Eli
Eksaktong alas-kwatro ng hapon ay nasa kamay na ng aming Professor ang lahat ng test paper ng huling exam namin for prelims.
Nakahinga na ako ng maluwag.
Nagpaalam na ang aming Professor at inanunsyong kung kailan namin malalaman ang resulta ng exam.
Nang mga oras na lisanin kami ng aming profesor ay napuno ng malakas na ingay ang buong kwarto. Gaya ng inaasahan, kanya-kanyang konsultahan ang bawat isa sa kung anong isinagot nila sa mga items na hindi sila sigurado.
Mula sa unahan ay nakita ko ang isang babaeng nagmamadali palapit sa akin.
"Uy Eli! Nakuha mo ba yung tamang computation kanina 'dun sa Accounting? Iyong item number 3 ba 'yun? Basta nakakaloka!" Sambit nito sa akin habang hawak-hawak ang isang buong pad kung saan nakalagay 'yung mga computation niya kanina sa subject na Accounting.
Siya si Yumi. She is also running as a top student sa aming section. Hindi ko siya gaanong kaclose pero siya ang mahigpit kong katunggali pagdating sa academics. Don't get me wrong dahil we don't hate each other. Mabait itong si Yumi and I can say that she's a good academic rival. Hindi ko nga inakala noong una na matalino pala siya dahil siya ang pinakamaingay sa amin at naoo-eyan na 'yung ibang tao sa kanya. O sige na, isama niyo na rin ako pero hindi ibig sabihin 'non ay ayaw ko sa kanya. She's a good person at masasabi kong isa siya sa maituturing kong kaibigan dito sa school, but not that so-called-friend na palagi kong kasama. Basta nakakausap ko lang siya kapag ang pag-uusapan ay may kinalaman sa school matter at academics.
"Ahh, sa totoo lang ay hindi ko na matandaan 'yung mga sagot ko sa Accounting Yumi. Alam mo namang bobo ako sa Math hindi ba?" Medyo nahihiya kong tugon sa kanya habang nakakamot sa ulo. Hindi ko naman kasi idedeny na mahina ako pagdating sa mga computations na iyan. Basta may mga number at find the x and y na ang problem ay hirap akong intindihin.
"Hala siya! Huwag ka ngang ano diyan! Palagi mo namang sinasabi na hindi ka magaling sa Math pero kapag nandyan na iyung result ng test ay halos magkaparehas lang ang iskor nating dalawa. Ikaw ha. Alam ko namang matalino ka kaya 'wag mong palaging ibinababa ang sarili mo." Pagalit ni Yumi sa akin habang nakahaba ang kaniyang nguso kaya naman napangiti ako nang bahagya dito habang umi-iling.
"Huy, tiyamba lang iyon ano!" Sagot ko sa kanya.
"Weh? Anong tiyamba? eh bakit naka ilang ulit nang nangyari kung tiyamba lang 'yun? Sige nga? Huwag ka ngang pa-humble dyan uy!" Halata ang pagiging competitive nitong si Yumi sa pangdedead-end niya sa akin.
Umiling na lang ako sa kanya. Hindi na kasi ako makahanap ng isasagot pa sa kanya.
Totoo naman kasing mahina ako sa Math at hindi ko alam kung bakit minsa'y nakakakuha pa ako ng mataas na iskor sa exam.
"Anyway may plano ka bang gawin mamaya? May balak kasi kaming magvideoke nina Lenny mamaya kasama 'yung tropa. Tutal Friday naman ngayon at walang pasok bukas ay gusto sana naming makapaglibang after exams. Alam mo na, para iwas stress." Anyaya sa akin ni Yumi at lumingon sa mga kasamahan niyang nakaupo rin sa bandang unahan. I just know those blocks by their names kasi nga ay loner ako. "Ano? Sama ka?" she added.
BINABASA MO ANG
Boyfriend Hunt [BxB]
RomanceSi Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing...