Prologue

26 3 0
                                    

Napakaganda ng paligid. Ang ilaw ay samu't sari. Ang disenyo ng buong lugar ay nakakabighani. Tunay na pinaghandaan ang big event na mangyayari.

Napakalakas ng tugtugin. Ngunit ang stage ay madilim pa rin.

Hindi magkamayaw ang mga tao. Lahat ay nagkakasiyahan. Lahat ay nagsisigawan. Lahat ay hindi maipaliwanag ang tuwang nararamdaman.

Ngayong gabi gaganapin ang inaabangang concert ng lahat.

Ngayong gabi ay masisilayan nila ang pinakasikat na banda na noon pa man ay kanila nang hinahangaan.

Pawang mga kabataan ang makikita. Iba't ibang itsura pero iisa ang ipinagsisigawan. Paghanga para sa bandang mula pa man noon ay kanila nang hinahangaan.

Hindi pa man nagsisimula ay parang mapapaos na sa kasisigaw ang lahat.

Kanya-kanyang bitbit ng posters para sa kanilang mga idolo. Meron pang banner na naglalaman ng pangalan ng mga ito. Meron ding lightstick na sadyang ipinasadya para lamang dito sa konsyerto.

Everyone is prepared. Different groups but idolizing one group. They are shouting for one reason.

Ang lahat ay hindi na makapaghintay. Ang lahat ay labis-labis na ang pag-asam. Pag-asam na makitang muli ang mga musikero na noon pa man ay kanila nang iniidolo at inaabangan.

Everyone on the crowd are so proud. Everyone is shouting with glee. They are all happy.

They have been waiting for this time to come. To see their favorite band again in complete harmony. 

On the other hand. The band is now all set inside their room. They are excited as well. They really can't wait. Happiness and joy is visible on their faces.

They'd also look forward on this. To see their group in complete solidarity.

Ang saya sa mga mukha nila ay walang paglagyan. Hindi matutumbasan. Higit lalo ang nag-iisang babae sa kanila. Kitang-kita ang labis na paghanga sa mga mata niya. She's very proud.

Lahat sila ay kakikitaan ng paghanga. Paghanga na nagawa nilang lagpasan ang lahat nang kinaharap nila sa nakaraan.

Hindi rin sila makapaniwala na muli itong magaganap. Na muli silang mabubuo at magkakasama-sama.

Kulang ang salitang masaya para idescribe ang nararamdaman nila.

Ang suot nila ay simple lang. Pawang puti na may nakaimprentang The Lyrics. The print color is gold. Pare-pareho pang may nakataling panyo sa palibot ng kanilang ulo. Ang panyo ay puno ng print ng mga musical symbols at maliit na salitang The Lyrics. Tatak na nila iyon.

"Guys, thank you." The girl said emotionally. She's just very happy. She can't contain her feelings.

"Tsk, magdadrama ka na naman." Pang-aasar ng lalaking nakaakbay sa kanya. Napaigtad na lang ito nang sikuhin siya ng babaeng kausap.

Ang mga kasamahan nila ay nagtawanan. Bakas sa kanila ang labis an kasiyahan.

Magsasalita pa sana ang babae nang pigilan siya ng kanilang manager.

"Magsisimula na tayo. I'm so proud of you guys! I'm really proud. Thank you for coming back."

Napangiti na lang sila sa sinabi nito at sabay-sabay nang lumabas ng kwartong iyon.

Agad na sumalubong sa kanila ang malakas na sigawan. Nagmistula iyong musika sa pandinig nilang lahat. Napakaraming nag-aabang sa kanila. Hindi sila makapaniwala.

Hindi nila inaasahan na ganito pa rin kainit ang pagtanggap na sasalubong sa kanila sa kabila ng pagtalikod na ginawa nila noon sa kanilang mga taga-hanga.

Lalong lumawak ang pag-ngiti nila. Lalong nadagdagan ang saya sa puso nila. Lalong nadagdagan ang eagerness nila na ibigay ang best nila para sa kanilang comeback.

Lyrics of LoveWhere stories live. Discover now