Chapter 1

97.3K 1.9K 139
                                    

      Sa isang probinsya nang Maynila. May isang masagana at mapayapang bayan. Tago ito at pinakadulo na kung saan makikita ang kalawakan nang karagatan. Kung saan makikita ang kagandahan nang kabundukan.

Dito ako lumaki at nakita ko ang unti unting paglago nang Hacienda Montenegro. Isa ako sa mga tumutulong sa pag gawa nang organik na banig, bayong ,mga upuan na gawa sa matitibay na kahoy galing pa sa kabundukan nang aming bayan.

Masasabi kong kontento ako sa buhay probinsya dito. Masagana sa pamumuhay at likas na yaman. Ang lolo at lola ko ang nagpalaki sa akin nang mamatay ang ama at ina ko sa pagkasunog noon sa kagubatan. Dahil nasa gitna nang gubat ang aming bahay hindi iyon nakaligtas sa walang awa na apoy.

Onse anyos ako nang maulila at kinupkop nang aking lola at lolo at dinala dito sa patag mula sa bundok.Wala kasi silang kasama lalo na't nag iisang anak nila si Ama. Tumutulong ako sa pag ani nang mga palay kay lolo. Tumutulong ako sa pag gawa minsan nang bayong at banig kay lola. Nakatulong iyon sa aking pag aaral dahil sa likom na pera galing doon.

Maraming taga dito sa amin ang lumuluwas pa Manila. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang lumuwas kung sagana naman ang bayan na ito. Base sa mga naririnig ko sa aking ka klase. Matatayog daw ang mga buildings sa Manila. Maraming oppurtunidad na magkatrabaho , ang ibang kilala ko doon nag kolehiyo.

Minsan na akong nagkaroon nang kuryusidad kung ano ba talaga ang Manila. Ano ba ang sinasabi nilang building na maraming ilaw at maraming inumin?

Napatingala ako sa matayog na araw. Napapikit ako sa sobrang silaw nun. Yumuko at pinunasan ang pawis sa aking noo. Sinikop ko ang mga nagawang bayong at tinungo ang kamalig nila lola at iba pa niyang kaedaran.

"Tapos na ako, lola." Pinagmalaki ko ulit ang gawa ko. Napatingin sila sa akin at ngumiti.

"Tessa ka'y gandang bata nitong si Kim bakit hindi mo ipadala sa Manila?" Sabi nang isang kaibigan ni lola.Nilapag ko ang bayong at iba pa sa mesa at nakinig sa kanila. Hindi na bago ito sa akin. Palagi ako nakakarinig nang papuri.

"Oo nga Tessa, tsaka malaki at dalaga na wala pa ba itong kasintahan? Naku, ang ganitong dalaga e' iniingatan. Tignan mo naman! matangos ang ilong. Ang pilik mata ang hahaba! ang mata niya parang manika! ang katawan walang panama ang mga modelo sa toothpaste! naalala ko tuloy ang kadalagahan ko." dagdag nang isa pa. Napapangiti nalang ako sa mga naririnig.

Umiiling na tumawa si lola. "Alam niyo, nag iisa nalang itong si Kim sa amin kaya todo alaga ko ito. Kaya nga ako kayod nang kayod para makapasok siya sa kolehiyo. Mataas ang matrikula ngayon.Hindi pwedeng high school graduate lang kahit ito nalang yung tagumpay namin nang lolo niya."

Napahinga ako nang malalim. Sana nga makapag ipon kami para sa pasukan. Gusto kong ibalik ang lahat na tulong nila lolo at lola sa akin. Ayoko silang biguin.

"Huwag kayong mag alala lola! Mag- papart time job po ako para kahit papano may idagdag ako sa gastusin sa eskwela."

"Ang bait mo talaga Kim! sana ganyan din yung anak ko pero matigas ang ulo non! kaya ayon buntis!"

Nagpatuloy ang usapan habang ginagawa nila ang ibang proyekto. Sa kabila nang pag gawa nang mga organik na bagay ay isa din si lola sa namamahala nang kalupaan nang Montenegro. Siya iyong leader nang umaani at nag aalaga nang palayan nang mga Montenegro ganon din si Lolo.

Pagpasok sa aming bahay na gawa sa nipa at kahoy. Nakita ko si lolo na naglilista at nag bibilang nang babayaran.

"Wow! ang dami nating pera lolo ah!" sabi ko rito at tumabi nakita ko si lola na naghahanda nang bayong at bracelet na minsan na naming ginawa yari sa mga shells sa dagat na ako pa ang pumulot.

Summer NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon