Chapter 1

6.1K 169 36
                                    

"Walang ibang nagmamay-ari ng iyong katotohanan kundi ikaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Walang ibang nagmamay-ari ng iyong katotohanan kundi ikaw."

Hello world.

Ako nga pala si Eli Montemayor, labing-walong taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Colegio de San Nicolas. Second year college na ako sa kursong Business Management Major in Accounting. Hindi ako matalino sa Math pero ito ang kursong kinuha ko for some reason. Una, Business management at Education lang ang option na courses sa school na pinasukan ko. Well, I don't picture myself as a teacher in the future. Trust me, baka mabully lang ako ng mga estudyante ko kung magkataon. So I have to choose Business Management. Tsaka ayaw ko kayang maging isang simpleng empleyado lang in the future.

Mataas ang pangarap ko sa buhay.

Bata pa lang ako ay pinangarap ko nang maging isang Business man, kung saan ako ang magtatayo at mamamalakad ng sarili kong kompanya.

Gusto ko ako yung boss, 'yung tipong ako 'yung magha-hire ng mga magtatrabaho sa akin. Sa ganoong paraan kasi ay hindi ko na kailangang magpapalit-palit ng trabaho at kabahan na sumalang ulit sa iba't-ibang uri ng job interviews.

Hindi ako 'yung uutus-utusan, kasi ako ang masusunod at magdedesisyon para sa sarili kong kompanya.

Does it make sense?

So sa halip na mahirapan ako kakahanap ng magandang trabaho in the future, ngayon palang ay pinagsusumikapan ko na ang aking pag-aaral.

Napabaling ako sa suot kong relo at doon ko lang napansin ang oras.

Alas-onse y medya na pala.

Hating gabi na pero hindi pa rin ako tinatatamaan ng kahit kaunting antok. Salamat sa katabi kong kape at chocolate biscuit na dahilan kung bakit gising na gising pa rin ang diwa ko hanggang sa mga oras na ito.

Nakaupo ako ngayon sa aking study table habang nakapako ang tingin sa fourteen inches kong laptop. Hindi ako nanonood ng kahit anong Zoomflix or K-Drama series. Nakasubsob ako ngayon sa laptop dahil dito kasi nakalagay ang lahat ng reviewer ko.

Yes, ang rason kung bakit ako nagpupuyat ngayon ay para makapagreview ng todo. Kailangan kong mag-aral dahil preliminary exams na namin bukas. Para sa akin rin naman ito. Mataas ang pangarap ko, so dapat lang na paghirapan ko iyon ngayon pa lang. I decided to stay up night para na rin makarami.

Gumagamit ako ng laptop sa pagre-review dahil halos lahat ng reviewer at modules ko sa school ay converted na sa PDF file.

Tsaka, kung ako ang tatanungin ay mas madaling paraan ito ng pag-aaral kaysa sa libro at notes. Noon kasing paper works ang ginagamit ko para magreview ay nakatulugan ko lamang ito. I'm not sure kung ako lang ba o ganon din 'yung iba. Opinyon ko lang naman ito.

Boyfriend Hunt [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon