Chapter 8

35.8K 1.3K 28
                                    

Nanginginig ang aking kamay na nilapag ang bracelet yari sa shells sa itaas ng kabaong ni Lolo. Pumatak ng paunti unti ang aking luha at namayani sa paligid ang hikbi ng aking lola.

Maraming nakiramay sa amin. Sa kabilang banda,kaharap namin ang mga Montenegro. Si Senyor at Senyora habang nasa gilid ang magkapatid na Montenegro.Ang katabi naman ni Manuel ay si Chloe.

Malaki ang naitulong nila sa amin para mabigyan nang magandang libing ang lolo.

"Berny ,asawa k-ko. S-Sama na ako s-saiyo.." Lumampasay si lola sa lupa habang unti unting pumapailalim ang kabaong ng lolo.

Nakagat ko ang labi at pinigilan ang hikbi. Hinawakan ko sa braso si lola at hinila.

"L-Lola..tama na."

Ang mga dumalo ay napahikbi narin dala sa pighati ni lola.

"Hindi! sabi ni lolo mo p-pag aaralin kapa niya! Sabi niya magkokoloheyo ka sa Manila. Sabi niya-"

Lumuhod ako at niyakap si lola ng hindi ko na makayanan. Pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit. Nakatatak pa sa aking alaala ang mga masasayang panahon namin ni lolo at lola.

Tinulungan ako ng mga kaibigan ni lola na dalhin siya. Inakay siya nang mga ito. Hinayaan ko siya at hinatid na lamang ng tingin.

Unti unti nang kumunti ang tao ay lumuhod ako sa pwesto ni lolo habang unti unting tinatabunan ng lupa ito.

"Bigyan niyo po ako ng lakas ng loob lolo. Gabayan niyo kami sa buhay ni lola. Huwag niyo kaming pababayaan. S-Sana magsilbing anghel ka namin ni lola."

Pinunasan ang kahuli hulingang luha.

"Aurora? Puwede kaba naming makausap ni Juanito?"

Napatingin ako kay senyora Patricia ng lumapit ito sa akin.

"P-para saan po?"

"Naging mabuti kayo sa amin kaya gusto sana namin na tumulong sainyo. Pwede ba natin ito pag usapan sa mansyon?"

Tumango ako bilang pag sang ayon.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng malaking library ng mansyon. Nalulula ako sa nagtataasang mga libro.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Senyor at Senyor. Tumayo ako sa pag kakaupo at yumuko bilang pag galang.

"Magandang araw ho."

Kinabahan man ako pero isinantabi ko iyon dahil alam kong para sa ikabubuti ko ito.

"Maupo ka hija."

Naupo ako at nahihiyang tumingin s mag asawa na nakaupo sa harapan ko.

"Ilang dekada narin ang lolo mo naninilbihan sa amin. Mula pa nang mamatay ang ama ko sila na kaagad ang namahal sa lupa. Aaminin ko na malaking kawalan ang lolo mo sa amin." Si Senyor at ngumiti sa akin.

"Tutustusan namin ang iyong pag-aaral at pangangailangan niyo. Nakita namin ang kondisyon ng iyong lola at kailangan niyang magpa check up."

"Salamat po talaga sa tulong Senyor. Hindi ko na rin po alam ang gagawin ko. Nahihirapan narin po ako lalo na wala sa katinuan si lola."

Ngumiti si Senyora. "Bata kapa Aurora. Naawa kami saiyo. Kung gusto mo dito kana sa mansyon."

Agad akong umiling at umiwas. "Okay na po kami doon ni lola. Sobrang nakakahiya na po."

May kinuha si Senyor sa bulsa at ibinigay sa akin. "Benepisyo yan ni Berny na naiwan sa amin. Naghuhulog yan sa akin para itago ko."

Namilog ang mata ko ng makitang makapal na sobre iyon. Sa anyo palang na panlabas nito alam ko nang pera ang laman nun.

Tahak ko ang pasilyo palabas dala dala ang sobre. Kumakabog ang dibdib ko nang sobra. Hanggang ngayon sariwa pa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Manuel sa kubo.

Kung paano niya pa ako ulit hinalikan sa labas ng bahay namin ng ihatid niya.

Sa sala na ako ng mansyon ng biglang masalubong ko si Manuel at Chloe. Nang magtama ang paningin namin ni Manuel ay napaiwas ako.

"Hi! Kim Aurora right?"

Tumango ako ng dahan dahan. "Nakikiramay pala kami sa mga nangyari. Pero alam mo ba. Magaling ako mag bake. Ang kumain raw ng cake ay nakakawala ng stress." Ngumiti ito at hinila ako. "Halika ka!"

Napamulagat ako ng hilahin ako nito papuntang kusina nila. Kahit sa kusina nila ang gaganda ng pinggan at baso. Mukha talagang mamahalin.

Pinaupo ako nito at may kinuha sa ref nito. Nakita kong humilig si Manuel sa hamba ng pintuan at tumingin sa akin ng seryoso lang.

Naagaw ni Chloe ang pansin ko nang nilapag niya sa harap ko ang isang hiwa ng cake.

Mukha palang nito masarap na. Alam kong ilang taon ang agwat ni Chloe sa akin pero ang jolly niya.

"I baked that. Alam mo kung nalulungkot ako nagbabake ako. Minsan ginagala ako ni Manuel sa ibang isla rito."

Kumirot ang puso ko. Una sobrang nagiguilty ako dahil ako pa ang makakasira sa kanilang dalawa. Nasa kasunduan na silang dalawa na ikasal. Tapos sisirain ko lang iyon? Ako na walang ipagmamalaki. Hindi ko mapapatayan kung gaano kayaman sila Chloe. Isa pa ayokong ma disappoint sila ni Senyor at Senyora sa akin.

Kung anoman itong nararamdaman ko. Kailangan nang pigilan. Because I know this is bad.

Napalunok ako habang unti unting nilalapit sa bibig ang kutsarang may cake.

"Masarap ba?"

Tumango ako rito at ngumiti. "M-Masarap.."

"Ay! teka lang! Manuel paki intindi muna si Aurora ha. May kukunin lang ako. " Anito at iniwan kaming dalawa.

Kumalabog ang puso. Lalo na nang marinig ko ang yapak niya at ang pagkulong nang mga braso niya sa akin. Itinuko niya ang isang kamay sa mesa habang ang isa ay nasa likod ng aking inuupan.

"Masarap ba?" Bulong nito sa tenga ko. Unti unti akong tumango at umiwas.

Kumuha ako ulit sa cake at kinain. Para unti unting maibsan ang kaba sa dibdib.

Nang ikatlong subo ay ang siyang pagyuko ni Manuel at paghalik sa aking labi. Namilog ang mata ko nang kinagat at sinipsip nito ang ibabang labi ko.

Itinulak ko siya agad at luminga sa paligid. Baka may makakita sa amin napakalaking eskandalo nito.

"Ano bang ginagawa mo k-kuya M-Manuel."

Nakita kong pumasada ang dila niya sa labi at kinagat iyon. Hindi siya nagsalita.

Namuo ang galit sa aking dibdib dahil sa ginawa nito. "Alam mong nandito ang fiance mo bakit mo ako hinalikan?! Paano kung nakita tayo? Manuel ayokong makasira ng relasyon." Impit na sabi ko. Pilit pinigilan ang pag alsa ng boses.

His jaw clenched at umiwas nang tingin. "Pinagkasundo lang kami pero hindi ko siya fiance."

"E bakit siya nandito palagi kung ganon?"

Hay! Ewan! Bakit ko pa iyon natanong.

Huminga ito ng malalim at umiwas. ''I'll tell you this evening. Magkita tayo sa kubo."

"Ayoko." Agad na tanggi ko rito.

"Magkikita tayo. Papaintindi ko lahat Aurora."

Umiling ako at napalunok sa kaseryosohan ng boses nito. "A-Ayoko-"

"Aurora, hindi ako nakatulog nang maayos kagabi at hindi ako makatulog mamaya kung hindi kita mahahalikan.."

"H-Hindi lang nga halik yung ginawa m-mo e."

"Pasalamat ka iyon lang..kung ako ang masusunod.." Bitin nito sa sasabihin at pumasada sa aking kabuuan ang kanyang mata.

Napapikit ako ng mariin at tumango na lamang. Mamaya mag uusap kami. Aayusin ko ang dapat ayusin. Ayoko makasira nang isang relasyon.


Summer NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon