I

2.8K 39 23
                                    

"Oh ready na ba kayo sa rehearsal?" Tanong ng Production staff namin na si Leeroi na palagi na lang tumatahol na parang aso kung may mali sa mga positions namin. Nagpapraktis kasi kami ng production number para sa gagawing Runway Project dito sa school namin.

"O sige, girls balik na kayo sa backstage at maghanda sa final wave." Agad kaming tumango at nag punta sa likod ng stage.

"Dai, alam mo ba na may inaasahang sikat na guess mamayang gabi?" Tanong ng bestfriend kong si Matilde (Matild ang pagpronounce ng kanyang name isa siyang half-french). Nagtataka kayo kung bakit "Dai" ang tawag namin sa isa't isa, dahil na rin lumaki siya sa Cebu at naisipang mag-aral dito sa Maynila.

"Anong ibig mong sabihin, Dai?" I asked her habang paakyat na kami sa stage.

"Hindi mo alam?"

"Hindi" Inirapan ko siya.

"Ay naku Dae palagi ka na lang late sa news." She smirked at agad ko siyang tinignan.

"So sino naman yung guest?"

"Syempre ang boss ng iyong papa." She smiled at agad kong nakita ang kanyang pink braces. I know siya lang ang may alam ng pasikot-sikot sa pamilya namin.

"What?! Ang ibig mong sabihin si Mr. JM Veloso?" I asked in surprise and I raised my eye-brows.

"Tumpak!" She snapped her fingers. Si Mr. John Martin Veloso ay isang successful businessman at boss siya ng aking Ama na anim na taon nang naninilbihan sa kanila bilang kanilang family driver. Isa siya sa pinaka sikat na businessman, hindi lang basta-bastang businessman, isa rin siyang sikat na model noong teenager pa siya. Siguro na sa mid-twenties na siya ngayon dahil noong huli ko siyang nakita ay noong Elementary Graduation pa namin ng kanyang kapatid na si John Vincent Veloso, na kasalukuyang boyfriend ng aking bestfriend na si Matilde.

"Ohh.. Diba, amazing dahil makikita ko na ang aking future brother-in-law?" She grinned from ear to ear.

"Naku, masungit yun." I stated.

"Hindi nga!" She retorted.

"Matilde at Alyssa mag tsitsismisan nalang ba kayo diyan?!" Tahol ng aming Production staff sa amin.

*******

Pagkatapos ng praktis ay agad akong umuwi sa bahay para mag-shower dahil nangangamoy pawis na ako. Naiisip kong excited na ang buong Modeling Club dahil mamayang gabi na gaganapin ang Runway project namin. Lahat sila ay nag si uwian na at hinatid ako ni Matilde sa bahay. As usual, you know na hindi naman ako mayaman eh. Umaasa lang kami sa work ni Papa bilang isang Family driver ng mga Veloso. At least, nagawa kaming pag-aralin ng aking Papa. Bukod sa paninilbihan niya sa Veloso, may insentives pa siyang nakukuha dito kagaya ng Educational Scholarship, kaya naka pasok ako sa sikat na Unibersidad dahil rin sa kanila. Malaki talaga ang utang na loob namin ni Papa, at pati na rin ang kapatid kong si Chanchan sa mga Veloso dahil sila rin ang nagprovide ng chemotherapy nang kapatid ko, sa awa ng Diyos gumaling na si Chanchan sa sakit na Leukemia kaya utang namin ang buhay ng kapatid ko sa mga Veloso.

"Chanchan, may pasalubong ako!" Tawag ko sa kapatid ko habang bit-bit ko ang brown paper bag na may lamang siopao na kanyang paborito.

"Talaga ate?!" Sigaw niya at agad siyang lumapit sa akin.

"Ito oh." Inabot ko ito sa kanya at agad niya namang binuksan.

"Woow! Siopao." Masaya niyang tugon na may bahid ng ngiti sa kanyang mga labi.

Banished Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon