Track # 13

33.2K 2.1K 857
                                    

Second Truth

Aeneas'

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong pinanood iyong video ni Callista habang nagwawala siya roon sa pa-press con ng kompanya ng Uncle niya. Inaamin kong nakakaramdam ako ng kasiyahan kasi alam kong ipinaglalaban niya ang dapat ay para sa kanya, kaya lang hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil habang tumatagal, nawawalan ako ng pagkakataon na makasama si Callista. Inaamin ko naman, na may mali ako, ang dali kong naniwala. Hindi rin naman ako masisisi ng kahit na sino. Calli burned my house, sinong matinong tao ang gagawa niyon? Kaya noong narinig kong pinag-uusapan ni Circe at ni Biboy nab aka nga raw naging obsession ang pagmamahal sa akin ni Calli ay hindi na ako kumibo. Hinayaan ko siya.

I didn't file charges. Bago siya lumabas sa kulungan noon ay nakausap ko si Mr. Yllak Consunji. Galit siya sa akin dahil sa nangyari kay Callista. I asked for forgiveness, ang sabi niya sa akin ay mapapatawad niya lang ako kung pababayaan ko si Callista na magsimula muli at bumalik sa buhay na nararapat sa kanya.


"Calli is young, Mr. Altarde. She has her own life in front of her. Nasasayang ang buhay niya sa kakasama sa'yo. I get that she's trying to prove me wrong. Sinabi niya iyon noon bago siya umalis ng bahay ko, at siguro nga, mahal ka niya at mahal mo siya, but this is getting way out of hand. Toxic na kayo sa isa't isa. Hindi na maganda ito para kay Calli at para sa'yo. Sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginagawa..."

Nakatayo kami ni Mr. Yllak Consunji sa labas ng presinto. Nalaman ko kasing nahuli pala ng pulis si Calli dahil may nakakita sa kanya na nagsunog ng bahay ko. Ang plano ko ay ilabas siya at iuwi sa pansamantalang tinutuluyan ko para makapag-usap kami. Mahal ko si Calli kahit parang nawawala na siya sa kanyang sarili.

"Sir, mahal ko naman talaga ang anak ninyo. No amount of money can ever top that."

Mr. Consunji sighed. "You're still good for nothing. Gusto kong may mapatunayan ka sa buhay. Gago ako, Aeneas, gusto kitang alukin ng milyong piso para layuan ang anak ko. Pero hindi ko gagawin dahil alam kong sa huli, malalaman ito ni Calli at masasaktan siya. Palayain mom una ang bunso ko, kung sa susunod ay magkita kayo, hindi na ako makikialam. Maybe by then, she's old enough and I'm older too, and it would be a lot easier for me to accept her decision, but this time, let her be better."

"Tatay... may naghahanap po sa inyo. Friend mo daw."

Ngumiti ako kay Rhea. Pumasok siya sa office ko para lang sabihin iyon. Kanina pa siya naglalaro sa labas kasama iyong mga anak ng trabahador ko kaya't hinahayaan ko siya. Bakasyon kasi kaya palagi lang siya rito sa bahay. Kagabi nga ay kinakamusta siya ni Mommy, hinihiram niya, ang sabi ko ay ihahatid ko na lang si Rhea sa Sabado.

"Okay. Maligo ka na ha. Mamaya kakain na tayo ng lunch."

"Opo!" Sigaw niya sabay takbo palayo sa akin. Lumabas na rin ako ng opisina para magpunta sa bahay. Palagay ko kasi ay naroon ang bisita ko. Habang naglalakad ay napansin ko ang isang pamilyar na puting Benz. Nakaparada iyon sa gilid ng mga niyog.

Si Creon. Siya ang nandito. Agad kong naikuyom ang mga palad ko. Baka naman mamaya ay singilin niya pa ako sa pagpapaayos ng ngipin niya. Baka hindi ko na naman siya matantya, baka bigla ko siyang sapakin na naman.

Tama ang hinala ko. Nasa living area siya at kasalukuyang umiinom. Hindi siya mag-isa. Kasama niya si Jason at si Pascal.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang maabutan ko na sila. Tumayo si Jason para makipagkamay sa akin. Si Pascal ay tinanguan lang ako.


"Bago kayo mag-away, gusto ko lang sabihin na ako ang umayos ng bagong ngipin ni Creon. Libre iyan. Kung may kakilala ka, bukas ang clinic ko ng Monday to Saturday, 10 am to 4 pm. May clinic ako sa BGC at sa QC malapit sa Business area." Parang tangang wika ni Pascal sabay abot ng tarheta na may nakalagay na: Dr. Pascal Mendez. Dentist. Nakalagay pa ang phone number niya sa huli.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now