If This Isn't Love - 3

5.5K 97 13
                                    

Natuwa naman ako senyo guys! :-) Thank you talaga!

Eto na Chapter 3. Dedicated sa'yo! As you requested. :-) Usap usap na lang din ulit sa twitter. Hehe. Mwa! :*

----------------

The big day of Francis Cervantes.

My biggest crush! Wala ako nahanap na magandang gift eh. Kaya yung scrapbook na lang na ginawa ko ang ibibigay ko. Nilagay ko yun sa isang paper bag. Sana naman ma-gets na niya yun - na gusto ko siya matagal na.

Dumating ako sa bahay nila na naka-formal dress, simple lang ang make-up at ang ayos ng buhok. Ayoko masyadong magpaganda, mamangha pa sila. Dejoke. Hehe.

Hinatid ako ni Mommy at ng bestfriend ko. Sa may garden nila ang venue, hindi lang yun basta garden. Ang laki laki kaya! Nakapasok ako kaagad kahit walang invitation kasi kilala na ko ng guard nila.

And grabe lang ang ganda. Ang daming tao puro mayayaman, malamang Ella.

OP naman ako. Kaines. -____-

"Oh may naligaw ata." Sabi nung isang girl sa likod ko. Pagtingin ko yung Queen Bee pala sa school namin na si Celine Ortega with her friends.

At dinedma ko lang siya. Masisira pa ganda ko sa kanya eh. Di ko na lang sila pinansin at lumayo na ko. Nakatayo lang ako dito sa isang sulok nang biglang magsalita yung isang matandang lalaki sa stage.

"Let me introduce to you my one and only son, the man of the night, Francis!" Dad niya pala hehe.

And OMG for the nth time. Ang gwapo niya nang lumabas siya at umakyat sa stage!!!

Inabutan siya ng Dad niya ng wine glass with wine, of course. At ayun na, it means party has just started. Ilalagay ko na sana yung gift ko sa isang mahabang table na puno na ng mga REGALO. Nahiya naman daw ako sa dala ko, ang lalaki nung kanila tapos yung akin de paper bag lang.

Ibibigay ko pa ba to? Wag na lang kaya. Haay nako. Wag na lang next time na lang.

"Excuse me. Are a you a friend of Francis?" tanong ng isang matandang lalaki. Parang isa dun sa mga taong business na nakita namin sa mall. Napansin niya sigurong LONER ako. -_-

"Y-ye..." Bago pa man ako matapos sa sagot ko may sumingit na sa usapan.

"No Tito. She's just someone I know from Eva University." Sabi ni Francis. Na siya namang ikinalungkot ko. So hindi pa pala kami friends. Assuming lang ako.

"Oh I see. Enjoy the night young lady." sabi nung lalaki at umalis na.

"Feeler." Sabi ni Francis sakin.

"Ewan ko sa'yo." Sagot ko naman.

"Ba't ka nandito?"

"Kasi birthday mo?"

"Ininvite ba kita?"

"Sabi ni Sheena..." Sabi ko nang mahina.

"Si Sheena ba may birthday?"

"Kainis! Edi uuwi na!" Hilig talaga netong mang-inis! Napataas ng konti ang boses ko buti nalang malakas yung music kaya hindi nakakahiya.

Tumalikod na ko sa kanya at maglalakad na sana palayo nang bigla niya akong pinigilan at hinawakan sa braso at pinaharap sa kanya.

"Wait." sabi niya.

If This Isn't LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon