My Baby
Aeneas'
"Tay, patay na ba ang friends mo?"
Masakit ang ulo ko pero hindi ko mapigilang matawa sa komento ni Rhea habang pinagmamasdan sina Diego, Pascal, Jason at Creon na natutulog sa sahig ng sala at walang kamalay – malay sa mundo.
Kanina pa akong alas singko ng umaga gising. Nagligpit na ako at nakakahiya kay Manang Roan a nagkalat kami, isa pa ayokong makagisnan ni Rhea ang ganoong set up pagkagising niya. Nagluto na rin ako ng almusal para pagkagising ng mga ulol ay kakain na sila.
"Buhay pa naman sila. Sumama nga lang sa liwanag."
"Kailan sila babalik?" Inosenteng tanong ni Rhea. Her wide eyes were at me. I have always loved those eyes. Tuwing nakatingin kasi sa akin ay para bang dinadala ako sa isang ligtas na lugar. Ginulo ko ang buhok niyang magulo naman talaga. Nakasuot pa sa kanya ang ternong barbie pajama niya at yakap niya pa ang paborito niyang si Grizzly bear. Such sweet innocence. I will always protect that innocence. Nitong nakaraang mga araw, palagi kong sinasabi sa sarili ko na iyong mga bagay na hindi ko nagawa para sa anak namin ni Calli ay gagawin ko para kay Rhea.
"Ang dami mong tanong na naman. Mabuti pa, mag-tooth brush ka na, magpalit ka ng pambahay at bumaba ako ulit dito. Kakain na tayo."
"Tay, pwede akong kumain ng chicken nuggets ngayon? Egg lang ulam ko noong breaky kahapon." Tinitigan ko si Rhea nang mata sa mata. Paborito niya ang chicken nuggets – o kahit ano basta may manok, chicken hotdog, fried chicken, chicken tocino, anything that has the word chicken on it, she'll eat it. Siya rin ang dahilan kung bakit pinalago ko ang poultry ko.
"Okay. Pero hindi mo uubusin ang isang pack."
"Opo. Tooth brush lang ako Tay."
Patakbo siyang umakyat sa itaas. Binalingan ko naman ang mga kaibigan kong naghihilik pa hanggang ngayon. Pinagbabato ko siya ng kutsara. Si Pascal ay tinamaan sa noo, si Jason naman ay sa ilong. Hindi nagtagal ay gising na silang lahat. Si Diego ay pupunga – pungas, samantalang si Vito ay naghihikab pa.
"Nasaan ako?" Tanong ni Pascal.
"Nasa bahay ko. Mga putang inang ito. Magsitayo na kayo diyan. Mag-ayos kayo. Nakakahiya sa anak ko, akala niya patay na kayo." Tatawa – tawang wika ko. Napansin kong nakatitig sila sa akin.
"Pre, diba namatay iyong anak ninyo ni Calli. Lasing ka pa ba?" Mahinang tanong ni Diego sa akin.
"Hindi ako lasing. Oo. Namatay ang anak namin ni Calli but I have a nine-year-old daughter, si Rhea. She's adopted."
"Shhh!" Sabi ni Pascal. "H'wag kang maingay baka marinig ka niya! Dapat secret ito!"
"Gago, alam naman niya. Anak siya ng kapatid ko. Ibinigay sa akin noong nag-asawa ng kano. I adopted her legally after Tatay Uncle died. Anak ko na talaga si Rhea. Mamaya ipapakilala ko kayo pero ayusin ninyo muna ang sarili ninyo. Haharap kayo sa prinsesa ko mukha kayong mga dugyot."
Tumayo na ako para magpunta sa kusina. Sakto naman na kakapasok pa lang ni Ate Roa. Mukhang nagulat siya dahil matatapos na akong maghanda ng almusal.
"Naku, Aeneas, pasensya ka na at tinanghali ako. Napuyat kasi ako sa kanonood ng halik kagabi Pasensya na."
"Ayo slang, Ate Roa, ano, nagkabalikan na ba si Jade at Lino?" Biro ko sa kanya. Tumawa si Ate Roa.
"Hindi naku, jusko pero mukhang aakuin ni Lino ang anak ni Jade. Napakahigad ng babaeng iyon!"
Tinawanan ko na lang siya. Matapos ang kwentuhan naming dalawa ay siya na ang naghanda ng mga hindi pa naluluto. Pinanood ko lang naman siya. Nagkakape ako habang nakasandal sa may counter. Binuksan ko ang tv para manood ng morning news. Wala naman akong inaasahang kahit anong balita. Gusto ko lang na malibang. Hindi kasi aalis sa isipan ko si Callista.
YOU ARE READING
Love of my life
General FictionAeneas and Callista have the best love affair. From fling to forever - that was there goal but something happened that broke them apart and it resulted in Callista leaving the band and he country. Now, Aeneas and Callista faced each other again. Fe...