Is This Love-7

91 8 10
                                    

Napakunot ang noo ni Kathryn isang umagang humahangos papasok si Hyzl sa opisina niya. Kunga makatawag daig pa ang nasusunugan.

"Maam, maam Kathryn, ate Kathryn."halos di na nya alam ang itatawag niya sa amo niya.

"My God Hyzl, ano nanaman bang problema mo!"halos sumigaw na si Kathryn ng pumasok si Hyzl sa opisina nya, haplos haplos pa ang dibdib niya.

"Ah, eh kasi maam nandito po si Daniel Padilla ng Parking Five. At hinahanap ka po niya."dere derechong litanya ni Hyzl, nagpuppy eyes pa siya.

Napapikit ng mata si Kathryn, paano kuliling kulili sya tinig ni Hyzl, napakaingay na napakatinis, para syang sirena ng ambulansya, akala mo ay napakahalagang bagay ay dala netong balita.

Napaisip si Kathryn, ano ba kasing ginagawa ng mayabang na yun sa shop niya. Naningkit ang mata ni Kathryn. At mata sa matang naglitanya ito kay Hyzl.

"Busy ako, kaya pwede Ba Hyzl ikaw na lang bahala sa kanya."

"Eh maam, kung di lang kayo hinahanap talagang ako na ang aasikaso no, angyummy nya kaya. Kaya lang po, kayo ang hinahanap, kaya dapat po pagbigyan ang hiling ng costumer."sagot naman ni Hyzl.

Napalamukos na lang sa mukha si Kathryn, tama nga naman kasi si Hyzl. Sa isip niya, tanda pala ng dalaga ang mga itinuturo niya dito.

Wala na ngang nagawa si Kathryn kundi tumayo na lang sya. Pero bago pa siya lumabas eh hinarap niya muna uli si Hyzl.

"Umayos ka ha, asikasuhin mong trabaho mo, wag kang tingin ng tingin kay Daniel, is that clear?"matapang na tinuran yun ni Kathryn.

Omoo na lang si Hyzl kahit di sya siguradong masusunod niya ang bilin ng boss niya. Pagkatapos ay magkasunod na silang lumabas ng opisina.

Paglabas nga nila ay nakita na niya si Daniel, busy ito sa pagmamasid sa mga display nilang bulaklak doon, seryoso namang lumapit si Kathryn kay Daniel.

"Hi Kathryn, you have wonderful flowers here!"masiglang bati ni Daniel sa dalaga

Nakakalokong ngumiti naman ito sa binata, "magaganda talaga ang mga bulaklak namin dito, kaya lang sadyang may mga taong basta basta nalang naninira ng mga paninda ko."litanya ng dalaga, halata sa mukha na may bakas pa ring pagkayamot sa binata.

Ngumiti naman si Daniel, "i can see we're not yet over with the flower thing huh."

Deep breaths si Kathryn, "how may i help you, bat kelangan pang ako ang tawagin mo para umasikaso sa'yo."mataray na tanong ni Kathryn.

Nagsmirk si Daniel, "is that your way to treat your customers right?"

Deep breaths uli si Kathryn. Sa isip niya gustong gusto niya ng talikuran ito.

Nagfake smile na lang siya at masuyong tinanong kung ano talaga ang pakay sa kanya ng binata.

"So anong gagawin mo sa mga bulaklak?"tanong ni Kathryn sa binata.

"Tinitingnan ko lang."nakangiti ng nakakaloko si Daniel ng isagot iyon

"Great, titingnan mo lang ang nga bulaklak ko, at dito lang ako habang binabantayan ka, what a waste of time."sabi naman ni Kathryn

Umiling si Daniel. "You know what, instead of treating me like a stupid, for once magpa impress ka na lang sa akin. Malapit na kasi engagement party ng kaibigan ko, and naisip kong para tuluyan na akong makabayad sa'yo eh irerefer sana kita, kaya lang i am just a freaking waste of time sabi mo eh."mahabang litanya ni Daniel at akmamng tatalikod na

Kaya mabilis na kumilos si Kathryn at hinawakan ito sa braso, sa isip niya kasi sayang naman yung event na yun kung palalampasin pa niya. Malaki laking pera yun kung sakali.

Is this Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon