CHAPTER # 11

93 5 0
                                    

Nang matapos ang araw na nag harap ang dalawa ....

Si cheska naman ay pagod na pagod dahil sa hirap ng pinagawa sa kanya...

BEST FRIEND's (POV)..

"hi bessy"...ang bungad na pag bati ng kanyang kaibigan na si shasha sa kanya...

"Bessy bakit parang pagod na pagod kanaman bakit mahirap nanaman ba ang pinagawa sayo ng boss mo...." 

"hindi naman ganoong kahirap pero nakakapagod...."

"Hayyyy!!!! nako bessy naman oh!Pinahihirapan mo ang sarili..."

"kahit ano naman gawin ko haharap at haharap parin ako sa ganito mahihirapan parin ako..."

"Pero bessy..."

"wala ng pero pero ito na talaga ang kakaharapin ko!!!! Wag kang mag alala dahil hindi ko naman papagurin ang sarili ko, ito naman walang tiwala...."

"nag aalala lang ako sayo bessy..."

.

.

AFTER NG USAPAN........

"LORD sana pag gising ko, sana hindi na ako mahihirapan ....!!!! Dito sa nararamdaman kong pag tingin kay collin lord bigay naman po kayo ng sign para masabi ko sa kanya ang lahat..."

matapos sabihin ni cheska ang mga idinasal nya ay agad naring nakatulog si cheska..

KINABUKASAN>>>>>> 

 "Hayyyyyyyyyyy,umaga na pala!Hay ang sarap ng tulog ko..."

Bumangon na si cheska sa higaan nya at nag asikaso ng sarili nya..Para sa pag punta nya ng Office.......

Pumunta na ng office si cheska ng excited na excited papano kasi may sign na syang  nararamdaman kaya nag madali ito papunta sa trabaho nya.

ng bubuksan na nya ang pinto ng building ay bumungad agad sa kanya ang isang babae na animoy umiilaw sa ganda nito at sabay naman na pag dating ni collin at sabay na pag akbay sa babae ...

"Ah cheska!!!! si sandra nga pala"Ang pagpapakilala ni collin sa babae...

 "ahhhhhh!!!!!" ang nakatungangang pag sasalita ni cheska kay collin...

Ang inakalang araw na ng pag sasabi nya ng nararamdaman nya kay collin ay hindi pala...Pagkatapos ng paghaharap ng tatlo ay umalis narin kaagad si cheska at dinahilan nalang nya na magtratrabaho pa sya.....

"ahhh nice to meet you" sabay na pag alis na ni cheska..

Ang pag alis ni cheska ang pinag takhan ni collin kaya pasikreto nya itong sinundan at nalaman nya na hindi ito pumunta sa office kundi sa CR  ng mga babae ito pumunta...

sumilip ito ng pasikreto sa CR ng babae pero sisilip palang ito ay may papalabas na babae at nakita sya nito kaya ang sama ng tingin ng babae sa kanya at sabay sabi sa kanya ng "BASTOS"..

At iyon rin ang sabay na pag tingin nya sa babae....

At sabay rin na pag pasok nya sa banyo ng babae at sabay sara ng pinto...Nagulat si cheska sa lakas ng kalabog ng pinto...

"Ay puke ng nanay ko na nasa itaas ng noo..."Aang pag kakasabi ni cheska dahil sa pagka gulat...

"Ay bastossss..Bakit nandito ka sa BANYO NG BABAE..."ang pag sasalita nito pagkakita kay collin...

"Over acting...kala ko ba sa office ka pupunta,bakit dito ka dumeretso sa banyo..."Ang pag tatanong ni collin kay cheska...

"Bakit masamang pumunta sa banyo gusto mo sa office ako umihi..."Ang pambabara ni cheska kay collin...

"Okay!!!okay!!!...siguro nag seselos ka dahil sa nakita mo noh!!..."Ang pag sasabi nito ng siryoso kay cheska...

At sabay paglingat ng mukha ni cheska at sabay bumulong ng"WOW ANG KAPAL ahhh!!!!"

"Hoy ano nag seselos ka ba!!!!"Ang pagtatanong nya kay cheska....

"Alam mo ang kapal rin ng mukha mo noh! para masabi sa akin yang mga KAKAPALAN MO hhhhhmmm!!!!"

"Alam mo cheska wag mo ng ideny yang nararamdaman mo para sa akin..."Ang siryosong pakikipag talo nya kay cheska...

"Ano ba ang kulit kulit mo rin nohhh pag sinabi ko ba na wala akong nararamdaman sayo tatahimik ka ba..."

"Hindi!! hindi ako tatahimik hangga't hindi mo sinasabi yung totoo mong nararamdaman hindi ako tatahimik..KASI MAHAL KITA CHESKA at alam ko na  MAHAL MO RIN AKO hindi mo lang sinasabi...

"Ano bang gagawin ko!! Ano bang sasabihin ko para tigilan mo na ako"

"Gusto kong mahalin mo ako at gusto ko sabihin mo na mahal mo rin ako kasi cheska alam mo mahal na mahal kita...Bakit ano pabang kailangan kong sabihin sa iyo na totoo kitang minamahal....Ano pang kailangan kong patunayan sayo na mahal kita kasi alam mo patay na patay ako sayo gusto mo mag pakamatay ako para malaman mo na mahal kita,sige papatunayan ko sayo na mahal na mahal kita ngayon din...Pupunta ako ng tuktok ng building na ito at doon tatalon at sasabihin ng malakas na I LOVE YOU CHESKA...."iyon ang sinabi ni collin kay cheska sa loob ng CR at sabay na bukas ng pinto at umakyat ng hagdan papuntang ROOFTOP ng BUILDING

" collin!!! collin saglit lang..." Ang pilit na pag sasabi nya kay collin na saglit lang ngunit hindi nya ito mapigilan...

Nang makarating na ito sa itaas ng building doon ito sumigaw na mahal nya si cheska..

"MAHAL KITA CHESKA, I LOVE YOU CHESKA sana sabihin mo rin na mahal mo rin ako CHESKA I LOVE LOVE LOVE LOVE YOU cheska...Ano tatalon na ba ako tatalon na ba ako dito.."

lalapit na ito sa gilid ng building, sa pag lapit nya ay hindi sinasadyang may naka harang sa bandang paanan nya na naging sanhi ng pagka hulog sa building pasalamat nalang at itoy dalawang palapag lang ang kinahilugan nya dahil hindi ito umakyat sa tuktok ng building...

"Collin... cooollliinnn" ang pag sigaw ni cheska ng makitang nakahandusay ito sa baba ng building 

Habang sumisigaw ay lumuluha si cheska sa mga nangyaring kaganapan...

bumaba kaagad ito ng building at pumunta na sa kinahulugan ni collin..

At doon nag sisigaw si cheska...

"TULONG TULONG tulungan nyo kami"At marami namang sumak lolo kay cheska ng dalhin si collin sa hospital..

MY UNEXPECTED LOVE-employee and her boss_love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon