Is this Love-3

161 5 6
                                    

"Hi sis!"bati sa kanya ni Miles, ang best friend niya.

Tayayo na sana si Kathryn para salubungin din ang dalaga pero pinigilan na sya ni Miles

"Jan ka na sis, mag uusap lang tayo."sabi neto at lumapit na sa kaibigan para makapagbeso.

"Oh, what brought you here?"tanong ni Kath sa kaibigan

Iginala pa ni Miles ang tingin sa shop neto. Tamang sukat lang ang shop ni Kathryn, pero hindi naman yun masikip para maaccomodate ang mga nagpupuntahan sa shop niya.

"Sis, i think masmagandang maglagay ka ng false cake jan sa harap ng shop mo, para alam nila na nag ooffer din ang shop mo ng ganun."pag uumpisa ni Miles, she's referring to her business actually. May ari kasi sina Miles ng pinakamalaki at pinakasikat na bakery sa bansa. Madami silang branches all over the country at recent lang ay kakabukas lang nila ng first bakery nila abroad na nakabase sa Singapore. Cake ang pangunahin nilang product, yun ang best seller nila.

Namilog ang mata ni Kathryn, dahil finally pati business ng dalaga ay icoconnect na niya sa business niya. Blessing para sa kanya iyon, dahil hindi na lang basta flowers, lobo, at kung anu ano pang decorations ang iooffer nya, pati cakes ay magkakaroon na rin sya. Kulang na lang ay catering service pa.

Tumayo siya at yumakap sa kaibigan.

"Thank you sis."sabi pa ni Kathryn

"You're always welcome bessy."sagot naman ni Miles na yumakap din ito sa kaibigan.

Maya maya ay napuno na naman ng ingay ang shop niya. Napailing na lang si Kath. Tapos na naman kasi mag ayos ng mga bulaklak si Hyzl kaya nanonood na naman for sure sa cellphone niya ng performance ng idol niyang si Daniel Padilla ng Parking Five.

"Naku sis, ganyan yan araw araw."sabi ni Kath ng mapatingin si Miles sa gawi ni Hyzl.

Tumawa naman si Miles.

"Bakit, ano bang pinanonood niya?"tanong naman neto

"As usual sis, Daniel Padilla daw of Parking Five."poker face na sagot lang ni Kathryn

"Whoaaaa! Idol niya rin? Omigosh! Magkakasundo kami ng secretary mo!"bulalas ni Miles

"OA sis ah!"si Kathryn

"Hoy sis ano ka ba, totoong hot sya, nakita ko na yun personally. Actually lahat sila ng bandmates niya nakita ko sila. Wedding ng isang kaband nila noon."mahabang litanya ni Miles

Nagroll ng eyes si Kathryn as if naman interested sya sa mga sinasabi ng bestfriend niya.

"Aaaaahhhhh!!!!"muling sigaw ni Hyzl, kaya naman agad na napatayo ang dalawa at agad na nagpunta sa lugar ni Hyzl.

"Hyzl, ano na-"di naituloy ni Kathryn ang sasabihin dahil alam na nya kung ano na naman ang ipinag iingay neto. As usual ay may nagpadala na naman sa kanya ng pumpon ng bulaklak.

Kinuha ni Kathryn ang bulaklak at binasa ang nakasulat.

'For the girl of my dreams'

From Anonymous Guy

"Oh my G! Oh my effin' G, sino yan?"kinikilig na tanong ni miles sa kaibigan nya

Nagkibit balikat lang si Kath kasi hindi naman talaga niya kilala. Gaya ng dati ay ibinigay niya uli ang bulaklak kay Hyzl at gaya rin ng dati tuwang tuwa uli si Hyzl.

Naglakad na lang pabalik sa office si Kath na sinundan naman ng kaibigan niya. At pinag usapan nila ang details tungkol sa business nila.

"Dito muna ako tambay sis, ayoko pa bumalik sa caf."sabi ni Miles, she's referring naman sa sarili niyang negosyo. Ang cafeteria niya, syempre pa they serves cakes, bread and pastries doon.

Is this Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon