If This Isn't Love - 18

4.3K 57 8
                                    

FRANCIS' POV

Weeks passed at nasanay na din akong sa skype na lang kami nagco-communicate ni Ella. Minsan nga twice a week lang eh. Pero okay na din yun para naman mamiss niya ako. Gabi samin, umaga sa kanila.

"Good E.. I mean, Good Mor... Ah ewan. Hello na nga lang!" sabi niya. Ang cute niya talaga. May naisip tuloy akong kanta.

"You say good morning when its midnight. Going out of my head alone in this bed. And I wake up to your sunset. Its driving me mad I miss you so bad..." I sang. Hahaha! Sa harap niya lang ako napapakanta ng ganto. Mas gusto ko pa sumayaw eh. Pero alam mo yung feeling na minsan mapapakanta ka na lang ng wala sa oras?

"I miss you so bad.. too.." she said. Napansin ko namang nalungkot siya.

"Uyy to naman oh. Di na nga ko kakanta. Nalulungkot ka lang eh."

"No! Namiss ko lang precious mong boses. Hahaha!"

"Ah ganon tinatawanan mo boses ko? Ganda ng boses mo eh." Pikon ako. Haha!

"Hmm, parang ganun na nga!" ba loko to ah!

"Tss. Bala ka nga dyan. Maghahanap na lang ako dito ng tisay na maaappreciate boses ko."

"Ah so gusto mo ng kape't gatas." wait.. ano daw? I don't... Ooooh I think I knew it already when she flashed that naughty smile.

"Moreno kase ako, gwapo naman." Nakakainis naman. Namimiss ko na talaga siya. Lapit na mag-June. Magpapasukan na. Eh yung hindi pa ko nagtatake ng entrance exam. Babangasan na nga ko ng ate ko eh.

The next day. We went to New york Times. Gala gala. At kung san san pa. We just had a walk with ice cream on hand. Sino kasama ko? Edi si Cha - Ang dakilang kapatid.

"What are you planning for college! Malapit na pasukan! O baka naman wala kang balak mag-aaral? Kukutusan na kita eh!"

"Eh si dad na bahala dun."

"Ikaw puro ka asa kay Dad eh. FYI college ka na. Stand up and be a man." That made me startled.

Be a man.

Be a man.

Be a man.

Kung san san pa kami nagpunta ni ate. Alam niyo yung mga ganitong moments nakaka-relax. Ka-kwentuhan mo lang kapatid mo. Mamimiss ko to pagbalik namin ng Pinas.

PIA'S POV

Hi everyone! Pia here! Bestfriend ang role ko dito. At may POV ako. Oha! Hahaha. :) K. Eto na nga.

Ako na ang babaeng laging online. Pansin ko lang lagi na lang akong online sa storya na to. Osha. Osha.

Ha? Ano? Si Vic? Ewan ko dun. Dejoke! Haha! Eto ka-chat ko.

Vic: I miss you!

Pia: I don't!

Vic: Sweet!

Pia: I know!

Vic: Magtatanong ako ah. Umayos ka.

Pia: K. Ano yon?

Vic: May pag-asa ba ko?

Teka nga. Ano bang trip netong mokong na to?

Pia: Basta! Maghihintay ka o hinde?!

If This Isn't LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon