Part 20

28 1 0
                                    

My heart is pounding really hard sa mga narinig ko.

Si Nicolai? Engaged? Alam kaya ni Areeza ito? I want to ask her but I am not someone who meddles with someone else's business.

"You okay?" tanong ni Areeza dahil kanina pa ako nakahawak sa dibdib ko.

"Y-yeah," I answered habang nakayuko. She just nodded at inabutan ako ng maiinom.

"Areeza, I..I want to go home," I pleaded.

"Why?" kunot-noo niyang tanong pero may pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Uhm..diba kailangan pa natin magrest?" pagdadahilan ko.

Ayaw pa niyang umuwi kung kaya't nagpaalam na ako sa kanyang mauuna na ako.

When I arrived home, diretso akong umakyat sa kwarto ko at tsaka nilock yun. My heart is still beating fast because of the shocking news that almost destroyed my being.

There's only a girl whom Nicolai's engaged to, and that's no other than Francesca. I smiled bitterly at that thought. Mukhang sila na nga talaga. Wala na akong magagawa.

I sighed as I laid on my bed until I drifted to sleep.

Alas-dose na ng tanghali ng magising ako kaya bumaba na ako at nagpahanda  ng salad kay yaya.

"Ah ma'am, sinabi pala ng mama mo na maaga silang uuwi mamayang gabi. Tsaka, may mga bisita daw sila"

Agad naman akong napatingin kay yaya dahil sa sinabi niya.

"Ano daw pong oras? May event po kasi sa school, baka hindi ko na sila maabutan," magalang kong sambit.

"Sige ma'am, itext mo nalang sila. Alas siyete ata silang dadating," she said and I just simply nodded.

Bumalik na ako sa kwarto at itinulog nalang ulit at bandang alas-kwatro na nang magising ako. Nagvibrate naman ang phone ko at nakitang nagtext si Areeza at ipinapahayag kung gaano siya nae-excite mamayang gabi. Parang baliw.

Inihanda ko na lang ang aking isusuot at diretso nang naligo. Tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower at tsaka nagsimulang make-up'an ang sarili.

Hindi ako magaling magmake-up pero sinubukan ko nalang para magmukha naman akong tao.

Matapos kong magpaganda, isinuot ko na ang long gown ko na kulay pula, at hapit na hapit sa katawan. May slit ito hanggang sa mid thigh at kitang-kita ang mahahaba kong legs kapag maglalakad ako. Backless din ito gaya ng isinuot ko noong party ni Areeza.

I wear my black, 3-inched stilettos my mom bought from Paris at napagdesisyonan nang bumaba ng hagdan. Nagpaalam na ako kay yaya at tinext ko na din sina mama at papa na may event kami.

Pinaharurot ko na ang sasakyan at marami-rami na din ang mga studyane ng makarating ako.

Bumaba na ako at madaming mata ang agad na tumingin sa akin ng makalabas ako ng sasakyan. Some are gawking and intently looking at me. Nahihiya akong pumasok sa loob pero nakita kong kumakaway si Areeza sa gawi ko.

Lumapit ako at nandun na din sina Silvestre at ang kanyang mga kasama.

"You look stunning Cathe!" puri ni Areeza sa akin. Nakasuot siya ng long low-neckline gown na medyo kita ang cleavage. Wala na din ang kanyang glasses at ang ganda niya ay mas lalong tumaginting.

"You too," at saka umupo na ako.

Pinasadahan ako ng tingin ni Silvestre kaya't inirapan ko nalang siya.

"You look fine," he told me and I just gave him a disgusted look. I still hate him.

"Hey! Back off Silvestre!" suway ng kapatid niya habang tumatawa.

"Chill Areeza. She's Nicolai's girl remember?" at nagtawanan na silang lahat sa lamesa.

Nagsimulang magsalita ang host ng gabing ito at puro pagbati lamang ang sinasabi niya.

Napatingin ako sa entrance at hindi nakatakas sa paningin ko ang brasong nakalingkis kay Nicolai. He is wearing a white tuxedo with his glasses on, but shit, he is screaming fumes with that look! Nakita kong napatingin si Francesca sa gawi namin at inirapan ako. Umangat ang altapresyon ko dahil sa ugaling ipinakita niya kung kaya't tumalikod nalang ako.

Naramdaman ko ang presensya sa likod ko at bago pa ako mapatingin, nagsalita na siya.

"Hi! Can I sit with you?" maarteng tanong ni Francesca at umupo na siya sa tabi ko, kasabay ni Nicolai.

"May sinabi ba akong oo?" inis na sagot ni Silvestre.

"Silvestre," banta ni Nicolai sa kanya. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa pagtatanggol niya kay Francesca.

Ano bang problema ng tatlong ito? Para tuloy akong nanunuod ng love triangle dahil sa kanila.

The music shifted to slow-mo at nakita ko ang paglakad ng mga couple papunta sa dance floor. Tumayo si Silvestre at nang i-angat ko ang paningin ko, nakita kong nakalahad ang kamay niya sa akin. Bago pa ako makapag react, hinatak na niya ako sa dance floor, and just in time, I saw Francesca glaring at us.

"What the hell is your problem? Um-oo ba ako?" angal ko kay Silvestre ng makarating kami sa dance floor.

Binalewala niya lang ang reklamo ko at bagkus, hinawakan na niya ang bewang at kamay ko, at saka isinayaw na ako.

"I needed to get out of the table," he said at tinaasan ko lang siya ng kilay.

Magtatanong pa sana ako but I just decided to kept mum because it's not my hobby to meddle with this matters.

Inenjoy ko nalang ang music at habang sumasayaw kami, may kamay na biglang lumahad sa harapan ko kung kaya't napatigil kami sa pagsasayaw.

"Your turn," Silvestre said and then pushed me to the guy beside me.

Agad naman akong hinawakan sa braso ng lalakeng ito upang alalayan at nang i-angat ko ang aking paningin, nakita ko si Nicolai na nakalahad pa din ang kamay sa harapan ko.

"N-Nicolai..."

He smiled at me at ibinuka niya ang bibig niya upang magsalita.

"Can I dance with you?"

Memories of Nicolai with Francesca including the engagement thing I heard flashed everywhere and before I knew it, marahas kong tinanggal ang kamay ni Nicolai na nakaalalay sa aking braso at nagtatakbo paalis doon habang naiwan siyang nakatulala.

I..I can't..I just can't..

Supposed to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon