XIV

788 19 1
                                    


We stepped out in the car and headed inside the Cupcake House kung saan dinala ko si JV sa aming date. Napatingin ako sa kanya, he looked amazed dahil siguro sa kakaibang design sa loob ng Cupcake House nang makapasok na kami.Binago ni Priam ang style ng Cupcake house mas ginawa pa niya itong lively na nakakatanggal ng stress at siguradong makakaatract sa bawat bata kapag papasok dito.

Ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng aking bag para kunin ko ang bagay na ibinigay sa akin ni Priam.

 A simple muffin card.

 Ito ang gagamitin ko para may free cupcakes sa kahit saan na branch ng Cupcake House. Unlimited ito kung kailan ko gustong kumain dito, pero may limit lang sa bawat cupcakes.Dalawang blue muffin cakes at isang strawberry cupcake lang ang nakalagay sa card. 

Kumakalam agad ang aking tiyan habang nakikita ko ang texture ng blue muffin cake naka pinta sa ding ding nitong Cupcake house. Gusto kong kumain ng marami katulad ng isang matakaw na baboy pero nakakahiya sa mga tao dito. Lalo na ngayong araw na ito maraming batang kumakain dito. 

All the kids here are enjoying their cupcakes together with their parents. Ang sarap tignan nang mahagip ko ang  cute na batang umiiyak, na may icing pa sa pisngi habang ang kanyang mama naman tinatahan siya.Ayaw ko sanang pansinin pero napaiisip ako, kapag lalabas sa sinapupunan ko ang bata at  lumaki na siya, maging mabuti ba akong ina? Maalagaan ko ba siya at maiibibigay ko sa ang pagmamahal ng isang ina? Syempre naman Alyssa you'll give all the love that the child needs. Kahit hindi mo man naransan na mahalin ng ina, sinisigurado ko na mamahalin ko si ‘humps’.Pero paano ang tunay na pagmamahal ng isang ama? Matitiis mo ba na magsinungaling sa baby mo na ang amang ipakilala mo sa kanya ay ang tiyuhin niya? Pero you have to lie,Alyssa dahil para ito sa kabutihan mo at lalo sa kay ‘humps’.

“Ito ba ang favorite mong pastry house?” JV asked as he raised his brows in unison and he placed his hands on his pocket.

I looked at him at mamaya pa ay nilapitan kami ng service girl na nakasuot ng uniforme nilang kulay blue.

She leads the way.

Napatingin muna ako sa paligid bago kami tuluyang umupo sa bakanteng upuan at mesa na kulay blue.

“Ayos tong napili mong dating place natin ah” Sabi niya habang napalingon lingon si JV sa paligid halatang naninibago pa siya.

“Ako pa” I shrugged and flashed a smile at him.

“So palagi kang nandito?” He asked as placed his hand on mine.

“Minsan, alam mo kilala ko ang may-ari nitong Cupcake House na ito” Napatingin ako sa paligid.

“Kasamahan niyo ba  sa modeling?” He squeezed my hand gently. 

“Hindi, he's a good friend of mine” I said casually.

“Aaaah” He nodded.

“I want to meet him”Napatingin muna ako sa paligid baka nandito lang si Priam.

“Next time ipakilala ko siya sa iyo” 

Umorder kami ng anim na blue muffin cupcakes. Hindi ko nalang ginamit ang card kasi libre naman ako ni JV. 

“Ang sarap” I said as I licked the icing using the tip of my tongue.

“Wow…” Napatingin ako kay JV nanlaki ang kanyang mga mata.

“Tigilan mo yan,Alyssa” He begged as he caressed my tight sa ilalim ng mesa. Napaatras ako knowing the fact that we're in the public place.

Banished Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon