Today is the first day of our relaxation.
Sobrang ingay ng paligid, kasabay ng mga speaker na umuugong sa bawat sulok ng mga kisame.
"Welcome students! Have fun and enjoy the foundation!" at sumigaw ang mga studyante ng marinig na magsalita sa speaker ang adviser ng student council.
Everyone is enjoying the day yet here I am, faking a smile.
Kanina ko pa hinahanap si Areeza dahil balak ko sanang humingi ng pasensya dahil sa nangyari kamakailan pero hindi ko siya makita.
I was walking mindlessly when I heard argumentative voices somewhere else. Tumingin ako sa kanan ko at tama nga ang hinala ko, nakita ko sina Areeza at Vince na nag-aaway sa di kalayuan kaya't napangiti ako.
Lumapit ako sa kanila pero bago ko pa matawag ang pangalan niya, may nakabangga akong lalake. Nahulog ang mga dala niyang libro kung kaya't tinulongan ko siyang pulutin ito.
"Look, I am sorry I didn't mean to," paghingi ko ng pasensya.
"No it's okay. My fault," sabi niya at ng iangat niya ang tingin niya, halos matumba ako sa pwesto ko ng mapagtantong si Nicolai ang nakabanggaan ko at nakasuot siya ng damit tulad ng mga players. Agad akong nag-iwas ng tingin. Ito na naman.
He was about to say something pero tinalikuran ko na siya at naglakad papunta kina Areeza. I saw her smirking at our place and mouthing something, but I just rolled my eyes, and I knew, bati na kami.
Buti nalang at hindi na binanggit ni Areeza ang nangyari last week kaya't matiwasay ang araw ko ngayon.
Isa-isa naming tiningnan ang mga booth at nagtry din kami ng mga pakulo nilang games.
When we're tired, nagdesisyon kaming kumain sa mga food stalls na inihanda ng mga officers.
"Wow! Try natin yung kwek-kwek!" turo ni Areeza sa mga street foods na nandun sa open ground.
Hindi naman ako maarte dahil kumakain naman ako ng kwek-kwek sa dati kong eskwelahan.
Nag-order na siya at umorder naman ako ng fishball tsaka kikiam.
"This is delicious! I never thought it would taste great!" papuri ni Areeza sa kinakain niya. I just rolled my eyes dahil sobrang arte niya talagang babae.
When we're done eating, hinatak ako ni Areeza sa field kung saan may mga nagaganap na sports sa pagitan ng mga university players.
"Punta tayo sa basketball court! Player si Silvestre. I'm gonna support my brother!" excited na sabi niya.
Nakisiksik kami sa mga tao hanggang sa marating namin ang court.
And true enough, Silvestre is dribbling the ball and flawlessly gained a 3-point shot. Humiyaw ang mga tao at karamihan sa kanila ay babae, habang isinisigaw ang pangalan niya. Nakikisigaw na din si Areeza sa mga tao at parang baliw na tumatalon-talon.
Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa ibang field at saktong nakita ko si Nicolai na naglalaro ng soccer.
Soccer player siya?!
Medyo lumayo ako ng konti kay Areeza para matingnan ng maayos si Nicolai.
Sobrang sexy niyang tingnan habang sinisipa niya ang bola at muntik na akong sumigaw sa tuwa ng naipasok niya ang bola at i-announce na sila ang nanalo. Tumawa siya at nakipag-apir sa mga kasama niya habang isa-isa siyang binabati.
Hindi ko pinalampas ang pagkakataon at kinuhaan ko siya ng litrato.
Minsan ko lang siyang makitang tumawa dahil palagi siyang seryoso kaya sobrang rare ng moment na ito. Kahit galit ako sa kanya, tila hinahaplos ng tawa niya ang puso ko.
Kinuhanan ko pa siya ng picture pero napatalon ako ng tumingin siya sa gawi ko. Nakipagtitigan siya sa akin pero agad kong iniwas ang aking tingin matapos ang ilang segundo at bumalik na sa pwesto kung nasaan si Areeza.
Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sobrang bilis tumakbo ng mga kabayo sa loob nito.
"Problema mo?" tanong ni Areeza sa akin pero umiling lang ako.
Nakinuod nalang din ako sa kanya at pasimpleng tiningnan ang field kung nasaan si Nicolai pero wala na siya doon.
"Grabe! Sobrang gwapo talaga ni Nicolai girl! Kahit naka glasses siyang naglaro!"
"Oo nga! Sobrang hot! Kung ako ang girlfriend ni Nicolai, hindi ko na siya papakawalan!"
Napatingin ako sa isang grupo ng babae na bagong dating lang na tumabi sa amin. Agad akong nakaramdam ng inis dahil sa mga naririnig ko.
"Ako din no! May the best girl win!"
"Tumigil na kayo. I heard that Nicolai's already engaged pero hindi pa pinapangalanan ang babae"
Nagulat ako sa binanggit ng isa nilang kasama kasabay ng pagkagulat ng dalawang babaeng kasama niya.
E..engaged na si Nicolai? Kailan? Paano? Kanino?

BINABASA MO ANG
Supposed to Be
Romance"You know? I was supposed to be just a responsible president, an outstanding student, and a guy deprived of love life, but you, Cathe Elise Geronimo came," he breathed in my face before finally letting go of my arm and leaving me dumbfounded. What...