Is this Love-2

187 6 12
                                    

A/N: This chapter is dedicated to the one who presented as secretary of Kathryn, ikaw na author ng Simpleng Tulad Mo @itsmehyzl. Thank you sa pagjoin ng kabaliwan ko.

Also i dedicate this chapter to my avid supporter, haha, walang kokontra, @Gillian Wayne, follow nyo sya guys, mabait yan, imported yan. Lol! Hi baby kaway naman jan.

************************

"O maayos na ba iyan kuyang? Dapat matapos na yan para maideliver nyo na."turan ni Kathryn, ang simpleng si Kathryn Bernardo bata pa lang sya noon ay sanay na sa pagkakayod para sa kanilang kabuhayan.

Nag umpisa lang sila sa maliit na pwesto noon ng kanyang mama sa dangwa, bulaklak ang kanilang mga paninda. Pagtungtong nya kasi sa highschool ay sya namang mag umpisang magloko ang kanyang papa, iniwan sila para sa sariling kaligayahan. Kaya ang resulta, mama nya lang ang nagtaguyod sa kanya. Naging pihikan tuloy si Kathryn pagdating sa mga manliligaw nya.

Madaling araw pa lang ay bumabangon na si Kathryn para mag ayos ng paninda nila sa dangwa, at kapag oras na ng pagbibihis nya ay humahalili naman ang kanyang mama. Di uso sa kanila noon ang tauhan, silang dalawa ng mama nya ang magkatulong sa pagmamanage ng maliit nilang negosyo.

Nang magcollege si Kathryn, umunlad din naman ang bulaklakan nila ng mama nya, may isa na silang tauhan noon na laging kasama ng mama nya. Di na kasi pwede noon si Kathryn dahil nag aaral sya ng kursong business management.

Hindi naging hadlang kay Kathryn ang pagiging single mother ng mama nya sa kanya upang makamit nya ang kanyang pangarap. Naging challenge sa kanya ang pag iwan ng papa nya sa kanila. Lalong pinagbuti ni Kathryn ang kanyang pag aaral, ni hindi sya nagpaligaw, hindi nya pinasok ang makamundong mga gawain, gusto nya kasing magpahinga na lamang sa bahay ang mama niya, dahil buong buhay neto ay iginugol na sa kanya. Kaya sabi nya sa sarili nya ay balang araw ay hindi na magtatrabaho ang mama nya. Dahil likas na matalino, mabait at masipag si Kathryn nakapagtapos sya sa kurso niya on time at taglay ang pangalawa sa pinaka mataas na parangal kung tawagin ay Magna Cum Laude. Proud na proud ang mama nya noon.

Nakapagtrabaho naman si Kathryn sa iba't ibang kilalang mga Kompanya pero hindi sya masaya doon. Hinahanap kasi ng katawan nya ang sariling pagnenegosyo kaya ng makaipon sya ay ipinagpatuloy nya ang kanilang dating negosyo. Kaiba nga lang ngayon dahil event organizer na sya na ang expert nila ay sa bulaklak at mga lobo. Nag umpisa lang din sya sa maliit, pero ngayon kahit papaano ay nakikilala na ang kanyang serbisyo. Mahusay kasing makipag usap si Kathryn dinadaan nya ang mga clients nya sa galing nyang magsalita. Kaya hindi na sya natatanggihan ng mga kausap nya.

"Opo Maam Kathryn, okey na okey na po lahat."sagot naman ng isa sa mga tauhan niya ng tanungin nga ng dalaga kung maayos na ba yung mga idedeliver nilang bulaklak at mga lobo.

"O sya itong panggas kuyang, ikaw na bahala sa mga yan."sabi ni Kathryn at inabot ang 500 sa delivery man nya.

Nagpaalam na rin naman ang tauhan nya at sya ay pumasok naman sa opisina nya.

"Ahhhhh!!! Angpogi nya talaga, wait for me Daniel!!! Pakakasal pa tayo!!!sigaw ni Hyzl (read as Hayzel), ang secretary ni Kathryn habang pinapanood ang pagtugtog ng banda nila Daniel sa isang variety show.

Nagroll naman ng eyes si Kathryn, paano lagi na lang ganyan ang secretary nya. Araw araw pinagpapantasyahan nya ang idol netong si Daniel Padilla. Paulit ulit nyang pinanonood yung napanood nya sa isang variety show kung saan nagperform ang bandang Parking Five. Nirecord pa niya talaga iyon, at buhat ng mapanood niya iyon ay araw araw na niya itong pinanonood ng walang kasawaan. Pinakavitamins na nya nga kasi iyon. Kumbaga, pampagood vibes na raw.

"Eeeeeeeehhhh, Maam Kathryn, di ba naman napakagwapo ng boyfriend ko."sabi pa neto at nagpuppy eyes pa sabay pakita sa amo niya ang kumakantang si Daniel.

Is this Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon