Chapter 4: the TRUST thing

1.5K 78 0
                                    

Dane POV:

"Anak utang na loob pag sinabi kung wag wag"

Yan agad ang narinig ko ng nag desisyon akong mag trabaho ngayon mukha ng ama kung nag alala at galit paano niya kaya yun na iisa

"Tama nga naman ang tatay mo anak, hindi ba't dilikado na mag trabaho ka ngayon na at baka nasa paligid lang ang mga ka kontsaba ni Tonyo para dakipin ka, anak nag aalala lang kami ng tatay mo " Sincere na pag kasabi ni Nanay sa akin habang ako nakikinig lang

"Bess, please dito ka nalang at saka ako na mag papaalam kay manager na hindi ka pwede mag trabaho ngayon, mahirap na at tama nga sila tito at tita na nasa paligid lang sila Tonyo, nag aalala kami paano nalang kung mangyari ulit ang nangyari sayo"

"Pero sayang yung kikitain ko ngayong ara-" Pinigilan naman ni tatay ang sinabi ko

"Lintek na pera yan, hindi ba tayo makakain ng tatlong pagkain sa isang araw kung hindi ka mag tatrabaho! Ano namang kwentang ama ako kung hindi ko kayo natutulungan, nag tatrabaho din ako anak kaya ko na kayong buhayin, pwede ka ng mag resign diyan at mag aral ka nalang"

"Tay kaya nga ako ng tatrabaho para makapag aral ayoko pung makadagdag sa gastuhin dito sa bahay, itong trabaho ko pang dadagdag pang aral ko pang matrikila to para sa susunod na klase Tay, Nay importante ito sa akin sana maintindihan niyo, " Malumanay kung sabi habang nakatingin sa kanilang pareho

"Mahal ikaw kuma usap dito napaka tigas ng ulo hindi ko alam kung saan nag mana ang batang to" Agad naman lumabas si tatay at nag sindi ng sigarilyo

Hindi naman madalas si tatay mag sigarilyo, nag sisigarilyo lang siya pag inaatake siya ng stress o kung nagagalit siya

"Tay, tama na yan masama yan sa katawan mo at tay please pagkatiwalaan mo ako kaya ko ang sarili ko kaya nga ako naka takas e tapos tay pangako bahay trabaho bahay lang ako wala akong gagawin pa pangako"

"Tsk bahala ka, pero ako mag hahatid at sundo sainyo, dahil wala ka panamang boyfriend at alam ko namang bawal pa talaga, ha!" Namula naman ako anong boyfriend sinasabi nito pero this time alam kung humupa na ang galit nito tinapon niya narin ang sigarilyo at inapakan para mamatay ang apoy

"Tay naman e! Nay si tatay ng aasar "

"Raphael tama na yan at baby pa yan" Isa din to si nanay e nag walk out nalang ako

At rinig na rinig ko ang mga tawa nila edi kayo na ang masaya.

••••••
"Bess sigurado kabang "

"Bess ilang ulit ko bang sasabihin na okay lang ako at kung may maituturing man akong pangalawang lugar na ligtas ako ito yun "

Yun palang e tatapak palang yung paa ko e to na entrance na ako ng may tatlong bruha kampon ng kadiliman at mga pinsan ni lucy short for lucifer

"Hoy baklita feeling maganda mukha namang pangit"

"Buti nalang ako mukhang pangit hindi katulad niyo saksakan ng pangit, alis nga at nasisira ang maganda kung mood sa kapangitan niyo, sa sobrang kapal ng mukha mo nag mukha kang hostes na clown ewan ko ba? Mila tara na" Hinila niya naman ang braso ko

"Ano sinabe mo?" Pinandilatan niya lang ako ng mata at sinundut sundot niya ang noo ko

"At napaka kapal ng mukha mo para sabihan kaming panget at clown na hostes wala ka namang binatbat sa amin kami rich ikaw poor wag kang pabida bida dito Dane kabago bago mulang dito at umaasta ka ng nakakataas baka nakakalimutan mung assistant manager ako dito kaya ayusin mo yang pananalita mo Dane baka hindi mo namalayan hindi kana nag tatrabaho dito" Kinagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang galit at iyak na namumuo sa mukha ko

Born For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon