Chapter 1 - The Music Begins.

13 3 0
                                    

The Music Begins


*****

Kasalukuyang breaktime. Isang grupo nang kalalakihan ang nagkakatuwaan sa loob ng kanilang silid-aralan.

May hawak na gitara si Chord at Gig. Si Rusty at Keith ay panay naman ang hampas ng mga kamay sa ibabaw ng lamesa.

Kapwa mga nasa kolehiyo na at kasalukuyang inieenjoy ang kanilang breaktime. Kakatapos lang din ng kanilang exam sa major subject nila kaya ngayon ay nagkakasiyahan ang magkakaibigan. Pawang mga nakangiti. Ang lalawak ng mga ngisi.

Sabay na ini-strum ng dalawang binata ang mga hawak na gitara. Ang dalawa pa ay sumasabay naman sa pagtipa ng mga kamay nila. Ang mga ulo ay umiindayog sa saliw ng tugtog.

Nagsisimula na ang intro ng isang magandang kanta. Ang atensyon ng mga kaeskwela nila ay nasa kanila. Ang ulo ng apat ay iisa ang galaw. Intro pa lang ay napapa-headbang na.

"Muling lalapit... ang liwanag sa paligid..." Pagsisimula ni Chord. Ang mga babae ay impit na napatili. Agad na kinilig.

"At ang tinig... na sa aking nagsasabing... Hindi mapipigil ang mundo... Papatunayan ang pangako..."

Nagpakawala ng napakandang ngiti si Chord, ganon din ang tatlo. Sabay-sabay na inawit ang kasunod na liriko.

"DAHIL KAILANGAN KA... KAILANGANG PAKITA NATIN TAYO'Y IBA... AT KAHIT PA... HINDI PAPIPIGIL SA MUNDO... AT SA UMAGANG DARATING... LAHAT AY ATING KAKAYANIN..." Sinadya nilang palitan ng 'ating' ang 'aking'.

Ang lahat ay tuwang-tuwa habang sila'y pinapanood. Ang karamihan ay napapasabay pa sa kanilang pagtugtog.

Nakakadala naman kasi talaga. Para silang nanonood ng live performance ng isang banda.

Iyon ang pangarap nilang apat. Ang maging isang sikat na banda sa hinaharap. Ang maipamalas ang kanilang talento sa harap ng madla.

Pare-pareho ang kanilang hilig. Hindi na kataka-taka na agad silang nagkasundo-sundo. Nagsimula ang samahan nila noong nasa first year high school pa sila. Mula noon ay palagi nang magkakasama. Pagtugtog ang naging libangan.

Si Chord ay mahusay sa maraming instrumento pero gitara ang pinakapaborito. Masuhay rin siyang umawit at talaga namang nakakabighani. Ang lamig ng boses niya ay kaibig-ibig.

Gig is very expert on playing bass guitar. He was five years old when he first tried playing musical instruments and since then, his family supported him in every way. He can also sing. His voice is natural raspy. It is very pleasant on the ears.

Rusty is a bad ass in drums. He plays it perfectly. The exhibitions he make are very impressive.

Keith on the other hand is a pianist. He got his talent from her mother, an international pianist. He can also play drums same as his father but he really prefered playing the piano.

"Huwag mong iisipin... ang mga harang sa atin... At ang ihip... ng hangin ay darating... Bigla lang titigil ang mundo... at ang lahat ay maglalaho..." Si Gig naman ngayon ang umawit ng kasunod na verse ng kanta.

Si Chord ay napatayo na habang patuloy sa pagtugtog ng gitara. Feel na feel niya ang pagtugtog na ginagawa.

"HAHAHAHA!" Sabay na tawa ng tatlo niyang kaibigan dahil sa kanyang ginawa.

Muli, inawit nila ang koro nang sabay-sabay.

"DAHIL KAILANGAN KA... KAILANGANG PAKITA NATIN TAYO'Y IBA... AT KAHIT PA... HINDI PAPIPIGIL SA MUNDO... AT SA UMAGANG DARATING... LAHAT AY ATING KAKAYANIN..."

Lyrics of LoveWhere stories live. Discover now