Voughn at Clifford kakayanin muli namin ang gawin ito, kahit na ang kapalit nito ay ang buhay ng isa nanaman saaming lahat.

Hindi biro pagsama-samahin ang lakas ng Princeses, Princes, si Shan at ako...isama mo pa sina Terrence, Troy, Tristan at Tracey.

Dito sa lugar na ito nagsimula ang lahat at sisiguraduhin ko na dito din matatapos ang lahat ng ito para sa ikakatahimik ng lahat.

Hindi man kami magkatuluyan ni Shan at least sila manlang.

"Gising ka na pala..." Nilingon ko ang nagsalita si Shan.

Muli ako tumingin sa dagat bago nagwika na kinabigla nito. "I was just wondering... The day na binaril mo ako, hindi 'yon dahil sa utos ng kumuha sainyo o ni Coldie tama?" Kitang kita ang gulat sa mga mata ni Shan. "Ngayon napagtagni-tagni ko na ang lahat. Binaril mo ako para makuha ang tiwala ng kalaban hindi para patayin ako dahil ikaw sa lahat ng Princes ang pinakamahusay sa pag gamit ng baril lalo pa at kanan ang gamit mo ng araw na yon. At alam mo kung saan papatamain 'yon kaya naman... imbis na sa puso kaliwang dibdib ko ang pinutirya mo."

Hindi sya umimik kaya naman nagpatuloy ako.

"Ginawa mo 'yon hindi para mailigtas si Coldie kundi para makuha ang tiwala ng kalaban dahil nang araw na 'yon nalaman mo na isang Clifford ang kalaban at hindi ito basta basta." Ngumisi ako. "Dahil ang kalaban natin ay walang iba kundi ang padre de pamilya ng Clifford na si Steven Clifford na syang nag papatakbo ng isang Yakuza Clan sa Japan."

"Stacey..."

"You were there noong comma ako Shan at ang sabi mo sakin nun sa pagbabalik mo ay hahanapin mo ako. Pero hindi 'yon ang pumukaw ng atensyon ko kundi ang ibinulong mo saakin ng mga oras na 'yon. 'Once bumalik kami lahat ng miyembro ng grupo ko at grupo mo ay iisa-isahin nila.' Hindi ko sineryoso 'yon sa totoo lang, naging malinaw lang saakin lahat ng bigla ay nawala ka na parang bula ang bawat miyembro ng Princes...liban kay Xavier."

"Stacey..."

"I cannot believe you Shan!!" Mariing sigaw ko dahilan para magpasukan ang Princesses. "Nasa panganib na ang buhay ng bawat isa saatin ay nagawa mo pa rin maglihim??!!! Kailan mo ba pagkakatiwaan ang kakayahan namin?? Dahil ba babae kami??!" Umiling ito!!! "Then ano??!! Tell us! Nang sa ganoon maintindihan namin ang desisyon nyong sarilihin ang lahat ng iyan!!! PUTANGINA SHAAAN MORRISSEY!!"

Nakaawat saakin ngayon ang halos kalahati ng Princesses.

"Hindi ako tanga Shan!!" Dinuro ko siya. "Hindi ako tanga para hindi ko mapag-tagni tagni ang mga nangyari three years ago!! May karapatan malaman ang lahat ng nandito ngayon??!! Hindi mo----- Naputol ang ano mang sasabihin ko ng magsalita ito.

"Majority ng Princes ay mas gugustuhin mawala ang buhay nila kaysa kayo ang mapahamak. Mas gugustuhin namin mamatay kaysa masaktan kayo habang buhay. Mas pipiliin namin ibuwis ang kaligayahan namin kasama kayo kaysa ang masaktan kayo."

"Hawak niyo ba ang buhay??! Bakit kailangan nyo kami pangunahan!"

Napaupo ako sa kama at sandaling tumalikod sakanila kailangan ko pakalmahin ang aking sarili kung hindi ay pare-pareho kami mapepeste!

