Nabigla
Aeneas'
"Bye po! Nice to meet you all!"
Nakatayo sa tabi ko si Rhea. Nakahawak siya sa kamay ko habang nagba-bye siya kina Creon, Jason at Pascal. Naiwan sa bahay si Diego at siyempre si Atlanta dahil sa kanya ibinilin si Calli. Ang pagkawala ni Calli ng malay ay nauwi na sa pagkakatulog. Mukha talagang pagod na pagod na siya.
"Okay ka lang, Pre?" Tanong ni Diego sa akin.
"Oo. Hindi ko nga lang alam kung paano ko sasabihin kay Rhea. Isa pa hindi pa rin kami nag-uusap ng kapatid ko. Kahit nandito na iyong katotohanan sa harapan ko, gusto ko namang malinawan kung paano napunta sa kanya si Rhea. Baby pa si Rhea nasa amin na siya."
Mildred came home one day, in their house, holding a baby. Natatandaan ko kung paanong umiyak si Mama sa phone, at pinapunta ako sa bahay nila sa Manila dahil nabuntis at nagkaanak na raw ang kapatid ko. Agad naman akong nagpunta. Rhea was about two months old then and she was the cutest baby I have ever seen. Nakabalot siya sa isang kulay dilaw na blanket, tulog na tulog...
That moment, when I looked at her, despite of the fact that my mother was crying hysterically, and my stepfather was mad as hell at Milli, nakatago ako ng katahimikan habang nakatingin sa kanya.
There and then, I knew that I am going to love her with all my heart.
Pansamantalang tumira si Milli sa akin sa farm. Napapansin ko na sa kanya noon na mas focused siya sa trabaho niya kaysa sa pag-aalaga sa anak niya. Ako na halos ang gumagawa ng lahat noon, nagpapakain, nagpapaligo, nagpapalit ng diaper – I don't really mind, everytime I see Rhea, my heart is peaceful, dahil rin kay Rhea, nakalimutan ko iyong nangyari sa aming malabo ni Callista.
Hindi ko alam na iyon na pala ang tinatawag nilang lukso ng dugo. Kaya pala ganoon ang pagmamahal ko kay Rhea, kaya pala hindi ko kayang iwanan siya, at kaya pala ganoon na lang ang kagustuhan kong makasama siya, sa akin pala siya nanggaling.
"Magluluto ako. Any request?" Tanong ni Atlanta. Nagulat akong nakatayo na pala siya sa may entrance ng kusina.
"Let Ate Roa take care of it." Wika ko.
"Hayaan mo na, Aeneas, training niya na rin iyan kas inga engage na siya." Ngiting – ngiti si Diego. Tumawa naman si Atlanta.
"You're sweet, Diego. May gusto ka no?"
"Oo. Ikaw.""What?" Napakunot ang noo ko.
"I mean, ikaw na lang ang bahalang mag-isip. Hindi naman ako choosy." Ngumisi na naman ang kaibigan ko. Napapailing na umalis ako sa living area. Wala na si Rhea, nagtatakbo na naman siya sa likod bahay dahil may mangilan – ngilan pang bata roon. Ako naman ay umakyat sa itaas para tingnan ang natutulog na si Callista. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya basta ang alam ko lang ay kailangan naming mag-usap.
I opened the door. Nasa kama ko siya at tulog na tulog. Hinahangin ang kumot niya dahil naiwan palang bukas ang bintana. Isinara ko iyon pagkatapos ay hininaan ang aircon dahil baka naman masyado na siyang lamigin. I sighed. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan lang ang kamay niya. Hindi ko alam kung ilang beses akong napabuntong – hininga dahil sa nararamdaman kong panghihinayang.
Alam ko kung gaano kasakit para kay Calli ang mawalan ng panahon at pagkakataong makasama si Rhea. Kailangan ko talagang makausap si Milli at linawin ang kwentong ito. Kailangan ko ring kausapin si Mommy at ang Stepdad ko.
Kung tutuusin, parang blessing in disguise na inampon ko legally si Rhea, akin naman pala talaga siya.
"Aeneas..." Malamyos na tinig ni Callista ang pumuno sa tainga ko. I looked at her. Tumayo ako para pindutin ang ilaw dahil hindi kami magkakitaan sa dilim ng silid ko. Nang magisnan ko siya ay namumugto pa rin ang mga mata niya.
YOU ARE READING
Love of my life
General FictionAeneas and Callista have the best love affair. From fling to forever - that was there goal but something happened that broke them apart and it resulted in Callista leaving the band and he country. Now, Aeneas and Callista faced each other again. Fe...