Chapter 5

39.6K 1.4K 56
                                    

"Okay na ako.G-Gusto ko ng umuwi." Ginamot ng doktor ang aking mga sugat. Ramdam ko ang sakit. Pero mas labis sa akin ang pag-aalala kay Lola. Baka ano ang mangyari sa kanya kapag nalaman niya ito.

Nakakunot ang noo at nasa akin ang seryoso nitong mata. Hindi nawala ang galit sa ekspresyon nito.

"Dito kana muna hija. Pinatawag ko na ang lola Tessa mo. Maya maya nandito na yun." Si senyora Patricia na nakaupo sa aking tabi. May pag-aalala sa mukha nito.

Nahiya ako sa kanilang tulong sa akin. Naging abala pa ako sa kanila."Maraming salamat t-talaga senyora.." Tinignan ko rin si Manuel. Tipid akong ngumiti sa kanya. "Salamat rin ,Manuel. Di ko talaga alam na ganon ang mangyayari. Pinagkatiwalaan ko po kasi si Mang Domeng kasi taga baryo natin siya." Pumait ang aking sistema. Nahaluan ng galit at lungkot.

"Hindi na kayo iba sa akin hija. Lalo na ang lolo Berny at Lola Tessa mo. Matagal na silang magsisilbihan sa angkan. Kaya kahit sa ganito. Makatulong naman kami kahit paano." Malambot ang ekspresyon ng mukha ni Senyora. Hindi mo aakalain na may anak na dahil mukhang bata pa rin at dalaga.

"Manuel? What's wrong?" Isang babae ang dumating galing sa itaas ng hagdan.

Dahan dahan lumipat ang tingin ko sa babaeng iyon. Mestisa at may kulay itim na itim na buhok. Sobrang straight iyon at mukhang malambot. Naka dress na kulay pink ang babae. Umangat ang tingin ko sa mukha nito. The epitome of beauty. Yan masasabi ko. Perpekto ang matang malalam,ang pilik matang malamanika. Malambot ang pulang labi nitong tignan at may dimple sa kaliwang pisngi.

"Chloe, gabi na. You should rest." Si senyora. Nakita ko kung paano iakla nito ang kamay sa braso ni Manuel.

Ito pala siya,ang babaeng kasama ni Manuel sa dalampasigan. Ang nakita kong kahalikan niya. May kumudlit na sakit sa aking dibdib. Sobrang kabog ang naramdaman. Umiwas ako ng tingin at hindi na nag angat ng tingin pa. May mga binigay na gamot ang doktor at may tinanong sa akin kung ok lang ba ako. Kung walang kahiy anong dinadamdam emosyonal.

Kumalat ang nangyaring iyon na parang apoy. Maraming nag alala sa akin lalo na mga kaibigan ni lola. Hindi na rin ako lumabas pa at hinintay na lamang ang pag abre skwela. Kinalimutan ko ang masalimuot na nangyari sa akin. Nagpapasalamat dahil naligtas ako kahit paano. Kinalimutan ang pag nakaw sa aking ni Ezekiel ng unang halik. Kinalimutan maging si Manuel.

Alam kong hindi malabo ang pagkikita namin dito lalo na lupain nila ito. Gusto ko nalang ituon ng husto ng atensyon sa pag-aaral sa college. Tinanggap ko ang scholarship sa akin ni Senyor Patricio. Kaya nagkapag aral sa Stella Maris Academy. May ibang katulad ko na mahirap ang nakapag kolehiyo dito dahil sa scholarship.

Ang unang araw ng pasukan ay naging masaya at magaan. Marami akong naging ka kurso na kakilala ko at kaibigan.
"Grabe yung teacher natin no? Sobrang terror." si Princes. Isang kaibigan at kapit bahay namin.

"Mabuti rin maaga nag dismis e. Nakakakunsyume yung busangot niyang mukha e". Si Maribel isa sa kaklase ko rin.

Maaga ang dismisal namin sa unang araw ng pasok. Hapon at maganda ang sikat ng araw. Nagsusuka ang aming gate ng maraming studyante. Nakakasaya talaga ang college life. Masaya kapag maraming kaibigan.

"Kim diba nakapasok kana sa mansyon ng Montenegro?"

Tumango ako sa tanong ni Maribel. "Oo, doon nagtatrabaho si Lolo at lola e."

"Ang swerte mo! Ang gwapo naman kasi ng Magkapatid e. Sayang hindi nagtatrabaho si mama sa hacienda nila. Nasa Manila e."

Kumakain kami ng fishball. Naglalakad lang papuntang Masidlak Falls. Nasa tagong bahagi iyon ng niyugan. Dadaan pa sa manggahan at mga bulaklak.

Summer NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon