Aria's POV
"yeoboseyo?" sagot niya sa phone.
"b--but we're already at the airport, gamdongnim."
"aish, arasseo." sabi niya at binaba yung tawag.
"what is it?" tanong ko.
"change of plans. We'll be meeting gamdongnim." sabi niya at naglakad na kami palabas ng airport.
Nakaka inis naman oh,
joke
Bakit ako naiinis? 'Di ba dapat masaya ako kasi hindi kami tuloy? Yehey! Hindi kami tuloy, wooh!
masaya ka ba talaga?
Oo naman 'no! Ayaw kong kasama 'tong Sky Lee na 'to.
ayaw mo nga ba?
Aish! Ito na naman 'tong second thoughts na 'to, kainis!
"Ohh.. arasseo, arasseo." sabi ni Sky na may kausap na naman pala sa phone.
"so it was regarding Nam Chung Heessi." sabi niya pagbaba ng tawag.
"wae? Did something happen?" tanong ko.
Ano na naman kayang pakulo nung babaeng yun? Hay nako talaga.
"molla, my manager just said that it's regarding Nam Chung Heessi." sagot niya at tumango-tango nalang ako atsaka kami naglakad palabas.
Hindi ko alam pero.. hindi maganda kutob ko rito.
Paglabas ng airport, nagulat kami sa dami ng tao orrr should I say reporters.
"geudeul-i yeogiissda!" [They're here!]
Parang nabingi ako bigla sa sobrang dami ng taong nagdagsaan sa amin. Nakita kong naalerto yung mga guards ng airport at pumunta sa amin pero masyado silang onti para makipaggitgitan sa mga reporters kaya nadumog nalang kami ng mga tao at pinaulanan ng mga flash ng camera at mga tanong.
Sa dami ng tanong nila at sobrang ingay at gulo, wala akong ni isang maintindihan kaya hindi na rin ako makapagsalita.
"Aria!"
Napalingon ako kay Sky na tumatakbo palapit sa akin kahit na sobrang gitgitan at nagulat ako nang yakapin niya ako.
A--anong trip nito??
Binitawan niya yung hawak niyang bag at nilagay yung mga kamay niya sa mukha ko.
"are you alright?" tanong niya na para bang kaming dalawa lang yung tao dito.
Tumango ako pero pakiramdam ko pa rin may mali.
"geuneun pileul heulligoiss-eo! geuneun pileul heulligoissda!" [he's bleeding! He's bleeding!] sigaw ng isang babae malapit sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Pero sa hindi kalayuan sakaniya may nakita akong lalaking nakablack na coat at sumbrero na nakatingin kay Sky at nagulat ako nang magtama ang tingin namin nang tumingin siya sa akin at parang nagulat din siya pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya.
Kinalabit ko si Sky para ituro yung lalaking nakatingin sa kaniya pero nagulat ako nang basa yung nahawakan ko kaya napatingin ako doon.
Bakit.. bakit may dugo?
"J--Jaewon.." sabi ko at nakita yung kutsilyong nakasaksak pa sa kaniya.
Mas lumapit pa ako sa kaniya, nakabuka na yung bibig ko para magsalita pero walang lumalabas. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Napatingin ako sa kaniya pero...parang okay lang naman siya?
"Jaewon.." sabi ko at tumingin siya sa akin.
Tumingin ako sa knife na nakasaksak sa kaniya kaya napatingin din siya doon at bakas sa mukha niyang nagulat siya.
Grabe, ganun na ba siya kamanhid na hindi man lang niya naramdaman yung kutsilyong nakabaon sa katawan niya?
Nagulat ako nung bigla siyang tumumba.
Teh.. kanina okay pa siya. Ganun ba talaga? Pag nakita mo, doon mo lang mararamdaman???
Akala ko umaarte lang siya pero nabato na ako sa kinatatayuan ko nang may dugong lumabas sa bibig niya. Parang biglang tumigil yung mundo ko.
"J--Jaewon.. Jaewon!" luhod ko sa harap niya at hiniga yung ulo niya lap ko.
"Help!" sigaw ko.
Ano ba ang help sa korean? Namemental block na ako!
"Help us!" hingi ko ng tulong sa mga taong nakapaligid sa amin.
"Jaewon.. Jaewon, diyan ka lang ha? Lumaban ka!"
Hindi ko na rin maintindihan yung pinagsasabi ko kaya buti nalang may dumating na medic at sinakay na si Jaewon sa stretcher.
Sumakay din ako sa ambulance at sinamahan si Jaewon.
"Jaewon, stay with me." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
Nag-uusap at kung anu-anong sinasabi ng mga medic pero hindi ko sila maintindihan. Pakiramdam ko nag malfunction yung utak ko dahil sa nangyayari.
Nakita kong may lumabas na naman na dugo mula sa bibig ni Jaewon dahilan para mabalot ng dugo yung oxygen mask na nakakabit sa kaniya.
"Jaewon!" tawag ko.
Nararamdaman ko na yung unti-unting paghina ng katawan ko. Pakiramdam ko.. unti-unting nawawasak yung mundo ko.
"Jaewon.." sabi ko at tuluyan nang nagdilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
Almost Married To Dr. Gook (Tale Of The Mad God)
Romance[ON-HOLD | UNDER SLOW EDITING] Gook Jae Won is Aria's ex-fiance. Their wonderful 2-year relationship turned into a mess when they decided to call-off their wedding and went on their separate paths. Two years later, their paths crossed again and this...