Chapter 2 - Fame.

8 3 0
                                    

Fame

Magmula noong magtrending ang apat sa social media ay kaliwa't kanan na ang naging gigs nila. Walong buwan ang lumipas. Kilala na ang banda nila sa pangalang Lyrics Avenue. Kung saan-saan na sila nagperperform.

Palagi na silang abala. Mabuti na lang at graduate na sila. Walang pag-aaral na maapektuhan.

Lahat sila ay masaya sa ginagawa. Nag-eenjoy sila sa tuwing tutugtog sila. Gabi-gabi ang gigs nila sa iba't ibang lugar. Kahit saan sila mapadpad ay dinudumog sila ng mga taga-hanga.

Hindi pa man lubos ang kasikatan ay nakabuo na agad sila ng iba't ibang fans club. Lahat ng performance nila ay talagang inaabangan.

Hindi pa don nagtapos ang lahat. Isang malaking talent agency ang kumuha sa kanila na naging dahilan ng lalo nilang pag-sikat. Pati sa telebisyon ay nakikita na sila. Lalong nadagdagan ang mga nakakakilala sa kanila. Mapabata o matanda ay napapahanga nila. Sikat na talaga sila. Ang manager nila ay masaya para sa mga alaga.

Lalabas muna ako ng bahay
Magpapahangin lang
Maya maya pa't mababawasan
Ang tinik sa kalamnan
Dati-rati sa tuwing tayo'y may tampuhan
Lambingan ang sagot sa daan
Anong nangyari laging sinasabi
Pag-ibig na walang hanggan

Kasalukuyang guest sa isang morning show ang grupo nila. Katulad ng dati ay kita ang saya sa mga mata nila. Ang pagod at puyat ay hindi alintana. Tunay na masaya sila ginagawa.

Ganyan ba talaga sa una,
ibang kislap ng mga mata
Ngunit habang tumatagal ay
konting kibo't naiinis na
Pumapangit ang ating itchura
bumibilis sa pagtanda
Tuldok na insidente lalong gumagrabe,
tiwala ay naging bula
Dumidilim ang langit

Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon

Isulat na natin ang wakas
sa huling pahinang babasahin
Wala nang aatras, sabihin ang dapat aminin
Pasensya ka na di naibigay ang lahat sayo
Sabay huminga, sumisikip na ang mundo
Dumidilim ang langit

Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon
Huli na ang lahat sa atin
Palayo na ang tugon
Matayog na ang puno
Ngunit ugat nama'y nalason

Huli na ang lahat

Malaya ka na, malaya narin ako
Malaya ka na, malaya narin tayo

Natapos ang kanta at sinundan ng masigabong palakpakan mula sa mga nanonood. Kanya-kanyang cheer ang mga ito sa kanilang idolo.

"It's really a good day!" Sabi ng main host ng programa. "Tama ang sinasabi ng lahat. Nakakainlove kayong panoorin!" Napangiti ang magkakaibigan sa tinuran nito.

Panay ang kaway ni Rusty, ngiting-ngiti ang mukha. Si Chord at Keith ay pangiti-ngiti lang din sa mga fans. Si Gig ay panay ang pagpapacute.

"ANG GAGWAPO NIYOOOOO!!!" Hindi na napigilang isigaw ng mga fans.

Kumindat pa si Gig sa kanila kaya halos himatayin sa kilig ang karamihan.

Kasalukuyan na silang nakaupo sa sofa set na nandoon at kaharap na ang host.

"Anong masasabi niyo sa biglaang pagdasa ng mga taga-hanga ninyo? From being an online star, ngayon ay nandito na kayo sa national television at magkakaroon na rin kayo ng major concert sa susunod na buwan?"

Lalong lumakas ang sigaw ng mga fans dahil sa narinig. Magkakaroon ng concert ang idolo nila. Sinong hindi matutuwa at kikiligin?

"Of course it's overwhelming." Si Chord ang unang sumagot. Tilian lalo ang mga nanonood. "Who would've thought that we'll reached this far? We were just a dreamer before, and now, we're considered as a rising stars. We're really thankful especially to our fans."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lyrics of LoveWhere stories live. Discover now