If This Isn't Love - 27

4K 60 15
                                    

Sorry sa matagal na update guys. Busy lang po kasi. Huhu. K. Eto na sana kiligin kayo kahit papano. Lols. K. Haha.

Sorry ngayon lang na-post. Bukod sa mabagal akong mag-type. Nanuod pa ko ng tv. Hahaha! Sorry na. Eto nga eh oh.

Hello kay simple_Allysa! :) Dedicated sayo! Hehe. Oo ikaw nga yung nag-tweet sakin! Thank you sa support! :*

------------------

ELLA'S POV

Malamig ang simoy ng hangin

Kay saya ng bawat damdamin

Ang tibok ng puso sa dibdib

Para bang hulog na ng langit

Bakit ganyan kanta ko? Eh kase malapit na Pasko!!! Omg. Gifts! Birthday na ni Jesus! Yayyy!

Pababa na ko ng hagdan ngayon. Kusot kusot pa ng mata nang makaamoy ako ng mabango.

Hmm...

"Tuyo and sinangag for my beautiful apo!" boses babae na pamilyar. So, pang tuyo at sinangag lang ang beauty ko? -.- Pero teka parang boses ni...

"LOLA!!" sigaw ko pagkadating ko sa dining room.

Lahat sila nakaupo na. Si Lolo, Mama at Paul. Si Lola kasi yung naghahain ng kakainin namin.

"Tuyo! Amoy pa lang ulam na!" tuwang tuwa kong sabi pagkaupo.

"Ay good morning naman sayo ah. Ganda ng gising mo eh." sarcastic na sabi ng nanay ko. Ba't ba ang sweet ni mommy? Sweet sya ng lagay na yan ah!

"Good morning Mommy! Good morning Lolo! Good morning Lola!" isa isa ko silang kiniss sa cheeks. "Good morning Paul!" pero syempre di ko siya kiniss sa cheeks noh! Nag-smile na lang ako sa kanya at umupo na ulit.

"Good morning!" nakangiting bati din naman sakin ni Paul. He's cute kaya nga madami din nagkakagusto sa kanya eh. Remember sabi ko dati na madami din naghahabol dyan sa probinsya namin. Kahit nga sa Olympus eh.

"Oh bakit si Paul walang kiss?" tanong ni Lolo. Anubayan. o_O

"Lo naman eh. Kaen na nga lang tayo!"

"Hmmm! Namiss ko to. Nay, madami ba kayong salang danggit tsaka pusit?" tanong ni Mommy.

"Oo naman! Special yon eh!"

"Yes!" tuwang tuwang sabi ni Mommy. Para talaga siyang bata.

"La, kamusta naman po sila Mommy dun?" tanong ni Paul. Since, magkakaibigan na kami ng Cebu barkada ko mula pa pagkabata eh naging close na din namin mga pamilya ng isa't isa.

"Maayos naman sila dun iho. Mayaman padin kayo. Gwapo pa din tatay mo." sagot ni Lola.

Nagtawanan na lang kami.

"Ay Ella apo gusto ko nga pala makainuman.. este makilala yung boyfriend mo." sabi ni Lolo

"Boyfriend?!" sabay na tanong ni Mommy at Lola na napalakas ang boses. Si Paul naman nakangiti lang na tila alam niya kung ano ibig sabihin ni Lolo

"Ma! La! Hinaan niyo boses niyo. Baka magising mga kapitbahay natin. Madaling araw pa lang." malumanay kong sabi. 5am pa lang kasi. Maaga kami nagising ni Paul kasi pareho kaming may 7:30 class.

"Eh bakit nga ba kase kayo sumisigaw? Diba sabi mo Mina.. may boyfriend na tong babaeng to?" sabi ni Lolo habang tinuturo turo pa ko gamit ang pointing finger niya. At kailangan sa mukha ko talaga siya tumuro eh noh?

If This Isn't LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon