Is this Love- 8

131 7 6
                                    


Inaayos ni Daniel ang isusuot niya nung araw na iyon, kasal kasi ng pinsan niya at isa siya sa mga mag aabay. Lagi na lang ganun, lagi na lang syang abay. Kailan naman kayang siya naman ang pipili ng mga magiging abay niya sa sarili niyang kasal. Sumagi pa sa isip niya si Kathryn, ewan niya kung bakit, napangiti pa sya actually. The truth is he had trouble sleeping last night because he was thinking about her.

Daniel shook his head, he can't believe of what he just did last night. He brought dinner for Kathryn, sa totoo lang di niya din alam bakit niya ginawa yun. Nakita niya lang si Hyzl, at nabanggit sa kanya na nasa shop pa si Kathryn at di pa kumakain. Kaya ayun at naisipan niyang bumili ng pagkain para sa kanilang dalawa. At hindi niya iyon maipagkakaila nag enjoy sya sa company ng dalaga kahit pa most of the time ay pinandidilatan sya ng mata o di kaya ay nagpapout sya. He had to admit na he partly did it because he want to be nice to her. Ramdam niya kasing inis sa kanya ang dalaga kaya dapat lang na gumawa sya ng move niya para maging maayos sila.

Malupit lang nun di niya lubos maisip na gagambalahin siya sa kanyang isipan. Di talaga siya nakatulog sa nagdaang gabi kakaisip sa dalaga. Sa isip niya siguro ay dahil ngayon lang siya nakaencounter ng kagaya ni Kathryn na sinusungitan sya. While most of the time, lahat ng babae ay nginingitian siya.

Matapos makapagbihis si Daniel ay mabilis na siyang bumaba. Ilang minuto na lang kasi ay mag uumpisa na ang dadaluhan niyang kasal. Natigilan siya ng makita niya ang mommy at daddy niya na nagsasayaw sa sala. His dad is holding on her mom's waist while her mom's hands wrapped on his dad's neck. Napangiti siya. They looked cute together. He clapped his hands as he reached downstairs. Sabay namang lumingon ang mga ito sa kanya.

"We've missed doing this anak!"sabi ng kanyang mommy Karla

"I know mom."sagot lang ni Daniel na nakangiti. Nagkayayaan na lang silang magpunta na sa simbahan.

Di maiwasan ni Daniel mabother, paano lahat na yatang kasabayan niyang binata ay ikinasal na. Ang mga kaibigan niya, ngayon naman ay ang pinsan niya. He wondered when it would be his time.

Nakaupo si Daniel sa isang sulok. Nahagip sya ng mga tita niyang mga alaskador iiwas na sana siya kaya lang huli na ang lahat.

"Oh Daniel, abay ka na naman? Kelan naman kayang ikaw ang maghihintay dun sa altar?"sabi ng isang tita niya

Nakangiting sumagot lang si Daniel.

"Wala pa po kasi akong nakikitang maihaharap sa altar eh."sabi niya

"Naku bilis bilisan mo Hijo, di ka na bumabata."sabi naman ng isang tita niya

Di sya umimik, ngumiti lang siya. Natigilan pa sya dahil may nahagip ang mga mata niya. Nakita niya si Kathryn at Hyzl, may tatlo pa silang kasama.

Nagmadaling nag excuse si Daniel at mabilis na lumapit kina Kathryn.

"Kathryn!"tawag niya sa pangalan ng dalaga

Lumingon naman si Kathryn sa kanya, "Daniel?"gulat naman si Kathryn

Ngumiti si Daniel.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Kathryn sa binata

"Pinsan ko kasi yung ikakasal eh."sagot naman ng binata, "ikaw?"pabalik pa niyang tanong

"Kinuha kaming magservice dito eh."sagot naman ni Kathryn

"Ahh, uuwi na ba kayo?"tanong neto sa dalaga

"Hindi pa, hanggang reception pa kami."sagot naman ni Kathryn.

"Oh. I guess i will see you there."masayang bulalas ng binata.

Ngumiti naman si Kathryn nat pagkatapos ay nagpaalam na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Is this Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon