Cyrus' POV
House, 4:00 pm
UY! Long time no... Ano ba yung tamang term? Tch. Bahala na kayo. Oo nga pala. May na- kwento si Jared sakin. GUSTO DAW AKONG MA- MEET NG FRIEND NIYANG BABAE?! Bakit naman kaya? Naku! Mukhang chini- chismis yata ako ng mokong na yun ah?!
Oo nga pala. One week na lang, pasukan na ulit. Ang bilis ng panahon. Makikita ko pa kaya si... Ohwell, I don't know kung anong pangalan niya. At ano kayang course niya?
Wala akong magawa dito sa bahay. Magka- kalkal lang ako ng mga gamit na hindi na ginagamit. Eh kase naman, parang junk shop na sa dumi tong kwarto ko. Kaya tuloy si Jared, pinaglo- loko ako. At sabi pa nya, "Eh bat naman kasi di ka kumuha ng katulong? Tignan mo nga yung kwarto mo, malinis pa yung banyo ko eh." Oh? Hindi ba loko-loko? Minsan nga tinatanong ko yung sarili ko kung kaibigan ko ba talaga siya. -___-
*blagabag* -Pagpasensyahan nyo na po yung sound-effects. Local lang eh. ^_^v
Aray! Aray! Grabe naman. May kung anong kapangyarihan yata si Jared at nahulugan ako ng mga libro dito. Nabukulan ang Lolo nyo.
Mga lumang libro na din naman to. Yung iba, kasama sa mga pinadala nina Mommy. Tungkol sa mga Greek Mythology, Encyclopedia, Dictionaries, Almanac at mga kung ano ano. Ewan ko minsan kung ano-ano yung pumapasok sa utak nina Daddy at pinapadalhan ako ng ganito. Habang kinakalikot ko pa yung iba dito, may nakita akong pamilyar na libro. Hindi naman siya totally na libro talaga. Hindi ko nga alam kung libro ba to oh notebook o scrap book eh. Kaninong gamit naman kaya to?
Tapos, bigla ko nalang naalala na nakuha ko nga pala to dun sa Memorial Circle. Book of Love nga daw eh. Ang landi. De, joke lang. ^_^v Kanino nga kaya to? Ang tagal nang na sakin nito pero kahit kailan di ko pa binuksan. At ngayon nga, bubuksan ko na. Baka may malaman pa ko dito.
The Signs...
1st Sign: If it will rain when I see someone and he will do something memorable.
2nd Sign: If I'm going to see him again in the school where I'm going to transfer.
3rd Sign: If he will give me my favorite flower on my birthday.
Anong klaseng libro naman to? May pa- The Signs pa siyang nalalaman. Tinignan ko yung first page kung may pangalan niya...
Wendy Fuentes <3
Wendy Fuentes? Sino kaya to? Ano sa tingin nyo? Hahanapin ko pa ba? Mukhang malabo namang makita ko to eh nag- transfer na nga daw eh. Saan naman kaya? Eh bakit ang curious ko naman yata? Anong meron sa kanya bakit biglang- bigla gusto ko siyang makita? Natupad na kaya yung mga signs niya? Sino naman kaya naka- tupad? HAY! Bat ang dami ko bang tanong? Sana mahanap ko na lang siya. Oh kaya naman, sana mahanap niya ko. Hahaha. :D De, sana mahanap namin ang isa't-isa. Destiny's will. At para mabalik ko tong libro nya.
-------------------------------------------------------------------------------
Pasensya na po at ang kunat ng update na to. Huwag po kayong mag- alala dahil malapit na pong dumating yung chapter na mage- explode lahat ng nasa utak ko. Echoss! :) ComVo po kayo. :) Salamat. ♥
BINABASA MO ANG
If Forever Did Exist [Kathniel]
Fiksi Penggemar"If Forever Did Exist" is a story about finding true love, trust and happy ever after. Will Cyrus and Wendy's love for each other last, 'til the end? Find out how will they fight for it even destiny is their opponent. NOTE: This is only a FAN FICTIO...