Dane POV:
"Hoy bess! Kung hindi pa ako nakipag chika dun kay Jekay hindi ko pa nalalaman na may gwapo ka raw na boylet na sinamahan! Napaka damot mo ha siya ba yung nag hatid sayo tatlong araw nakakalipas sa bahay" Maloko nitong sabi habang sinusundot sundot nito ang tagiliran ko kaya pina ikot ko nalang ang mata ko
"Tumigil ka nga, at hindi ko siya boylet inereto lamang ako niya sa ating manager na ako mismong maging personal na tour guide niya kaya wag kang ano diyan at marinig ka ng mga lamang lupa" Maloko parin ako nitong tignan
"Bess nagdadalaga kaaaana! Hahaha "
"Hoy tigilan mo ako Mila ha, kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo hindi ko naman- ah basta tara na" Tawang tawa naman ito at nagsi lakad na kami sa aming mga trabaho habang ako hiyang hiya naman ako
Shete ka Jelay kung saan ka man ngayon sumpain ka ng inang kalikasan naway ikaw ay mabulunan habang kumakain
Papunta naman ako sa lobby nang makita ko ang taong naging sanhi ng mga imahinasyon ni Mila naglalakad ito habang may takip ang mukha na mukhang nagkukunwaring hindi ako nakikita lakad siya ng lakad ng pinatid ko ang paa niya kaya nadapa siya gulat naman itong tumingin sa akin at inayos ang buhok nito at tinakpan ang mukha nito sa akin para iwasan ang galit na mukha ko ngayon
Tinaasan ko naman ito ng kilay ko, ano ka ngayon ha hindi makatingin ng deretso "iniiwasan mo ba ako Jelay? May nagawa ka bang mali sa akin?" Umupo naman ako sa gilidan nito at Mahinahon pero ma awtoridad kung sabi mukhang napalunok naman ito
"Ako? Ako umiiwas sayo?" Tinapik naman nito ang balikat ko at tumayo at tumawa ng peke "hindi ah ha ha ha w-wala naman akong g-ginawang mali e hehe" Pinaliitan ko naman ito ng mata
"May narinig ako sa pinsan ko e" Nagulat naman ito sa sinabe ko
"Lintek ka Mila asdfghjkl" Sabi nito pero hindi ko na narinig ang huli nitong sinabe
"Dane sorry na nadala lang naman ako e itong pinsan mo kasi pinilit ako kaya hindi na ako nakapagtimpi kaya na sabi ko huhu sorry na, nagbibiro lang naman ako e please bati na tayo Dane " Nagmamakaawa nito hays
"Oo na" Niyakap naman niya ako
"Gusto mo bang sumama sa akin bukas ng gabi raraket tayo dito sa ball room bilang waiter at waitress 2500 pesos raw ang bayad, ano gusto mo? Sinabihan lang din ako ng kasama ko e, kaya bilang pag sorry ko, sana okay nato ha huhu friendship"
"Salamat" Ngumiti naman ako
Ayos dagdag kita din to pero payagan kaya ako ni tatay gabi yun pero susubukan ko parin blessing in disguise ka din pala Jelay
"Pwede bang magpasama, gusto ko kasing isama si Mila" Tumango na din siya tapos nagkwento din siya ng mga kakailanganin sa bukas ng gabi at nag paalam naman siya
Bigla naman akong natuwa ewan ko ba hehe naeexcite ako na parang may mangyayaring maganda bukas
Ang ganda ganda na sana ng mood ko ng may babaeng bumungo sa akin kakausapin ko sana kaya ngalang mukhang natapon yata ang iniinom nitong milktea sa mamahaling damit nito nagulat naman ako kaya kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinahid sa damit nito ng itulak ako nito at masama itong tumingin sa akin
"M-maam s-sorry po h-hindi ko po sina-" Bigla niya nalang ako sinampal nagulat naman ako at hinimas ang mukha ko kung saan nasampal
"You freak LOOK WHAT DID YOU DO TO MY DRESS!!" sigaw nito at nagpapadyak pa ito " Did you know how much this dress cost!?" Umiling naman ako
BINABASA MO ANG
Born For You (On-going)
RandomLaxus Vlad Montefalco A Billionaire Casanova and hot bachelor hinahangaan sa kanyang ma appeal na looks at hot na katawan at isang leader ng isang kilalang Frat sa loob ng paaralan Maxine Dane Arroyo isang gay na hahangaan dahil sa kaniyang Androgy...