If This Isn't Love - 42

3.4K 62 40
                                    

Yung iba sinagot na ko sa group. Kaya yung mga hindi pa naka-join, tatanungin ko kayo. Hahaha. Bakit kay Ella lang kayo naaawa? hindi kayo naaawa kay Francis? Di niyo siya love noh! Huhu. Tampo na siya. K.

Anw, eto papangitan ng comment. Hahahaha. Dejoke lang. Ang may magandang comment sa kanya dedicated ang next chapter. And swear, pangit ang next chapter kasi... Hahaha. Oh nako papangitan nyo na mga comments nyo nyan. Tsk. Pektusan kayo ni Pia eh! Close kaya kami. K. Daldal ko talaga. Shimay.

Eto na nga update.

--------------------------------------

ELLA'S POV

Nakalabas na ng ospital si Francis at hindi padin nagbabago ang pagiging cold niya sakin.

Pupuntahan ko siya sa bahay nila ngayon dahil umabsent siya at hindi man lang niya nagawang magtext o tumawag. Eh ang yaman yaman naman nun sa load. Kabanas.

Pagkarating ko sa kanila, pinagbuksan naman ako kagad ni Sheena ng gate.

"Sheena, si Francis?"

"Ah Mam Ella kanina pa nga po nagkukulong sa kwarto gusto daw niya mapag-isa."

"Ha? Bakit daw?"

"Hindi po namin alam. Nagaalala na nga po kami nila Tatay kasi po nakarinig po kami kanina ng mga nababasag galing sa taas."

Nataranta naman ako paakyat sa kwarto niya. Pinihit ko ang door knob pero naka-lock.

"Asan ang spare keys?"

Nagmadali naman si Sheena halungkatin sa bulsa niya yung susi at inabot sakin.

"Sinubukan na po namin kanina kaso binagsakan niya po kami ng pinto."

Nnag mabuksan ko na, "Sige na ako na bahala dito."

"Sige po Mam Ella."

Pagkapasok ko. Nagulat naman ako sa nakita ko. May mga basag siyang gamit, magulo ang kama niya. Parang dinaanan ng bagyo ang kwarto niya.

At nakita ko siyang nakaupo sa sahig malapit sa bintana ng kwarto niya. Tulala at,

"Oh my gosh Francis! Napano yang kamay mo!"

Nakita kong nagdudugo ang kamay niya. Dali dali kong kinuha ang first aid kit niya sa cr. Nilapitan ko siya para gamutin ang sugat niya. Kinuha ko ang kamay niya pero mabilis niya itong binawi sa pagkakahawak ko.

"Francis.."

"Umalis ka na." malamig niyang sabi

"Ayoko gagamutin pa natin yang sugat mo oh."

"Para ano pa? Umalis ka na."

"Francis.."

Nagulat ako nang sigawan niya ako, "Umalis ka na!"

Biglang nagsituluan ang mga luha ko. "Pero.."

"Umalis ka na sabi eh! Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na U-MA-LIS KA NA!"

"Baby.."

Tumayo siya at hinila ako palabas ng kwarto niya.

"Umalis ka na!"

At binagsakan niya ako ng pinto.

Hinaplos ko ang pintuan ng kwarto niya, "Baby.. Ano bang nangyayari sayo?" hindi ko na talaga mapigilan ang pag-iyak ko.

If This Isn't LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon