Chapter 11 (Friendship, Is it Real?)

55 1 0
                                    

.Friendship, Is it Real?

Friendship, Is it Real?". It is hard to please anyone, especially if you have a lot of imperfections....

Isang araw, kinausap ako ng kapatid ko,

".Ate, pwedi bang doon ka na muna matulog sa church?."

". Bakit?." takang tanong ko

".May new pastora kasi dun at wala daw syang kasamang matulog".
sabi nya

".Sino?"

".Di ko alam". nagkibit balikat sya
tingnan mo nalang dun".

Tumango lang ako.

kinagabihan, pumunta ako sa church.
at di ako nagkamali, nakita ko nga sya, kasama ni Pastora Sheila.

Para syang suplada sa kilay nya.
kaya medyo nahiya ako,
di kami masyadong nagka usap ng gabing yun.

Sa susunod na gabi, pumunta ulit ako ng church.

Nakita ko sya na may hawak na gitara.
pumipikit pikit sya habang kumakanta.

kaya umupo ako sa harap nya.

Maya maya bigla syang nagsalita.

".Hai ako nga pala sa Marwyn, estudyante ako sa bible school, first year palang ako." sabi nya sabay ngiti..

".Ah, Ako naman Si Ruth, at gusto ko rin mag aral ng bible school.
1st year palang ako ay pinangarap ko na yun, pero ang problema, di pumayag Si papa, kaya napilitan nalang ako na mag aral ng Education kahit di ko gusto. keysa naman di ako makapag aral ng college." malungkot na sabi ko..

".Dapat kung ano ang gusto ng puso mo, yun dapat ang sundin mo. sabi nya

".pero ang problema kasi,,ay naging sunud sunuran ako sa bagay na di ko gusto. malungkot na sabi ko..

Marami syang binahagi sakin tungkol sa bagay bagay.
hanggang napunta ang topic namin kay satan.

sabi nya kasi sakin, di lahat na mga mabubuting bagay na natatanggap mo ay galing kay GOD. minsan nagbibigay din ng mabuting bagay si satan.

pero ito ay nagdudulot ng matinding kapahamakan. kaya tinanong ko sya,

".Pano mo malalaman na si satan na ang kumikilos?
Natahimik sya saglit pagkatapos ay nagsalita.

".Hmm, ganito kasi yan. may i sha ishare ako pero private · · kasi to eh, tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

Nagtataka ako kasi 1st time nya palang akong nakausap ng seryoso, nagshare na sya ng private experience nya. dun nagstart na naging close kami, na kahit mga journal entry nya pinabasa nya sakin.

pero ako, nagdadalawang isip ako na mag share ng mga private experience ko sa kanya. di kasi ako mahilig mag share ng ganun eh. sa personal kasi nahihiya ako, kaya sinusulat ko nalang ito, masasabi ko na naging masaya ako na nakilala ko sya.

Malapit na ang Pastoral Appreciation Day
swerte at nakabalik ako sa bakeshop

Kasalukuyan kaming gumagawa ng card para sa mga pastors,
Tiningnan ko sya habang dinidesignan ko ang card na ginawa ko.

Naisip ko, Ano kaya ang pwedi kung ibigay sa kanya sa sunday? kung card kasi, baka mahalata nya, di na tuloy surprice.

Kinabukasan....

May naisip akong idea, gawan ko kaya sya ng tula? di ako nagdalawang isip, kinuha ko kaagad ang notebook at ballpen at sumulat ng mga katagang naglalaman ng mga gusto kong sabihin sa kanya.

My Love for God (A real testimony of Faith)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon