Dane POV:
Ilang minuto din ang lumipas ng naramdaman kung mukhang naghahanda na itong lumarga paalis kinuha ko naman ang isang pirasong dahon ng saging para ikubli ang katawan ko kung sino man ang makakakita sa akin sa lagay nato, ligtas akong makakatakas sa mga tauhan ni Tonyo
Pero yung saya ko napalitan ng kaba at takot nang bigla nalang huminto ang sasakyan kaya sumilip ako sa kabilang bahagi, nabigla naman ako ng nakita ko! ang mga tauhan ni Tonyo! hindi ako pwede magkamali isa sa kanila ang nag babantay sa akin kaya sigurado akong tauhan sila ni tonyo
Hindi ! Sigurado akong pag nakita nila ako agad agad nila akong dadalhin kay Tonyo hindi ako papayag na makuha nila ako
"Bumaba kayo diyan! BABA!!" Ma awtoridad nitong sigaw at habang may hawak itong baril agad agad naman bumaba ang isang lalaki may katandaan na ito mukhang nasa 50 anyos na ito
Nakita ko namang may nilabas itong litrato, nagulat naman akong litrato ko iyon! Mukhang ipinapahanap ako ni Tonyo sa mga tauhan nya, hayop ka Tonyo!
"Nakita niyo ba ang taong to! Wag na wag kayong magsisinungaling hindi kami magdadalawang isip na patayin kayo!"
"W-wala ho, hindi ho namin yan nakita lalong lalo hindi ho namin siya kilala " Natatakot nitong sabi
tinuro naman ng armadong lalaki ang likod mukhang inuutusan nito ang mga kasamahan niya na tignan ang bahaging likod ng truck natakot naman ako kaya bumalik ako sa pwesto ko at nagtago ng mabuti
"Boss maniwala kayo hindi ho namin siya tinago, wala po siya diyan tinignan po namin yan kanina Bago kami umalis too ho Yun! "
"May titignan lang kami sa loob pagtapos makaka uwi na kayo" maangas biting sabi
"S-sige ho pero wag niyo lang po idamay ang paninida namin idedeliver pa ho namin yan sa maynila" Nakakunot naman ang noo ko Maynila? Sa Maynila kami papunta! Paano ko makakasama ang mga magulang ko? Pero kung lalabas ako mahahanap nila ako ay tiyak akong paghihigantihan ako ni Tonyo sa pagtakas ko at baka madamay si Aron pero kung hindi ako aalis mapapadpad ako sa Maynila malaking porsyentong baka hindi ko na sila makita..
Hindi! hindi wag ho kayo maniwala sa kanila wag niyo ho sila hayaan
Pero parang Hindi umaayo ang tadhana..
"Sige ho basta wag niyo nalang po sisirain ang mga prutas kasi ho idedeliver pa ho namin yan"
Tinakpan ko naman ang bibig ko para maiwasan gumawa ng ingay at niyakap ko naman ang katawan ko at siniksik ang sarili at mas lalo kung dinikit ang dahon ng saging sa katawan ko
Dyos ko po wag niyo pung hayaang makita nila ako
Muntikan na akong mapasigaw ng buklatin nila ang trapal ng nakaharang sa mga prutas pero buti nalang at napapalibutan ako ng malaking basket na lalagyan ng saging at may tabon din akong dahon ng saging
BINABASA MO ANG
Born For You (On-going)
CasualeLaxus Vlad Montefalco A Billionaire Casanova and hot bachelor hinahangaan sa kanyang ma appeal na looks at hot na katawan at isang leader ng isang kilalang Frat sa loob ng paaralan Maxine Dane Arroyo isang gay na hahangaan dahil sa kaniyang Androgy...