"Ash, call everyone...lipunin nyo ni Xavier ang lahat ng Myembro ng Princesses,  Princes,  Yafia,  Agents at Mafia and Gangsters na hawak namin ni Shan. Dalhin mo ang lahat dito including Terrence, Troy,  Tracey and Tristan sa lalong madaling panahon." Tinignan ko sina Alyanna at Athena."Alyanna,  Athena look for all the Cliffords na natitira sa buong mundo.!" I look at Fiona and Megan. "You will train everyone na tutungtong sa bahay na ito for one whole month." Then i look at Thalia and Rain. "Prepare lahat ng gagamitin natin na weapons sa araw ng pag sugod sa kuta ng kalaban..."

I look at Shan,  panahon na para manahimik ang lahat. Panahon na para matapos ang gulo na ito. At panahon na para makamit namin ang katahimikan na gustong gusto namin, ang matiwasay na buhay na wala sa nakalipas na ilang taon. Dahil ito na ang huling araw na daraan kami sa dahas....dahil...

"Its's time for my revenge for my Dad and twin brother, Steven and Samantha Clifford..."

----------------

Thalia POV

Hindi maganda 'yan ang una ko nakikita kay Stacey ngayon. Isa-isa naglabasan ang lahat bago pa man ako lumabas ay nilingon ko si Rain na hinihintay ako.

Tinignan ko si Shan. "Where is Cyd??!" Sigaw ko dahilan para lingunin ako nito. "I said where the hell he is!!?"

"You can fool everyone Shan, but not me among all of us. I've always knew na hindi ang pamilya o mga bata ang dahilan bakit nyo ginawa 'yon years ago. But then I stayed out of it. You know why?" Ngumisi ako. "Dahil pinagkatiwalaan ko kayo, pinagkatiwalaan ko na kakayanin nyo 'yon for the first time. But then you prove me that i am wrong...totally wrong."

Lalabas na sana ako ng magsalita ito, dahilan upang lingunin ko siya.

"Batanggas port may isang  hideout doon ang Dark Gangsters, naroon din si Thunder at matutulungan nila kayo sa mga weapons na kailangan natin."

Mabilis namin tingungo ang sinasabi ni Shan kung nasaan naron ang mga ito. Kataka-takang mas nauna namin sila nahanap kaysa kay Ashanty, marahil ay inuna nitong hanapin si Xavier.

Napako ang tingin ko sa nagiisang lalaki na pumukaw ng atensyon ko sa buong buhay ko...si Cyd.

Sabay kami naglakad ni Rain habang nakatayo sa gitna ng Princes si Cyd at pilit na itinutulak ng mga ito patungo saakin.

Una ko nilapitan si Thunder. "Leave with Rain be back in one hour, get everything we need."

Sunod ko nilingon ang mga Princes na nakatingin na ngayon saamin. "Wait for Xavier and Ash to be here. Dadalhin nila kayo sa hideout."

Nilingon ng mga mata ko si Cyd, naiilang man ay agad itong ngumiti saakin. Tila hindi maipaliwanag ang nararamdaman nito ng makita niya ako sakanyang harapan. Isang pangungulilang ngiti ang muli ay ginawad niya saakin.

Agad ko hinaplos ang mga sugat na alam kong gawa ng kalaban dahil hindi naman tanga ang mga Princes upang magpatentero sa kutsilyo ng sila sila lamang.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang pakalamahin ang aking sarili. Hindj ako maaaring magpadalusdalos lalo pa ngayon mabigat kalaban ang isang Steven Clifford. Ang pag ganti ay aking ipauubaya nalang sa nagiisang Reyna si Stacey.

Iminulat ko ang aking mga mata at tinitigan ng mabuti ang mga mata ni Cyd.

"Alam na namin ang lahat...Cyd Presscott."

--------------
#L

"Princesses' Revenge" (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon