If This Isn't Love - 21

4.7K 85 34
                                    

Mahaba ata 'to? Haha. Ewan. Nasa gilid nga pala si Paul Dizon at Carl Lopez. Sino nga palang bagay na gumanap na Jean bilang partner ni Carl? Comment niyo guys! As Celine kase may napili na ako.

Anw, Comment and Vote pag nagustuhan tong chapter na 'to! Comment para mas maganda hihi. para malaman ko insights niyo bout this. Thank you! :*

--------------

ELLA'S POV

Matapos namin hakutin mga pasalubong niya samin. Grabe. Ang dami. Nagpatulong na nga kami kay Kuya Meng dalhin mga to eh. Marami pa sa bahay nila para kay Vic at Carl naman yon.

Ayy meron nga din pala para kay Mommy. Syempre nagpapalakas to sa nanay ko eh.

"Tita eto syempre para sa'yo."

"Salamat iho! Nako. Nakakahiya naman."

"Mommy kunwari ka pa eh." Pang-aasar ko.

"Wag ka nga."

"Uy Francis pano mo nalaman favorite kong amoy sa pabango?" tanong ni Pia na inaamoy amoy pa yung pabango na para sa kanya.

"Kay Vic." Tas ngumiti naman tong si crush ng nakaka-asar.

"Ah k."

Natawa na lang kami sa sagot ni Pia.

"Asan nga pala ang magaling mong nanay?" tanong ni Mommy kay Pia

"Eh nagluluto pa po tita."

"Bruhang yan kaya ako nagpasama sa kanya para bumili ng dress bandang huli siya lang may nabili."

Nagtawanan pa kaming apat sa sala nang biglang may pumasok sa pinto. Wow lang. Kailangan habang masaya kami tsaka magiging awkward?

"Tita. Ella. Andi... Oh may bisita pala hehe."

"Uy Paul. Gutom ka na ba? Teka maghahain lang ako nang makakain na tayo." Sabi naman ni Mommy sabay tayo na.

Francis gave me a confused look.

Umuwi na si Pia dahil hinahanap na siya ni Tita. So nag-dinner kami na parang ewan lang. Halos hirap nga ko lumunok eh.

"Ella oh." sabi ni Francis na inaabot yung beef steak.

"No, mas gusto to ni Ella." sabi naman ni Paul na inaabot yung Sinigang.

"Mas masarap to." Francis

"Mas gusto niya yung maasim na sabaw."

"Sawa na siya dyan."

"Sabi niya kaninang umaga gusto niya ng Sinigang."

"Hin.."

"Ano baaa! Magtigil nga kayong dalawa!" uminom na lang ako ng tubig. Nakaka-stress sila swear.

At nagsamaan na lang sila ng tingin the whole time.

"Ahem. Ayy andito po ako oh. Ako nanay niya." Haay nako Mommy. Hayy nako. Wag na dumagdag. Please.

FRANCIS' POV

Ang sama lang ng gising ko. Araw araw na ang sama ng umaga ko. Hindi ko lang kase maalis sa isip ko na andun yung Paul na yon sa bahay nila Ella. Magkasama sila araw araw sa iisang bahay!!! Bwiset na singet yan!

If This Isn't LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon