Chapter 3

3.1K 116 3
                                    

Eli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eli

Natapos na ang exam namin sa subject na Filipino. Grabe, mabuti na lang at nakapagreview ako ng todo dahil medyo madugo at nakakalito 'yung ilan sa mga questions sa exam. Kilala si Professor Alvarez na mahirap gumawa ng test papers na para bang ayaw nito na may nakakapasa sa subject niya. May mga ganitong tipo ng guro kaya mas okay talaga kung mag-aaral ka ng mabuti kaysa umasa lang sa stock knowledge. Ayun, nastock tuloy yung iba sa unang bahagi pa lang ng exam. Ang sabi nga nila, kung sasabak ka sa giyera ay dapat na palagi kang handa. Kung marami kang baong bala ay mas maraming tiyansa rin na may matatamaan ka.

After ng exam ay nagkaroon kami ng fifteen minutes break bago sumalang sa susunod pang exam.

Nagugutom na rin kasi ako. Kasabay ng pagkatuyot ng utak ko ay siya namang pagkalam ng aking sikmura. Mabuti pa sigurong bumili ako ng isang biscuit at bottled juice na malimit kong bilihin sa canteen.

Itatago ko na sana ang ilang gamit ko sa bag para makalabas na ng classroom nang biglang mahulog sa sahig 'yung pudpod kong pambura at gumulong ito patungo sa direksyon ni Theo.

Hawak niya noon ang kanyang cellphone habang kinukutingting ito subalit naoansin niya pa rin ang gumugulong kong pambura hanggang sa harangin niya ito ng kaliwa niyang paa.

Itinigil niya ang kung anong ginagawa niya sa kanyang cellphone at dahan-dahan siyang yumuko para abutin ang istupido na ay pudpod pang pambura. Anak ng! Pambihirang pambura!

Makikita sa anggulo ni Theo ngayon ang matangos niyang ilong na minana niya siguro sa half-filipino half-spanish niyang Ina. Nakaramdam tuloy ako ng inggit at napaisip na sana'y ganoon nalang 'din ang ilong ko sa kanya.

Theo turns his head towards my direction. He's really good looking but definitely not my type.

Napaangat ang kanyang tingin sa akin tsaka niya itinanong kung sa akin ba 'yung nahulog na pambura.

"Oo sa akin 'yan. Salamat." Wala ako sa sarili nang sagutin siya.

Hindi ko alam kung ako lang ba o napansin din niya, pero ang awkward lang kasi ng pagkakasabi ko noon sa kanya. Ewan ko kung bakit. Siguro'y dahil naalala kong paborito niya ang bandang The Blue Five at ang bokalista nitong si Adam Lebrain ang profile picture ni John Smith.

Bago pa makapagsalitang muli si Theo ay kinuha ko na yung pambura mula sa kanyang kamay at itinago ito sa bulsa, pagkatapos ay nagmadali na ako palabas ng silid.

"Excuse me." Pasintabi ko sa isa sa mga babae kong kaklase na sa harapan pa talaga ng pintuan napiling mag ayos ng sarili. "Ay, sorry." kaagad nitong sabi sabay sulong palabas na rin ng class room.

Bukod sa pag-iwas ko kay Theo ay kanina pa ako atat na atat makapagbreak para matingnan ang notifications sa MATCHED.

May nagmessage na kaya sa akin?

Boyfriend Hunt [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon