Chapter 17

1K 48 5
                                    

Dane POV:

"So mr. Investigator may balita na po ba sa magulang at kapatid ko?" na eexcite at kinakabahan ako

"According sa mga taong nakaka kilala sa magulang mo , pagkatapos ng dalawang araw na mawala ang Panganay nilang anak, Ay may kotseng itim raw ang sumundo sa magulang mo at kapatid kasama ang isang babae na nanga ngalang Mila" napatakip naman ako sa bibig ko

"t-tito b-baka kinuha sila ni tonyo, tito nag alala po ako sa pamilya ko baka napano napo sila, baka mo kinidnap sila ni tonyo kapalit ko, T-tito kinabahan po ako sa kaligtasan nila ni nanay at tatay , si mila at si bunso" napakagat na ako sa kuko na kalagian kung ginagawa pag kinakabahan

"wag kang mag isip ng ganyan Dane baka hindi sila Tonyo yun wag kang kabahan nandito ako mag tiwala ka mahahanap natin sila" sabay yakap niya sakin

"t-tito b-bakit ang bait bait niyo po sakin"

"dahil siguro sa maikling panahon napalapit kana sakin Dane, sa amin"

"t-tito paano po pag hawak nga ni Tonyo ang pamilya ko, paano po"

"Hindi ko alam Dane pero lakasan mo loob mo isipin mung ligtas sila at mas nanaisin nilang ligtas ka"

.......

ngayon na pala kaarawan ni kuya Marko tama tutulong ako bilang papasalamat siguro maraming dadating na bisita na mayayaman siguro no, kaarawan ba naman ng gobernador nang lugar nato siguro may mga artista din sana hehe tinignan ko naman ang dalawang stuff toys sa mesa

"hmm kelan kaya kayo kukunin ng may ari niyo?" bigla naman ako napanguso

bahala na nga tutulong nalang ako sa baba, may magagawa pa ako

"wag kang mag-alala babalik din ako " sabay halik nito sa noo ko

arghhhh sir Vlad bakit ka ganito di ka naman ganito dati ha , naguguluhan napo akoo ano nalang po mukhang ipapakita ko sainyo pag nakita tayo mamaya kingina ka sir wag kang pa fall sarap mo sabunutan

bakit ganito ka bilis ang tibok ng puso ko sayo sir bakit! nagugustuhan na po ba kita pero paano kung nag iilusyon lang ako paano kung ganito ka lang sa akin

kaloka nakakagulo ito

mas mabuti pang tumayo na ako at umalis sa kwartong ito at tumulong sa baba, siguro makakalimutan ko po kayo pansamantala

.....

"manang tutulong po ako sa-" hahawakan ko sana ang pinggan ng pina alis nila ako at kailangan pa nila ang trabaho nila

"ate tulungan kita hehe" ganun din pina alis ako tutulong lang naman ako sa decorations kaso sabi nila may organizer na raw gagawa nun

"ate tulungan kita jan wala kasi akong -" ano ba silbi ko dito pinapapaalis lang ako hindi naman ako amo dito e

nakita ko naman si manang kasama si Jelo kaya siguro di naman ako nito itataboy e hehe

"mana-" nakakunot namang mukha ni Jelo ang nakita ko

"bawal"

"Mababaliw po ako pag wala akong ginawa ditooooo kaya payagan niyo na po akong tumulong , please po bilang regalo ko na din kay kuya Marko at sa kanila ni Tito " lumuhod pa ako at nag makaawa

"Okay okay hahaha kumuha ka ng patatas at balatan mo" sabi ni Jelo

"yes miss minchin" tumawa naman si manang sa akin

Born For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon