epistle - jungkook's house

553 24 6
                                    

lisa

"ma, aalis muna ako." paalam ko sakanya.

"san ka pupunta?" tanong niya.

"sa classmate lang ma. group project."

"sige, ingat ha." hinalikan ko sa pisngi si mama at umalis na ng bahay.

hay. bakit kasi, sa lahat ng bahay kay jungkook pa. i mean-

ang awkward kasi. aaminin ko, after a year of staying sa america - for good - iniisip ko parin siya. triny ko namang kalimutan siya pero kahit galit ako sakanya...

may part parin sakin, that cares for him.

ganon ko ba talaga siya kamahal?

hay, whatever. i'm sure may iba na yun. kahit wala akong naririnig na balita, sa school at sa friends namin, i'm ipinagpatuloy niya ang pagiging playboy niya.

dumating na ako sa apartment niya. mabilis lang since di naman masyado malayo galing saamin. ngayon ko lang na nalaman na lumipat na pala siya bahay.

kumatok ako sa pintuan niya. ilang minuto may bumukas.

"sino sila?-" nakita ko si jungkook bagong ligo which means topless siya at may towel na naka wrap sa baba.

halata naman na nagulat siya kaya sinirado niya ulit yung pinto. "a-ah, s-saglit lang h-ha?" rinig kong sabi niya sa kabila.

great, mas magiging awkward kami. oh shit.

after that incident, pinapasok niya na ako. salamat at may suot na siya.

"um, masyado ba akong maaga?" tanong ko sakanya. para di awkward.

napatingin siya sakin. "um, ah, m-medyo. umupo ka muna."

"ahh, di ko kasi alam na malapit lang pala samin dito." umupo muna ako sa sofa niya.

"ahh, ganon ba? sige kakain muna ako h-ha? bago pa kasi akong gising eh. may gusto ka bang kainin o inumin?" tanong niya. since when siya naging ganito?? di naman kasi siya ganito dati kung may bisita siya.

at di pa pala siya nagbabago, ala una na sa hapon tapos kakagising niya lang. tsk.

nilagay ko muna yung libro at laptop sa table. may table kasi siya sa harap ng sofa. tiningnan ko muna yung apartment niya.

medyo malaki at maganda. medyo madilim kasi puro color gray ang nandito pero ok naman kasi bukas yung bintana niya kaya nakakapasok ang sunlight. para siyang condo unit. napansin kong may mga drawing ng mga mukha ng parang babae pero di pa tapos. tatlo yon na naka frame. siguro drawing niya.

pero ang saakin lang, bakit parang familiar sakin yung mga babae.

bakit parang ako?

shh..wag kang mag assume lisa.

tiningnan ko naman yung nasa gilid ng sofa. may table na may nakapatong na lamp.

may nakita akong notebook don at picture frame.




na may litrato namin..






--
a/n: last chap na after nito then epilogue...nasulat ko na sana yung last chap kaso lang di na save kaya 3guard na 3guard ako ngayon so give me time muna...mag u-update ako if di na ako 3guard

for my love. ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon