Part 55

39 1 0
                                    

My emotions are taking over me again.

"Ah ma'am, nauna na po kasing umalis si sir," yan ang pamungad ng katulong namin kaninang umaga kaya't inis na inis ako habang nagbubuklat ng mga papeles sa lamesa ko.

And these past few days, I noticed that Nicolai is smiling on his phone most of the time. On his phone!

"Mare, masisira na ang mga dokumento oh," aniya ni Gio kaya't sinuklian ko siya ng tingin na papatay sa kanya. Kaninang umaga din ay sinundo niya ako dahil sasamahan ko daw siyang mag boy hunting.

"Cathe, hindi kaya may iba na si hubby mo? E mas kadesire-desire ata ang phone niya unlike you," pang-aasar niya kaya't napatigil naman ako at napaisip.

Hindi kaya...

Is he just keeping up with me dahil buntis ako? Ganon ba iyon?! Kung hindi ako buntis ay hihiwalayan na niya ako at sasama na siya sa kung sino mang tinitingnan niya sa kanyang phone? Nakahanap na ba siya ng bruhang foreigner? OH GOSH.

"Hey, joke lang. Don't overthink. Baka may meme lang siyang nakita somewhere," Gio assured me but I just glared at him more.

"You're not helping," I firmly said at tumayo na tsaka kinuha ang bag ko. Inayos ko ang buhok ko at naglagay ng kaunting lipgloss sa labi ko.

Lusyang na ba ako masyado kaya humanap na siya ng iba? Ako lusyang? Sa ganda kong ito?!

"Let's go?" Gio said kaya't napatigil ako sa pag-iisip. He offered his arm and then we descend immediately out of the company.

I checked my phone nang nakapasok na kami sa kotse niya pero nadismaya lang ako nang ni isang text message galing sa kanya ay wala. Where did he go? Sa kabit ba niya? Napahawak agad ako sa tiyan ko at hinaplos ito. Cool lang dapat ako. I need to. Maaapektuhan ang bata.

Napadpad kami sa isang ice cream parlor na ayon kay Gio ay magugustuhan ko. Nags-serve din kasi sila ng mga salad at pastries.

"Lalo akong tataba dahil sayo, e," I muttered pero ang bakla, napailing lang.

"Edi magdiet ka para hindi tumingin ang asawa mo sa iba"

"Gio!" pagtutol ko sa sinabi niya at sinimangutan siya.

"Kidding. You need to be healthy for your baby, alright? Don't mind yourself getting fat," then winked at me. Echosero.

Matapos kaming kumain ay nagtungo na kami sa 365 kung saan ako bumibili ng mga dress at mga sapatos. Napatigil si Gio sa paglalakad kaya't napatigil din ako.

"Oh my gosh! Gwapo mare!" he squealed at tsaka may tinuro. May babaeng kasama ang lalake pero hindi ko masyadong maaninag ang itsura nila dahil nakaside sila sa paningin ko, at medyo may kalayuhan. Gio and his hawk-like eyes.

Kumunot ang noo ko ng medyo kamukha ng lalake si Kuya Angelo pero umiling lang ako dahil imposible iyon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mawala na sila sa aking paningin.

"Sis, bagay sayo itooo," at pinasukat niya sa akin ang isang baby pink na romper. Okay, I really have a sick fetish for rompers. Madami pa siyang ipinakita sa akin at lahat ng iyon ay nagustuhan ko. Bumili na din ako ng bagong flats dahil hindi na ako pwedeng magheels. So much for being pregnant.

Alas-dos na nang napagpasyahan naming kumain ulit sa isang restaurant malapit dito. Kanina pa kasi ako gutom. Gutom na naman ako, kaya ako tumataba nito e. Ang takaw naman kasi ng baby ko. I smiled at that thought.

"Mare, hinay hinay," pag-aalala ni Gio pero nginitian ko lang siya. I need lots of comfort foods dahil nakakafrustrate ang ama ng anak ko. Naisip ko na naman na baka nambabae na siya o ano.

"Hey, may check up ako ngayon. Dumiretso muna tayo sa OB ko bago umuwi," then Gio just nodded at me.


"Your vital signs are okay so that means, your baby is okay. Basta wag kalang masyadong magpapagod or mas-stress dahil nakakasama sa bata," Dra.Lorenzo reminded me at kung anu-ano pa ang sinabi niya.

Stress? Paano doc kapag mismong asawa ko ang source of stress ko? He is invading my mind again!

Inalalayan na ako ni Gio papasok ng sasakyan hanggang sa umikot siya sa driver's seat. Biglang tumunog ang phone niya kaya't dinampot niya ito. Maya-maya'y sumeryoso ang kanyang mukha na tila nakakita ng multo. Tiningnan niya ako at hilaw na ngumiti sa akin.

"Problema mo?" tanong ko pero hindi siya umimik kaya't hinablot ko sa kanya ang phone at napatigil din ako sa nakita ko.

"C-Cathe.."

On his screen is a picture of Nicolai and Michelle while walking towards a hotel. Nakaangkla ang braso niya sa asawa ko at sa picture ay masayang-masaya sila.

What the?

What kind of sick game are we playing, huh Nicolai?!

Naramdaman ko ang paghawak ni Gio sa aking braso at hinaplos ito para pakalmahin ako.

"Drive me to that hotel," I authoratively ordered and he nodded slowly. I know that place! Diyan kami kumakain ni Lawrence noon. How dare he?! Cheating bastard!

Nang makapasok kami sa lobby ay agad kong tinanong sa attendant kung may nakacheck-in ba na pangalan ng asawa ko o ano.

"Yes po. Nasa room 112. Second Floor," dali-dali kong hinablot ang braso ni Gio at nagtungo agad kami sa elevator.

"Cathe, calm down. Diba nga ay investor siya? Baka may—

"Investor my ass! Sa isang kwarto sila magm-meeting?! Ano yun huh?" hindi na nakasagot si Gio dahil pinaramdam ko talaga sa kanya ang nanggigigil na galit ko.

So all this time he is cheating on me!? Fuck him! May he rot in hell!

Nang makarating kami sa second floor ay agad kong hinanap ang kwarto kung nasaan sila.

Huminga ako ng malalim. What will I do if mahuli ko sila? Na may kababalaghang ginagawa?

Of course I'll kill them both!

Gio held my hand and nodded at me. Tumango din ako at unti-unting pinihit ang door knob. Hindi pa ako tuloyang nakakapasok ng biglang may pumutok na party popper at narinig ko ang hiyaw ng mga pamilyar na boses.

Tiningnan ko si Gio na nakapeace sign at dahan-dahan akong tinulak paloob.

Bumungad sa akin ang mga nakangiting itsura nina Tita Tanya, Tito Javier, si Areeza, Silvestre, nandun din si kuya Angelo, wait, kuya Angelo?! Oh my gosh. Mom and dad is also there. Sina Francesca, si Michelle na ngiting-ngiti sa akin na nakapeace-sign din, si Dylan, at si Lawrence sa kanyang tabi na nakangisi.

And infront of me is Nicolai on his bended knees while holding a diamond ring. Unti-unti akong nanginig habang siya ay nakangisi ngunit kitang-kita ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Cathe Elise Geronimo Dela Vega"

Supposed to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon