Chapter 27

30.5K 1.4K 75
                                    

Chapter 27
He's sick

We packed our things.  Hindi naman masyadong marami. Walang masyadong gamit si Manuel kaya iisang bag lang ang dala niya at ang shoulder bag ko.

Bago kami umuwi, Mama Cora invited us for lunch. Nahihirapan akong huminga ng tumapak kami sa kanilang bulwagan. The fresh air blown my hair. Inayos naman ni Manuel ang aking buhok at kinintalan ako ng halik sa noo.

"Mag commute tayo?" tanong ko.

Umiling siya at tiningnan ang cellphone.

"Yeah."

Malungkot ang mga mata ni mama Cora habang si papa naman ay nangungusap.

"Bibisita ka ba ulit anak?" Si mama Cora at hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako sa kanila, "Opo, may mga aayusin kami sa Manila at tsaka, maraming trabaho si Manuel na naiwan at nag aalala na si Don Juanito sa kanya."

Tumango si papa. "Tatawag kami a-anak at dadalaw." Tiningnan nito si Manuel. May sinabi si mama at papa kay Manuel habang naagaw naman ang aking pansin ng isang Hi Ace na sasakyan.

Ezekiel stormed out from the car. Naka gray T shirt lang ito at pantalon. Hinubad niya ang kanyang shades at ngumisi sakin.

"Ezekiel!" I said excitedly. How I miss the bestfriend of mine.

I'm about to hug him pero humigpit ang hawak ni Manuel sa aking baywang. Suminghap naman si mama sa nakita at tumikhim. Tila alam ang ibig sabihin ng galaw ni Manuel.

"Brother." Utas ni Ezekiel. Pinasadahan ng tingin si Manuel.

"Good day ma'am and sir." nagkamayan si mama ,papa at Zeke.

"Why are you here?" tanong ni Manuel agad.

Ngumisi si Zeke and he licked his lips, "Bawal na bang sunduin ang kapatid ko?"

Manuel sneered.

"I took good care of Aurora while-"

"Oh shut up." putol ni Manuel sa kanya.

Hindi na yata talaga magkakaintindihan ang dalawang ito. Sumipol lamang si Ezekiel at kinindatan ako. Napailing nalang ako at kumapit sa braso ni Manuel.

Nagpaalam ako kina mama at papa. Hindi ko nakita si Empress dahil nagkulong raw ito sa kwarto. Gusto ko man na kausapin ang kapatid ko...alam kong imposible lalo na sa sitwasyon niya ngayon.

Noong una ko siyang nakita hindi halata sa kanya ang karahasan na natamasa. Hindi halata ang mga depresyon at napagdaanan niya. Kahit na sa tingin ninyo ay isa siyang maganda, at perpekto...hindi natin alam ang mga kahulugan ng kanyang bawat ngiti. Hindi natin alam ang kwento sa likod ng magandang mukha.

Nang makaalis kami Isla ay naghihintay pala ang sasakyan ni Zeke sa Pantalan. Doon kami sumakay .

"Kamusta si papa?" Seryosong tanong ni Manuel habang nagmamaneho si Ezekiel.

"Fine. May dinner tayo mamayang gabi."

Tumango si Manuel habang ako ay nakahilig sa dibdib niya at naaantok.

"And your fiancee?" singit pa ni Manuel.

Hindi ko narinigan si Ezekiel ng sagot. Narinig ko lamang ang mumunting halakhak ni Manuel at naiinis na naman ang kapatid na si Ezekiel.

Hinatid kami ni Ezekiel sa shop namin ni Josefina. Nagmamadali akong lumabas kahit ang kamay ni Manuel ay nasa baywang ko pa. Nang pumasok ay namataan ko si Josefina na kinakalong si Michael Angelo. His eyes widened.

Summer NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon