Xyla's POV
"Kuya, san ba tayo pupunta?" pagtatanong ko kase naman e. Kanina pa kami pa ikot ikot dito.
"Walang tayo." ani niya. Wahhhh! Ang harsh naman non, awts.
"Kanina pa tayo paikot ikot dito. San mo ba talaga plano pumunta? I mean hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sabay smile sa kanya pero dakilang snobber talaga kuya ko kaya hindi ako pinansin. Bwesit lang!
"Hoy babae!" biglang sigaw ni Kuya kaya nagulat ako don.
"Bat kaba nanggugulat kuya ha? Magkakaroon ata ako ng sakit sa puso." sabi ko.
"Makakauwi na sana ako ngayon kung hindi ka sunod ng sunod. Pakiusap lang please. Umuwi ka na." pagpapakiusap ni Kuya sa akin. Tatanggi na sana ako ng makita ko si Tepes sa may sanga ng puno. Nanlaki ang mata ko. Pupuntahan ko na sana si Tepes ng maalala ko si Kuya.
"Kuya. Hate mo na ba talaga ako?" seryosong tanong ko. Napaiwas naman ito ng tingin.
"Hindi naman sa ganon but I don't know you. Biglaan ka na lang sumulpot at lagi mong sinasabi na Kuya mo ako na hindi naman totoo dahil wala akong sister na katulad mo. Siguro kamukha ko yung kuya mo kaya akala mo siguro na ako yun pero sad to say na hindi ako yun kaya please lang....lubayan mo na ako." mahabang sabi niya na nagpatulo ng luha ko siguro nga hindi siya yung kuya ko. Siguro nga nagkamali lang ako pero ang sakit e. Bakit masakit?
"I don't need to comfort you and sana mahanap mo na yung kuya mo." dagdag niya pa sabay alis. Totoo namang di niya kailangang e comfort ako hindi ko naman siya kaano-ano.
Naglakad na ako palapit kay Tepes. Grabe yung luha ko ayaw tumigil sa kakatulo. Habang naglalakad ako nakatitig ako kay Tepes. Sadista ata tong bestfriend ko. Hindi man lang ako dinamayan sa pag-iyak.
"Huwag ka ng umiyak diyan Xyla. Nagiging pangit ka e." pagkarating ko yun agad ang sinabi niya sa akin. Wow, grabe sinabihan pa akong pangit. Nag expect pa naman ako na ecocomfort niya ako. Hays.
"Grabe ka naman Tepes. Maganda pa rin naman ako diba?" nakangusong sabi ko ngunit ang pusang galang iyon tinawanan lang ako.
"Mas lalo kang pumapangit." natatawang komento niya. Wee? Di nga? Ang cute ko kaya.
"Hindi ka cute Xyla." ani niya. I don't believe you. Sinungaling ka. Cute ako! Cute na cute na cute ako. Napakacute ko.
"Ingay mo! Sige na cute ka na." naiinis na wika ni Tepes. Diba? Inamin din. Hindi niya ma carry yung cuteness ko. Like oh my god! " Teka! may susunod pa. Ito naman excited masyado." dagdag niya pa.
"Nako! Hindi na kailangan Tepes." sabi ko sabay flip ng beautiful hair ko. Wag ka nagsun silk kaya ako. Have a great hair day!
"Certified ugly totally ew." pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumawa siya ng tumawa ng tumawa hanggang sa makautot siya. Haha, joke lang.
"Wala akong narinig Tepes. San ba tayo titira ngayon Tepes?" Napachange topic na lang tuloy ako bigla.
"Sa abandonadong classroom na lang tayo pansamantalang tumira." Sagot ni Tepes. Hala! Sa abandonadong classroom?! Luhh ayoko don. May momo dun.
"No way! Ever!" Agad kong pagtatanggi.
"Wala na tayong ibang pupuntahan! Ang tanging choice na lang natin ay tumira muna doon at ano ba Xyla! Laking laki muna takot ka la rin sa multo. Fyi, immortal ka. Blood sucker ka! Bampira ka!" Pagsasabi ni Tepes sa akin. Galit lang ang peg? Galit na galit? Badmood?
BINABASA MO ANG
I Love you Kuya
Fantasy#501 in Vampire out of 5.78k stories Si Jake Mark ay isang ordinaryong mag-aaral sa Gabriel Jurado Foundation School, Inc. Matalino, Mabait at Gwapo. Simple lang ang buhay niya hanggang dumating ang isang babae worst sinasabing Kuya daw siya nito. ...