Chapter 5

2.5K 113 8
                                    

Eli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eli

Nakarating ako sa bahay bago pumatak ang alas-otso. Medyo late na rin pala. I already texted mom earlier para hindi na siya mag-alala sa akin. She's not strict but sadyang maala-lahanin lang dahil ako ang kaisa-isahan niyang anak.

Normal kasing dumi-diretso ako sa bahay pagkatapos ng klase kaya bago pa man mag alas-singko ay karaniwang nasa bahay na ako. Nagkataon lang na nayaya ako ng mga kaklase ko kanina and that was something new to my mom kaya talagang kailangan ko iyong ipaalam sa kanya.

"Nandito na po ako Ma." Pagod kong sigaw nang makapasok na ako sa pintuan para iparinig kay Mama ang pagdating ko. Hindi ito sumagot. Wala rin siya sa sala. Siguro'y nasa kusina nanaman siya o kaya'y nagpapahinga na sa kanyang kwarto. "Ma, nandito na ako." pag-uulit ko habang hinuhubad ang medyo mainit-init ko nang black shoes at medyas. Dahil 'ata iyon sa kala-lakad namin kanina and believe me, hindi ako sanay sa ganoong katagal na lakaran.

Isang oras kaming nagtagal sa videoke room at halos isa't kalahating oras naman ang iginugol pa namin sa pamamasyal. Gusto ko na sanang mauna noon after naming mag-videoke pero pinigilan ako ni Yumi at hindi hinayaang maka-alis. Huwag 'daw akong kill joy so in the end, wala akong nagawa kundi ang sumama na rin sa next destination nila.

Masayang kasama ang grupo nina Yumi at masasabi kong na-enjoy talaga nila ang friday gimik na iyon. Matapos kasi nilang magkanda-maos-maos kaka-kanta ay nagtungo kami sa kabilang mall kung saan naroon 'yung paborito nilang korean food chain para mag-dinner. Buti nalang at may dala akong extrang pera dahil medyo may kamahalan ang mga pagkain doon. We spent three hundred and ninety-nine pesos, almost four hundred, dahil grill-all-you can ang lahat ng korean foods na nakahain doon. Take note, that is 399 per head at mabigat iyon sa katulad kong estudyante pa lamang. Medyo nanghinayang nga ako sa ibinayad ko dahil hindi naman ako malakas kumain.

After namin magdinner ay pumunta naman kami sa isang park na di kalayuan, kung saan maraming booth na kahalintulad ng mga makikita mo sa malalaking amusement park. Ang kaibahan lang ay walang mga rides doon gaya ng roller coaster at ferris wheel. May shooting booth doon kung saan nakapanalo si Kloyd ng isang malaking teddy bear at ibinagay niya iyon sa kanyang girlfriend.

They seem to enjoy each other's company. Ako lang iyong tahimik sa grupo at everytime na hihikayatin nila akong i-try gawin 'yung mga ginagawa nila ay tumatanggi ako, at salamat dahil nirerespeto naman nila 'yon at hindi na ako pinilit.

I don't know.

Hindi ko alam kung ano bang mali sa akin ng mga panahong iyon. May hindi tama kasi parang wala akong kagana-gana kahit ang sasaya nila kasama. Ini-isip ko nga na kaya siguro hindi ako makasabay sa trip nila ay dahil kaki-kilala ko pa lang ng pormal sa kanilang grupo. Hindi naman kasi ako ganoong ka-vain dahil alam ko sa sarili ko na sumaya rin naman ako sa bonding na iyon kahit papaano. Masaya ako habang pinanonood kung gaano sila magkulitan sa isa't-isa.

Boyfriend Hunt [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon